Kabanata 11

44 9 0

Danielle

Kasalukuyan kaming nasa sala ngayon. Tulog pa si Andrei kung kaya't kami lang ni Leo ang nandito. Parehas kaming hindi makatingin sa isa't isa dahil sa nangyari kanina.

Shit. Sobrang nakakahiya 'yon! Ang gaga ko kasi.

"A-ano," sabi ko para basagin ang katahimikan.

"U-uuwi na ako. Tutal naman tumigil na ang ulan. Salamat sa pagpapatuloy sa'kin," sabi ko at tumayo na.

"Nilabhan ko na rin iyong tshirt, boxers at pajama mo. Nakasampay doon sa cr niyo. Sige, mauna na 'ko," dagdag ko pa at akmang aalis na nang magsalita siya.

"H-hatid na kita sa kanto. Baka mapano ka diyan," sabi niya at nauna nang lumabas. Napabuntong hininga ako bago sumunod sa kaniya.

Tahimik lang kami habang naglalakad. Nakasunod lang ako sa kaniya. Sobrang awkward kaya naman nagpapasalamat talaga ako nang nakalabas na kami sa huling eskinita. Mabuti nalang at agad na may humintong jeep.

"S-sige, salamat ulit. Mauuna na ako," sabi ko at kumaway sa kaniya. Tumango lang siya at muling pumasok sa eskinita. Sumakay na rin ako sa jeep para maka uwi na.

Palagay ko ay sobrang pula na ng mukha ko ngayon.

Ilang saglit pa ay pinara ko na ang jeep. Papasok na ako sa gate nang maramdaman ko ang pagtama ng matigas na bagay sa likod ng ulo ko bago tuluyang nawalan ng malay.

Nagising ako nang maramdaman ko ang malamig na tubig sa mukha ko.

"Hoy, babae! Gumising ka na," rinig kong sabi ng isang lalaki.

Hahawakan ko sana ang ulo ko dahil kumikirot ito nang mapansin kong nakatali ang kamay ko. Dinilat ko ang mga mata ko at nakitang nasa harapan ko iyong mga lalaki na nakaaway ni Leo sa convenient store.

"Tawagan mo na," sabi n'ong kalbo. Kinuha naman n'ong naka semi-kalbo ang cell phone niya tsaka nag dial. Naka-loud speaker ito kaya't dinig na dinig ang pag ri-ring nito.

"Sino 'to," sabi n'ong nasa kabilang linya.

Si Leo ba iyon?

Inabot niya ang telepono kay kalbo.

"Leo, my prend. Nakalimutan mo na agad kami? Nako, hindi maganda iyan," sagot ni kalbo.

"Wala akong pake-alam sainyo. Bye," sabi ni Leo ngunit agad na sumagot si kalbo.

"Ano? E papaano ba iyan, hawak namin 'tong shota mo," natatawa niyang sabi.

Shota? Ako ba iyong tinutukoy niya? Bakit ba lagi nalang akong napagkakamalang girlfriend ni Leo, ha?

"Gawgaw ka ba, ha? Wala akong chix tanga," inis niyang sabi.

"Gago ka ba? Ikakaila mo pa. Kasama namin iyong chickababes mo sa 711 n'ong huli tayong magkita," bakas ang pagkairita sa boses ni kalbo. Lumapit siya sa'kin at hinila ang buhok ko.

"Mag salita ka!" sabi niya. Tinignan ko lang siya ng masama.

"Mag salita ka sabi, e!" Mas lalo niyang hinigpitan ang pagsabunot sa buhok ko. Dinuraan ko siya sa mukha.

"Aba't!" Pinahid niya ang laway saa mukha niya tsaka binitawan ang buhok ko. Akala ko ay tapos na pero bigla niya akong sinampal nang malakas. Hindi ko na napigilang mapa-aray.

"Tarantado ka, Bradon! Ano bang kailangan mo sa'kin, ha?!" Ramdam ko ang galit sa boses niya. Tumawa naman si Brandon.

"Sa dating kuta, sa may likod tambakan. Subukan mong mag sama ng iba, patay 'tong shota mo sa'min," sabi niya bago pinatay ang tawag. Galit ko siyang tinignan.

The Incapable ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon