Kabanata 4

563 38 11
                                    

Danielle

"Hoy, ano ba? Hindi ka ba makatayo? Paano ka uuwi niyan?" tanong ko sa kaniya.

Nakaupo pa 'rin kami ngayon sa labas ng convenient store.

Tulog na ba siya? Kapag talaga ako nainis, iiwan ko 'to dito.

Ilang minutong katahimikan ang nagdaan nang bigla siyang magsalita.

"Gusto ko nang magbago."

Napatingin ako sa kaniya. Nakasubsob pa 'rin ang mukha niya sa lamesa.

"Ano ba kasing problema mo, Sir Leo?" tanong ko pa.

"Natanggal ako sa trabaho," sabi niya at hindi na muling nagsalita.

Hay nako naman. Napatingin ako sa relo ko, 8:48 pm na.

"Ayos lang ba kung mag taxi ka nalang?" tanong ko ngunit hindi naman siya sumagot.

Napabungtong hininga ako at inakay siya. Impyerno 'yon para sa 'kin dahil mabigat talaga siya at masakit pa ang paa ko. Buti nalang at may dumaang taxi kaagad.

Bumaba 'yong taxi driver para tulungan ako na isakay si Leo. Binigay ko 'yong address niya at 'yong bayad sa driver. Mukhang knock out talaga siya, ah. Umalis na sila at naiwan ako roon. Kumuha na rin ako ng pedicab para makauwi na.

Kailangan ko pang gumawa ng lesson plan, hay.

Pag-uwi ko sa bahay ay agad na akong dumeretso sa study table ko para gawin 'yong lesson plan nang biglang kumulo 'yong sikmura ko.

Hindi ako nakabili ng pagkain ko.

Kinabukasan, papasok na ako sa paaralan nang mapansin kong wala pa si Kuya Cris. Absent yata? Nagkibit-balikat lang ako at nagsimula na ulit sa paglalakad nang makasalubong ko si Ma'am Janice, co-teacher ko.

"Goodmorning, Ma'am," bati ko sa kaniya.

"Goodmorning din, Ma'am," tugon niya.

"Absent ho yata si Kuya Cris?" tanong ko.

"Ah, hindi. Nag resign na siya. Lilipat na kasi sila sa Manila. Mas malaki raw ang oportunidad doon. Kung may kakilala kang puwedeng pumalit, sabihan mo lang ako. Wala pa kasi kaming nahahanap," pagpapaliwanag niya.

Pagkatapos noon ay nagpaalam na kami sa isa't isa at nagtungo na sa kaniya-kaniya naming silid-aralan.

Naging maayos naman ang lahat hanggang sa mag uwian na nga.

Teka, natanggal nga pala sa trabaho si Sir Leo. Baka gusto niyang mag-apply bilang guard?

"Andrei, si papa mo ba ang magsusundo sa 'yo?" tanong ko kay Andrei.

"Opo, teacher. Bakit po?" tanong niya habang sinusuot ang bag niya.

"May pag-uusapan lang kami," sabi ko.

Sabay kaming lumabas at nag hintay kay Sir Leo. Wala pang sampong minuto ay dumating na siya. Naglakad siya papalapit sa 'min at nang nasa harapan na namin siya ay tumayo na kami.

"Ah, Sir Leo. Puwede ba tayong mag-usap?" pagsisimula ko.

Tumango lang siya at pinapunta muna si Andrei sa malapit kung nasaan nakaparada ang motor niya.

"Kung tungkol 'to sa kagabi, kalimutan mo na 'yon," sabi niya sabay iwas ng tingin.

"Ah, hindi. Ano kasi, nabanggit mo na natanggal ka sa trabaho, 'di ba? Nag resign na kasi si Kuya Cris, 'yong guard ng school. Baka lang gusto mong mag-apply," pagpapaliwanag ko. Tinalikuran niya ako pero bago 'yon ay nagsalita pa siya.

The Incapable ManWhere stories live. Discover now