Kabanata 7

33 14 11

Danielle

Kasalukuyan akong nagtuturo nang biglang magtaas ng kamay si Jonel, anak ng co-teacher ko.

"Teacher, sabi po ni mama ko birthday mo raw ngayon."

"Wow. Pagkanta na'tin ng happy birthday si teacher!" sabi naman ni Abbey. Napangiti nalang ako nang magsimula na silang kumanta ng happy birthday.

"Teacher, anong handa mo po?" tanong ni Eunicia.

"Uh, wala e. Matanda na si teacher niyo para mag handa pa," sagot ko.

"Hala, bakit po si tatay ko kahit matanda na, pinaghahanda pa'rin namin siya?" tanong naman ni Micosh. Napakamot nalang ako sa ulot ko.

"Ayos lang namang maghanda kapag birthday mo. Ayos lang din kung hindi. Ang mahalaga, kasama niyo ang mga mahal niyo sa buhay," pagpapaliwanag ko.

"Edi kasama niyo po 'yong family niyo po teacher?"

"San po sila mama niyo?"

"Teacher may boypren ka na po ba?"

Napasapo nalang ako sa noo ko.

Mahal na mahal ko ang pagtuturo, pati na rin ang mga bata pero bakit naman ang kulit nila?

Nang mag recess na ay nagpaalam sa'kin si Andrei na pupunta muna raw siya kay Leo. Pumayag naman ako.

Naramdaman ko ang tawag ng kalikasan kung kaya naman lumabas muna ako para mag banyo. Mukhang sira 'yong tiyan ko, ha. Matagal din ako sa banyo dahil nga sobrang sakit talaga ng tiyan ko. Gusto ko na nga lang mag half-day.

Pagbalik ko ay may nakita ako sa lamesa ko. Isang choco topps at gumamela na halatang pinitas lang sa labas.

"Kanina galing 'to?" tanong ko sa mga estudyante ko.

"Galing po 'yan kay tatay- sa'kin po pala. Happy birthday po, teacher!" sabi ni Andrei. Ngumiti ako at niyakap siya.

"Salamat, Andrei!" sabi ko. Lumapit naman sa'kin ang mga estudyante ko.

"Teacher, gusto rin namin ng yakap!" sabi ni Bhea. Natawa nalang ako at niyakap silang lahat.

Tulad nga ng sinabi ko, nag half day lang ako. Well, hindi ko alam kung matuturing ba 'tong half day dahil hindi pa naman tapos ang klase ng mga pang-umaga ay umalis na ako. Nagpaalam na rin ako sa head teacher, okay lang naman daw. Hindi ko talaga kaya 'tong sakit ng tiyan ko. Uminom na ako ng gamot, pero mukhang walang epekto.

Birthday na birthday, sira ang tiyan.

Nagpaalam na ako sa mga bata nang dumating ang kapalit ko. Nakiusap muna ako kay Teacher Tricia na palitan muna ako. Mabuti nalang at mabait siya.

Dali-dali akong lumabas ng paaralan. Nagtataka pa kong tinignan ni Leo pero tinanguan ko lamang siya dahil masakit na talaga 'tong tiyan ko. Iba 'yong sakit. Hindi ito 'yong tipong natatae ka. Parang acidic yata ako. At parang nang aasar pa yata ang tadhana, walang nadaan na jeep. Kung meron man ay puno naman. Gustong-gusto ko nang umuwi at magpahinga.

Si Leo!

Bumalik ako sa loob at lumapit kay Leo. Nakakahiya man, pero wala na akong choice.

"L-leo, puwede mo ba akong ihatid sa bahay?" deretsahan kong tanong. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Aba, nawili ka naman yata sa pagsakay sa motor ko. Hindi mo ako driver," inis niyang sabi. Masungit pa'rin talaga 'tong tao na 'to.

"Please. Ngayon lang, please," sabi ko habang namimilipit sa sakit ng tiyan.

"A-ano bang problema?"
Hindi ko alam kung concern ba siya o nagdedeliryo na ako pero wala akong pake. Gusto ko nang umuwi.

"Sobrang sakit ng tiyan ko. Hindi ko na kaya," sagot ko. Napangiwi naman siya.

"Naka-duty pa ako ngayon..."
Bumagsak ang balikat ko sa sagot niya. Oo nga naman, naka duty pa siya.

"...pero puwede naman akong magpaalam."
Muli akong napalingon sa kaniya, pakiramdam ko ay nagniningning ang mga mata ko. Isa kang anghel, Leo!

"Huwag mo nga kong tignan nang ganiyan! H-hindi ko 'to ginagawa dahil nag aalala ako sa'yo. Ginagawa ko 'to dahil ayokong pestehin ako ng konsensiya ko kapag namatay ka diyan sa harap ko-"

"Ugh, please. Alam ko. Magpaalam ka na, hindi ko na kaya."
Kung normal na araw lang 'to, baka natawa pa ako sa pagiging defensive niya.

Nakakunot noo naman siyang umalis para magpaalam. Wala pang sampong minuto ay nakabalik na siya sakay ng motor niya 

Bilis, ha.

"Sakay na!" sigaw niya sabay abot ng helmet. Sinuot ko 'yong helmet bago sumakay sa likod niya.

Feeling ko lumilipad kami sa sobrang bilis niyang magpatakbo. Kaya naman ang higpit ng kapit ko sa balikat niya. Nalimutan ko na ngang masakit ang tiyan ko dahil parang trip to heaven yata 'tong nasakyan ko. At dahil nga mabilis ang pagpapatakbo niya ay agad kaming nakarating sa apartment ko.

Dali-dali akong bumaba at inabot ang helmet sa kaniya.

"Salamat sa paghatid. Ingat!" sabi ko at akmang papasok na sa loob nang tawagin niya ako. Lagi nalang ganito, pansin ko lang.

"Uh, birthday mo raw?" tanong niya sabay iwas ng tingin.

"Ah, oo. Wala naman akong handa kaya hindi ko kayo mai-invite," natatawa kong sabi. Baka shanghai lang ang habol nito sa'kin.

"Ano namang pake-alam ko sa handa mo?" inis niyang sabi na ikinatawa ko.

"A-ano, happy birthday nga pala," mahina niyang sabi. Magpapasalamat sana ako pero agad siyang sumabat.

"Hindi kita binabati dahil mahalaga ka, huwag kang mag-"

"Oo, hindi ako nag a-assume. Maraming salamat sa pag bati," natatawa kong sabi pero naputol ang pagtawa ko nang maramdaman ko ang pagkirot ng tiyan ko.

"A-ayos ka lang ba?" nakangiwi niyang tanong. Ngumiti lang ako at tumango.

"S-sige na, mauna na ko sa loob. Maraming salamat ulit sa paghatid," paalam ko sa kaniya. Nag aalangan lang siyang tumango at ini-start nang muli ang motor niya. Pero bago siya umalis ay tinawag ko siyang muli.

"Leo!"
Napahinto siya at lumingon. Naka-helmet siya pero alam kong nakakunot nanaman ang noo niya.

"Salamat sa choco topps at sa flower!" nakangiti kong sabi. Nanlaki ang mga mata niya.

"H-hindi sa'kin galing 'yon! Si Andrei ang may bigay sa'yo noon, hindi ako-"

"Okay, okay! Pero salamat pa'rin." natatawa kong sabi. Nakita ko siyang ngumiwi bago tuluyang umalis.

Tatawa-tawa pa ako habang papasok sa loob ng apartment ko nang bigla nanaman kumirot ang tiyan ko.

Nice timing, tummy.

The Incapable ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon