Kabanata 3

622 43 7
                                    

Danielle

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Lunes na naman. Napatitig ako sa kisame ng kuwarto ko.

Ang boring ng buhay ko.

Napabuntong-hininga ako bago bumangon para magtungo sa banyo. Naliligo ako nang marinig kong tumunog ang cell phone ko. May tumatawag. Naapakan ko 'yong kumalat na shampoo sa sahig dahilan para lumagapak ang katawan ko sa sahig.

Hindi naman masakit. Hindi talaga.

"Teacher, paano po 'to gawin?" tanong ni Rj habang nakaturo sa papel niya.

Nasa silid-aralan na ako ngayon at kasalukuyang nagsisisi kung bakit pumasok pa 'ko.

"Patingin nga ako," sabi ko. Nahihirapan talaga akong makatayo. Mukhang mali pagkaka-landing ng kanang paa ko kanina.

Lumapit si Rj sa 'kin at tinuro kung ano ang hindi niya maintindihan. Sinagot ko naman siya kung kaya't bumalik na siya sa upuan niya. Dapat talaga hindi na ako pumasok. Ang kaso lang, periodical test nila ngayon.

Naghintay lang ako roon hanggang sa tuluyan nang matapos ang oras ng klase. Sa wakas!

"Sige, 'yong mga tapos na, ipasa niyo na sa 'kin mga test papers niyo. 'Yong mga may sundo na, puwede na kayong umuwi."

Isa-isa naman silang lumapit sa 'kin dala ang test papers nila at lumabas na. Kinuha ko na ang bag ko para lumabas na rin nang napansin kong narito pa si Andrei.

"Andrei? Hindi ka pa ba tapos?" tanong ko at lumapit sa kaniya kahit iika-ika ako.

"Nahihirapan po ako, Teacher. Sorry po," naiiyak niyang sabi at yumuko. Umupo ako sa tabi niya.

"Ano ka ba, ayos lang 'yan. Sabihin mo sa 'kin kung saan ka nahihirapan, tutulungan kita."

Nagpasalamat sa 'kin si Andrei at tinuro kung alin ang hindi niya maintindihan. Kalaunan ay nakuha niya rin ito.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang sinasagutan niya ang test paper niya. Hindi ko alam, pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako pedo, okay?

"Teacher, tapos na po!" sabi niya at inabot ang test paper niya sa 'kin. Nginitian ko siya at kinuha ang test paper niya.

"Tara, sabay na tayong lumabas," sabi ko at tumayo na ngunit napa-upo akong muli nang aksidente niyang matapakan ang kanang paa ko. Halos mamilipit ako sa sakit.

"Teacher, okay lang po kayo?" tanong ni Andrei. Nginitian ko siya, na kalaunan ay nauwi rin sa pag ngiwi.

"O-oo, haha. Tara na," sagot ko at tumayo na.

Naglakad kami palabas ng silid-aralan kahit iika-ika pa 'rin ako.

"Teacher, pilay po ba kayo?" tanong muli ni Andrei. Tinawanan ko siya.

"Hindi. Natisod lang si Teacher sa cr kanina," sagot ko habang nila-lock ang pintuan ng silid-aralan.

"Teacher, una na po kayong umuwi. Wala pa po si Tatay ko," sabi niya at umupo sa may waiting shed.

Secured naman dito sa school, at saka, gusto ko na talagang umuwi dahil marami pa akong trabahong gagawin, pagod na 'ko, at masakit na talaga itong paa ko. Puwedeng-puwede na 'kong maunang umuwi. Kaya heto ako, nakaupo katabi si Andrei at naghihintay sa tatay niya.

Kalahating oras ang nakalipas bago dumating si Leo.

Naks, first name basis?

"Tay!" sigaw ni Andrei at tumakbo papunta kay Leo. Bumaba naman si Leo sa motor niya para buhatin si Andrei.

Sana all binubuhat, chos.

Tumayo na rin ako at lumapit sa kanila.

"Sir, ito na naman ba tayo? Sana naman sa susunod sunduin niyo na nang-"

"Oo na, susunduin ko na nang mas maaga sa susunod. Puta, ulit-ulit," inis niyang sabi habang masama ang tingin sa 'kin.

"Tsaka, puwede bang bawasan mo 'yang pagmumura mo? May bata, oh," sabi ko ulit. Napa-palatak siya.

Oo na, mukha na akong nanay na pumuputak dito. Pasensiya na, hindi ko mapigilan.

Bumuntong hininga ako.

"Sige na, Andrei, Sir Leo, mauuna na ako," paalam ko sa kanila bago tuluyang naglakad, o kung paglalakad ba talaga ang tawag do'n, paalis.

"Ano-!" narinig kong sigaw ni Leo kaya naman muli akong napalingon.

Tinuro ko pa ang sarili ko para siguraduhin kung ako ba ang tinatawag niya. Tumingin lang siya sa paa ko kaya ngumiti ako habang umiiling at kinakaway ang kamay ko.

"Ah, haha. Wala lang 'to. Ayos lang ako, Sir Leo," sabi ko ulit.

Baka kasi akalain niyang hindi ko kayang maglakad at ihatid niya ako sa bahay. Ayoko na, 'no.

"Pake-alam ko?" sabi niya lang bago pinadyakan ang motor niya at tuluyan nang umalis kasama si Andrei. Habang ako, ito. Nakatingin nang masama sa likuran niya.

Binabawi ko na. Hindi siya mabait. Wala ni isang hibla ng buhok ang mabait sa kaniya.

Nakatulog ako pag uwi ko dahil na rin sa pagod. 7:30 pm na ako nagising at naka-upo ako ngayon sa study table ko. Nagsimula na akong mag check ng mga test papers nang makita ko ang papel ni Andrei.

Medyo mababa ang score niya. Hindi siguro siya ganoong natuturuan ni Leo. O baka naman hindi effective ang teaching method ko? Hay.

Sisimulan ko na sana ang pag gawa ng lesson plan ko nang biglang kumulo ang sikmura ko. Hindi pa nga pala ako kumain. Tumayo muna ako para kumuha ng jacket. Bibili nalang ako sa convenient store tulad ng ginagawa ko nitong mga nakaraang araw dahil hindi pa ako nakakapag grocery.

Sabado't linggo lang kasi ang free time ko. E nagka-aberya pa noong sabado dahil nga sa naiwan ko 'yong wallet ko. Noong linggo naman, umuwi ako kala mama kaya, ayon.

Dalawang kanto lang ang papunta sa convenient store pero sumakay pa'rin ako ng pedicab. Masakit pa 'rin kasi 'yong paa ko, although medyo umayos na dahil sa cold compress.

Papasok na sana ako sa loob ng convenient store nang masagi ako ng guard. Muntik pa akong matumba dahil nga medyo masakit pa 'yong paa ko. May hinihila siyang lalaki, mukhang lasing.

"Sir, lumabas nalang po kayo!"

"B-bitawan mo nga 'ko! Tangina mukha ba 'kong hindi nakakalakad, ha?!"

Boses palang, Leong leo na e. Diyos ko po.

Binitawan siya ng guard kaya naman natumba siya at napaupo sa sahig. Mukhang lasing na lasing nga siya. Pero kaya niya naman na siguro sarili niya. Nagkibit-balikat nalang ako at nag desisyong pumasok na sa loob para bumili ng makakakain.

"O, eto, kape. Inumin mo para mahimasmasan ka," sabi ko sabay abot ng binili kong kape.

Nakaupo kami ngayon dito sa labas ng covenient store. Sa huli, tinulungan ko pa rin siya. Nice one, Danielle.

Hindi niya ako pinansin at sinubsob lang ang mukha niya sa lamesa.

"Kaya mo bang tumayo? Makakauwi ka ba?" tanong ko pa.

Nakakakonsensiya naman kasi. Baka may mangyaring masama sa kaniya. Paano nalang si Andrei, 'di ba?

"K-kaya ko," sagot niya at nagtangkang tumayo ngunit napaupo lamang siya. Sinubsob niya muli ang ulo niya sa lamesa.

Bakit naman kaya siya nag lasing? Out of habit o may problema talaga siya? At saka, ano bang pake-alam ko? Ito problema sa 'kin, e. Masiyado akong nakikisawsaw.

Maya-maya pa ay umayos siya ng upo kasabay ng pag suka niya. At dahil bigla akong napatayo para umiwas ay nadiin ko 'yong pagtapak sa kanang paa ko. Nagulat ako sa pagkirot nito kung kaya't naitaas ko bigla 'yong paa ko dahilan para matuhod ko 'yong lamesa. Tae, masakit!

Suka lang siya nang suka roon habang ako e hindi na maipinta ang mukha dahil sa sakit.

Mukha kaming tanga roon, seryoso.

The Incapable ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon