"My mind was preoccupied with the thoughts of  you almost half of the day that's why I forgot to eat. Hindi kita sinisisi by saying that. I just want you to know that I always think of you. And  I also want to have a meal with you babe. So pwede ba tayong kumain muna? " tanong  nito sa paos na boses. Ang titig nito nakaka-conscious.

Inirapan na lang niya ito bago tumingin ulit sa labas ng bintana at padabog na sumandal habang nakahalukipkip.

***

" Binibilang mo ba ang subo ko?" mataray na tanong niya bago uminom ng tubig.

Hindi na kasi halos alisin ni Jordan ang mata sa kanya. Kahit naman nagka-confidence na siya, kapag ganito naman ka-intense ang titig sayo, maaapektuhan ka din. 

Ang lapad ng ngiti nito. Ibinaba nito ang sariling baso  bago sumandal sa upuan. " I can look at you all day babe. " malanding sabi nito.

Inikot niya ang mga mata at inumpisahan na namang kumain. May maganda siyang naisip para ma-turn off ito sa kanya.

"Mas masarap pa din ang mag-kamay." sabi niya matapos kunin ang chicken breast na nasa plato niya gamit ang kamay. "Dapat kasi sa turo-turo na lang tayo kumain. Ang daming arte dito!" sabi niya matapos kumagat ng manok hanggang mapuno ang bibig niya. " Ang mahal-mahal ang konti naman ng serving!" sabi pa niya habang halos lumabas na ang karne sa bibig niya.

Ipinunas pa niya ang likod ng kamay sa bibig para magmukha siyang dugyot. Inisa-isa din niyang kainin ang baked beans na nasa plato na gamit  pa din ang kamay. Itinaas niya ang mata kay Jordan. Nakita niya na nakakunot ng bahagya ang noo nito habang nakatingin sa kanya. Itotodo na niya para masulasok na ito sa bad table manners niya.  Inabot niya ang plato nito.

"Patikim nga nito. Masarap ba? " tanong niya habang kumuha ng isang piraso ng steak na hiniwa na nito . Syempre kinamay niya. Hindi pa siya nakuntento, dinutdut pa niya ang mashed potato nito bago isubo ang daliri para kunwari tikman.Muntik na siyang matawa ng makita niyang mas lumalim ang kunot sa noo nito sa ginagawa niya. 

"Ang alat pareho ! Ang mahal-mahal tapos magkakasakit ka pa sa bato at magkaka-alta presyon ka pa sa pagkain!" reklamo niya bago ang plato  naman niya ang binalikan niya. Hindi siya sumubo pero nilaro-laro niya ang nasa pinggan niya. Lihim siyang natawa. Ang bright na talaga niya. Ang ganda  kasi ng naisip niya. The best way na ma-turn off ang isang konyo na kagaya ni Jordan ay itong mga senaryong ganito. Kababuyan sa pagkain lalo at nasa isang mamahaling resturant sila. Napansin nga niya na may mga tumitingin na sa kanila na mga customers din. Hindi naman niya inintindi ang mga ito. Una hindi naman siya kilala ng mga ito at wala naman siyang balak bumalik pa dito. Itinaas niya ang isang kilay at tumingin ulit siya  kay Jordan ng marinig niya ang boses nito .  Tinawag nito ang padaang waiter. Nakangiti naman na lumapit ito pero nanlaki ang mata nang makita ang paglamutak niya sa beans   na nasa plato niya habang nakasimangot siya. Nilalaro niya ito.  Ilang segundo lang naman ang mga mata nito sa kanya  bago magalang na tumingin ulit  kay Jordan.

"Yes sir?"  tanong nito na nakangiti na ulit.

Kinagat niya ang ibabang labi para mapigilan  ang ngiti. Mukhang hindi na maka-antay si Jordan na magbayad para umalis na sila. Nakakahiya nga naman na ang kasama nito walang table manners. Maganda nga baboy namang kumain. 

" I want to talk to Eman. " sabi nito sa waiter.

"Sige po sir. Sandali." magalang na sabi nito.

Kumunot ang noo niya. "Sinong Eman?" tanong niya.

"The chef! I will fire him ! " galit na sabi Jordan.

***

Hindi maalis-alis ang pagkasalubong ng kilay niya. Hindi niya inasahan na isa pala sa may-ari ng restaurant si Jordan. Kasosyo nito ang kaibigang si Harold.  Taranta niyang inawat ito sa pagtanggal sa chef sa trabaho. Bago pa lumabas ng kusina si Eman, mabilis na nauna siya sa paglabas. Sa pagmamadali ni Jordan na habulin siya, hindi na nito nakausap ang pobreng chef.

"But I will still talk to Eman!" sabi nito habang nagmamaneho.

"Sabing wag na eh!  Tinikman ko naman ulit di naman pala maalat! Ang mabuti pa sabihan mo ang kaibigan  mo na babaan niyo ang  presyo ng mga pagkain niyo! Grabe as in grabe! " inis na sabi niya. 

Hindi niya nakita na kumunot ang noo nito dahil nakatanaw na siya ulit sa labas ng bintana. "Anything for you babe. Tatawagan ko mamaya si Harold." dinig niyang sabi nito. 

Muntik na siyang mapaungol  dahil sa inis at gulat..at pinipigilang kilig..

 Inis dahil kahit anong gawin niya mukhang di ito mawawalan ng gana sa kanya na hindi ba naman nakakagulat at nakakakilig  din?

Galit na lumingon siya dito. "Hind ba obvious na  hindi tayo bagay ha? Kahit anong gawin natin ako pa din si  Mary Mar Dimagiba na lumaki sa squatter! Magkaibang-magkaiba ang mundo natin at kailanman hindi pwedeng magkapareho! Ang tigas din naman talaga ng ulo mo eh!... Ayy!" gulat na sambit niya ng biglang lumiko si Jordan sa gilid ng kalsada .

"Don't you fucking get it?! Wala akong pakialam kung sino ka pa o kung saan ka galing! I went out of my way to apologize for everything and now I am showing you how important you are to me and yet you don't see all my effort?! You don't see or you don't want to recognize?! But know what babe? I don't fucking care because you are mine and you have to accept that sooner or later!  And I  will do anything to have you! Nothing and no one will change that!" sabi nito habang halos magtagis ang bagang.

Naningkit ang mga mata niya sabay nang pag-awang ng bibig niya. Nang ma-realize niya na mukha siyang tanga, isinarado niya ang bibig at umayos siya ng upo.

"So kung ganon din naman pala di itodo na natin di ba? Wala naman pala akong pwedeng gawin para pagpapagin ka kaya  ganito na lang ha? Ligawan mo ako pero sa paraan na gusto ko!  Aakyat ka ng ligaw sa akin pero sa bahay ng tita Jackie ko dun sa squatter! " 

Ang mga mata naman nito ang naniningkit. "No problem." tipid na sagot nito na titig na titig sa kanya.

"Hindi pa tapos! Hindi  mo ako pwedeng puntahan ng naka-kotse  at kung sasama ako sayo paglabas, sasakay tayo sa jeep o sa traysikel o sa padyak!" sabi niya  habang nakataas ng bahagya ang isang kilay.

Ni hindi pa nga yata nakasakay ito kahit sa taxi so pumupusta siya na pahirapan to the max ang pinapagawa niya.

"Deal."  mabilis na sabi nito sa seryosong boses.

Kumunot ang noo niya. " Naintindihan mo ba ang gusto kong mangyari ha? Baka gusto mo ulitin ko?" may inis sa boses  na tanong niya.

"I heard you babe. Ikaw yata ang hindi nakarinig sa sinabi ko... I will do anything to have you and  nothing and no one will change that..." 

Kagat ang ibabang  labi, napapikit siya bago isinandal ang ulo sa upuan.

Ano kang Mary Mar ka? Tanong niya sa sa sarili. 

Mahirap pang pagpagin ito  sa kapit na kapit na talangka. Kailangan niyang mag-energize ng utak para mapag-isipan niyang mabuti ang  mga ipapagawa dito. Kung ang ending niya talaga ay sa mga kamay din nito, dapat hindi basta-basta ang gagawin nito para sa kanya. Dalagang Pilipina siya na dapat pinaghihirapang mapasagot.

"You are worth it babe..I can't wait to woo you.." dinig niyang sabi pa nito sa paos na boses.

Nag-dirty finger lang siya dito habang nakasandal at nakapikit. Dinig niya ang mahinang tawa nito na makalaglag panty.

 Dinig niya ang mahinang tawa nito na makalaglag panty

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Abangan ang mga huling kabanata....

Pls check the story details nakasulat .. This is a short novel lang po. Ginawa lang po ito as  the grand prize sa pa-game ko nung bday ko. Dinedicate sa winner.. =)

My Clueless Enchantress (Read for free in Hinovel)Where stories live. Discover now