Kabanata 16

32 7 11

Danielle

Kasalukuyan kaming nakahiga sa kama ko. Nakaunan ang ulo ko sa braso niya habang nakapalibot ang kamay niya sa bewang ko. Hinila niya ako at niyakap.

"Thank you," bulong niya.

"Para saan?" nagtatakang tanong ko. Naramdaman ko ang pag-iling niya at mas hinigpitan ang yakap niya.

"Nagkaroon ako ng boyfriend noong 2nd year college ako. 17 palang ako noon," panimula ko. Niyakap ko siya nang mas mahigpit. Hindi ko kayang magkuwento habang nakatingin sa mata niya.

"May... nangyari sa'min," dagdag ko pa. Napabuntong hininga ako.

"Nabuntis ako pero hindi niya ako pinanagutan. Sabi niya, hindi raw sa kaniya 'yon. Kinunsinti naman siya ng mga magulang niya kung kaya't hindi na rin ako naghabol," pagpapatuloy ko. Tahimik lang si Leo habang nakayakap sa'kin, nakikinig lang siya.

"Bata pa ako noon at nag-aaral kung kaya't hindi ko talaga matanggap na gan'on ang nangyari sa'kin. Ayaw ko sa baby ko. Ayaw ko sa kaniya. Umabot pa ako sa puntong gusto ko na siyang ipalaglag." Naramdaman ko ang pamamasa ng mga mata ko.

"Noong nanganak ako, hindi ko pa rin matanggap. Ni ayaw ko siyang buhatin o kahit tignan man lang. Pero-," napatigil ako nang tumunog ang cell phone niya. Hindi niya iyon pinansin.

"Sagutin mo na. Baka importante," sabi ko at bumitiw sa yakap. Pinunasan niya ang luha sa mata ko bago kinuha ang cell phone niya.

"Ma, bakit?" tanong niya. Nanlaki ang mata niya.

"Ano?! Nasaan kayo?!" sigaw ni Leo dahilan para mapakislot ako.

Tinapos ni Leo ang tawag at dali-daling tumayo at nagbihis.

"Pasensiya ka na, Danielle. Nasa ospital si Andrei, kailangan ko siyang puntahan," pagpapaliwanag niya. Tumayos na rin ako at nagbihis.

"Sasama ako." Tumango lang siya at agad na kaming lumabas pagkatapos. Sumakay kami sa motor niya at wala pang kalahating oras ay nasa ospital na kami. Patakbong lumapit si Leo sa matandang nasa entrance.

"Ma, nasaan si Andrei?" tanong niya sa umiiyak na matanda. Sinamahan niya kami papunta sa labas ng O.R.

Napaupo si Leo at napasabunot sa buhok niya. Umupo lang ako sa tabi niya at bahagyang hinaplos ang likod niya.

"Ano bang nangyari, Ma?" tanong niya sabay tingin sa mama niya.

"N-naglalaro kasi si Andrei sa labas. Bigla siyang tumakbo tapos may... may dumaan na van, n-nabunggo siya," sabi niya habang humahagulgol.

Hindi ko alam pero naiiyak din ako. Hindi ko anak si Andrei, at hindi rin kami gan'on ka-close pero parang pinipiga ang puso ko.

"N-nasaan 'yong driver ng van?" tanong muli ni Leo.

"T-tumakas," sagot lang niya at nagpatuloy sa pag-iyak. Narinig kong napamura si Leo.

Tahimik lang kaming naghihintay sa labas ng OR. Mahigit isang oras ang lumipas nang lumabas ang doctor kasama ang isang nurse. Agad na tumayo si Leo at lumapit sa kanila.

"Doc, ano nang lagay ng anak ko?" tanong niya agad.

"Masyadong maraming dugo ang nawala sa anak niyo," panimula niya.

"Edi salinan niyo!" inis na sabi ni Leo. Hinawakan ko ang kamay niya upang pakalmahin siya.

"Hindi namin masisimulan ang operasyon hangga't hindi nakakahanap ng donor na puwedeng magmatch sa blood type niya. Nanganganib na ang buhay niya," pagpapaliwanag niya. Nilahad ni Leo ang braso niya.

"Ako, kuhanan niyo 'ko. Kahit ubusin niyo na lahat ng dugo ko. Basta mabuhay ang anak ko," nanginginig niyang sabi.

"Hindi lang 'yon. Kailangan din naming operahan ang nadamage niyang kaliwang baga. May mga namuong clot ngunit hindi namin masisimulan ang operasyon dahil wala pang dugo ang nagma-match sa kaniya. Sa ngayon ay makinarya ang nagsisilbing buhay niya ngunit hindi rin ito magtatagal. Pahina na nang pahina ang katawan niya," pagpapatuloy ng doctor. Nanlumo ako.

Agad na sumama si Leo sa nurse upang magpatest ng dugo. Ilang saglit pa ay bumalik rin siya at umupo sa tabi ko. Umuwi na rin ang mama ni Leo dahil gabi na at kailangan nitong magpahinga.

Tahimik lang kaming naka-upo roon nang dumating ang nurse.

"I'm sorry po, Sir. Hindi compatible ang blood type niyo sa pasyente," sabi ng nurse. Agad akong tumayo.

"Ako, s-subukan niyo lang naman. Handa akong maging donor niya kung sakali man." Tumango lang ang nurse at pinasunod ako sa kaniya. Pagpasok namin sa isang kuwarto ay pinaupo niya ako. May pinahid siyang bulak sa'kin.

"Biological father niya ba 'yon? Papaanong hind sila compatible?" bulong niya. Napaisip ako pero hindi na ako nagsalita pa. Nang matapos kami ay agad na akong lumabas. Pinuntahan ko si Leo at na-upo sa tabi niya.

"Leo, nasaan ba talaga ang nanay ni Andrei?" tanong ko. Tinignan niya ako nang may pagtataka sa mga mata niya.

"P-patay na," sabi niya. Tinignan ko lang siya nang bigla siyang bumuntong hininga.

"H-hindi ko tunay na anak si Andrei," sabi niya. Nagulat ako ngunit hindi na ako nagsalita pa at hinayaan siyang magpatuloy.

"T-trabaho kong mangkidnap ng mga sanggol. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng boss namin sa kanila, sumusunod lang ako. Alam mo na 'to, diba? Kailangan ko ng pera. Alam kong maraming marangal na trabaho, pero siyempre, doon tayo sa easy-money," pagpapatuloy niya.

"Ayon nga, k-in-idnap ko si Andrei. Pero hindi ko alam, parang may nagtulak sa'kin na huwag siyang ibigay sa boss ko. Kaya bago ako makulong ay pinaalaga ko muna kay Mama si Andrei. Hindi rin naman nagcomplain 'yong tunay na nanay ni Andrei kung kaya't hindi na siya hinanap pa ng mga pulis," sabi niya pa. Nanginginig ako nang magsalita.

"S-saang ospital mo nakuha si Andrei?" tanong ko.

"JBL Memorial Hospital." Napalunok ako sa sagot niya.

"N-november 26, 2011?" I was just guessing. May parte sa akin na umaasa na sana ay mali ang iniisip ko. Parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko nang tumango siya. Magsasalita pa sana ako nang bigla dumating ang nurse.

"Miss, puwede kang maging donor ng bata. Compatible kayo."

Tuluyan nang pumatak ang mga luha ko. Hindi ko alam, bigla ko na lamang naisip na...

Anak ko si Andrei.

The Incapable ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon