Kabanata 5

47 11 4

Danielle

Normal na araw nanaman. Nasa silid-aralan na ako at naka upo. Recess na kasi.

Abala ang mga bata sa pagkain nang makaramdam kami ng pagyanig. Pinayuko ko sila sa ilalim ng lamesa nila.

Sht, lumilindol!

Sobrang lakas ng pagyanig. Ngayon lang ako nakaranas ng ganito. Kakaibang takot ang lumukob sa'kin. Hindi para sa sarili ko, kung hindi para sa mga bata.

Lord, makalabas lang nang ligtas ang mga bata, ayos na ako.

Maya-maya pa ay huminto na ang pagyanig. Isa-isa kong pinalabas ang mga bata. Nang nasa labas na kami ay napansin kong kulang ang mga estudyante ko.

Sht, si Andrei!

Dali-dali akong tumakbo pabalik sa silid-aralan. Nakita ko si Andrei na nakaupo pa'rin sa ilalim ng lamesa, nanginginig. Nilapitan ko siya at inalalayan tumayo. Naglalakad na kami palabas nang makaramdam nanaman kami ng pagyanig.

Akala ko ba tapos na?!

Malapit na kami sa pinto kung kaya't tinuloy na namin ang paglabas nang mapansin kong matutumba na ang cabinet. Hindi na ako maka-iwas kung kaya't tinulak ko nalang si Andrei para tuluyang makalabas ng pinto.

Shit, mamamatay na yata ako dito.

Naramdaman ko ang pagtama ng cabinet sa ulo ko dahilan para mawalan ako ng malay.

Naalimpungatan ako dahil parang may tumutusok sa ulo ko. Kumikirot. Sa amoy pa lang ay alam ko nang nasa hospital ako. Lumindol nga pala kanina. Teka, si Andrei?

"Gising ka na pala." Napalingon ako sa tabi ko. Nandoon si Sir Leo, naka-upo. Naka t-shirt na green na lamang siya pero suot niya pa'rin ang pang ibabang uniporme niya.

"S-si Andrei? Kumusta na?" nagaalalang tanong ko.

"Ayos lang siya," sabi niya. Nakahinga naman ako nang maluwag. Nagkaroon ng nakakabingin katahimikan sa pagitan namin.

"Uh, salamat sa pagligtas sa anak ko."
Nginitian ko lang siya. Muling binalot ng katahimikan ang paligid. Maya-maya pa ay nagsalita ako.

"Sir Leo-"

"Leo nalang."

"Okay, Leo. Hindi naman sa panghihimasok, ha? Naalala ko lang kasi 'yong sinabi mo sa'kin n'ong nalasing ka. Sabi mo, gusto mo nang magbago."
Napatigil siya. Tila nagdadalawang isip kung sasabihin niya ba sa'kin, o hindi.

"Pero, ayos lang naman kahit hindi mo sabihin. Hehe, naalala ko lang kasi," naiilang kong sabi. Napabuntong hininga siya.

"Ex-convict ako."
Napatigil ako sa sinabi niya.

"E-ex-convict?" pag-uulit ko dahilan para kumunot ang noo niya.

"Oo, ex-convict. Dating kriminal, masamang tao, ano pa ba?" inis niyang sabi. Hala, na-offend ko yata siya?

"Ayon, ex-convict ako. Nangki-kidnap ako ng mga baby..."
Nanigas ako sa sinabi niya.

"...Wala akong personal na rason. Sinusunod ko lang 'yong Big Boss namin. Ilang taon rin akong nakulong. Pinagsisihan ko na 'yong mga katarantaduhan ko. Gusto ko nang magbago, para sa anak ko."
Tahimik lang akong nakikinig. Kumikirot 'yong puso ko at nagsisimula ako makaramdam ng galit pero pinilit ko itong iwaksi.

"Nasan 'yong nanay ni Andrei?" tanong ko. Nakita kong medyo napahinto siya.

"W-wala. Iniwan niya na kami."
Tumango lamang ako.

The Incapable ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon