“Hi Cute! Alam mo ang cute cute mo pa naman kaso nga lang, -- basahin mo ang page 25..”

Dali namang inilipat ni Ryel dahil na curious din ito..

At pag dating sa page 25.. – “hmm. Suplado ka.. kaso ayos lang challenge nga sa akin yan eh.. alam mo bang ---- pakibasa ang page 51

At pagdating sa page 51 – alam mo bang crush kita, kaso alam kong hindi ka magkakacrush sa tulad ko, wag mo nang basahin ang next page kung di ka naman interested --- pakibasa ang page 65

At pagdating sa page 65 – dahil tipo mo ata mga maria clara ng noli me tangere, kaso nagkataong maria clara ako ng Pegasus! Joke! Pero salamat pa rin ah—pakibasa ang last page

At pagdating sa last page– kasi nagkaroon ako ng chance na makausap at makasama ang taong crush ko.. kahit na hindi mo naman minemorize ang number ko nung minsang may pagkakataon kang makuha ito.. anyway kung interested ka sa akin.,, pakibasa ang number ko sa brief mo na nasa bag mo.. oopz sensia na ah, nangialam ako ng gamit mo, eh iyon kasi ang bumungad sa akin nang minsang nangealam ako ng bag mo eh kaya doon ko na sinulat ang number ko.. wait ko tawag mo ah.. bye cute!!

Dali daling binuksan ni Ryel ang kanyang bag at nagulat ito dahil may nakasulat nga sa white brief nia na number, andun din ang jersery nia, nagbaon kasi sia ng damit dahil plano sana nilang magbasketball kasama ang tropa nung araw ding iyon..

Tinawagan agad ni Ryel si Bernadette..

“hello!!” ang sabi ni Ryel

“Hello” ang sabi ni Bernadette

“Bakit mo sinulatan ang libro ko at brief ko?? Kung wala kang magawa sa buhay mo, wag mong idamay ang nananahimik kong brief..” ang sabi ni Ryel

“bakit may brief bang hindi nananahimik.. hmm sounds interesting… hehehe! Anyway, interested ka rin pala sa akin kasi talagang nageffort kang basahin ang mga sinulat ko doon..pakipot ka pa eh..” ang sabi ni Bernadette

“pakipot..?? Bernadette.. hindi ako nagpapakipot, manliligaw ako kung gusto ko ang babae at ayaw kong pinangungunahan ako…sige matulog ka na, wag mo ng ulitin pa iyon..” agn sabi ni Ryel at saka binaba ang phone..

Pero hindi naman affected si Bernadette, napangiti lang ito dahil sa ginawa niyang katarantaduhan..

Kinabukasan sa eskwelahan…

Nagsasign language si Anna kay Aldrin at tinatanong nito kung anong pangalan nia…

Nagtataka si Aldrin kung ano ang ginagawa ni Anna kung bakit nag sa-sign language ito..

Since marunong din si Aldrin dhil mayroon itong pinsan na pipi kaya nagsign language din ito nang “ kung tinatanong ba ni anna kung ano ang name nia” at sumagot naman si anna ng sign language na “oo”

At biglang sumagot si Aldrin at this time, nagsalita talaga sia.. “Aldrin ang pangalan ko.. ikaw?”

“haaaa!! Marunong kang magsalita!!! Ano ba yan nag enrol pa ko para lang matutuo kong mag sign language marunong ka palang magsalita.nyemas namn oh, ako pala si Anna” ang sabi ni Anna at nagkamay silang dalawa..

Natatawa si Aldrin sa naging reaksyon ni Anna…

Habang magkatabi sila sa upuan at inaantay ang kanilang guro.. wala pa rin silang pinagkukuwentuhan…

Tahimik..

Nakikiramdaman…

Nang biglang humalak hak si Anna at nagsalita.. “nakakatawa ka talaga!”

“Huh? Wala pa naman akong kinukwento ah? “ ang sabi ni Aldrin

“Ayy! Wala ba? Eh bkit nga ba wala?“ ang sabi ni Anna…

Dinedma lang ni alrdin ang sinabi ni Anna dahil naweweirduhan ito…

Makalipas ang ilang saglit, dumating na rin ang guro…

“class, gusto kong iannounce sa inyo na magkakaroon ng beauty contest dito sa ating ating eskwelahan at ang bawat section at kurso ay magkakaroon ng respresentative, kaya dapat kayo pumili kung sino ang gusto ninyong ilaban at maging representative ng inyong section.. “ ang sabi ni Lenie

“wow!!! masaya yan!! Sino kaya pwede nating ilaban??” ang sabi ni Bernadette..

“ehem.. ako kaya pwede? Kelangang bumili ako ng bagong gown! “ ang sabi ni Lani

“sisterette bibili ka pa ba eh araw araw ka namang nakagown eh, tinalo mo na nga ang mga prinsesa sa England” ang sabi ni Thinkerbell

“kelangang maging wais tayo sa pipiliin nating maging representative natin.” Ang sabi ni Rich..

“teka bakit hindi si Amanda?” ang sabi ni Anna..

“Teka nasaan nga ba si Amanda at Nicholas?” ang sabi ni Lenie

Sa kabilang banda,

Nalate ang dalawa sa pagpasok

Tiyempo namang nagkasabay sila sa parehong jeep, pero hindi nila alam na nasa iisang jeep pala sila..

“Naku late na ko, lagot ako nito kay mam.. natatanaw ko na ang university, magpara na kaya ako, kelangan ko ng sabihin ang magic word kasi mamaya lumagpas na naman ako tulad ng dati” ang sabi ni Kulas sa kanyang isip..

“sana late din si mam para makalusot ako… “ ang sabi ni Amanda at nang natanaw na nia ang university ay bigla na rin itong nag para..

“Mama, fara at the side!!!” ang sabi ni Amanda at kulas, duet pa sila sa pagsabi ng magic word!

Nagulat sila pareho at nagtinginan..

Nagtawanan naman ang lahat ng pasahero sa loob dahil kay kulas na parang medyo nabadingan sila sa dating ng pagpara nito..

PAKNERS IN CRIME (COMEDY) by Athena Adamas [ongoing series]Onde histórias criam vida. Descubra agora