Kabanata 13

28 11 0

Danielle

Marami na rin ang estudyante ko nang pumasok ako sa classroom. Umupo ako sa upuan ko nang mapansin kong nagku-kumpulan sila sa puwesto ni Andrei.

"Anong meron?" tanong ko. Napatingin sila sa'kin at tinuro si Andrei.

"Birthday po ni Andrei, teacher," sagot ni Jenny.

"Kantahan na'tin siya, teacher!" sabi naman ni Anna. Nagsimula silang kumanta kung kaya't nakipalakpak na rin ako.

"Happy birthday, Andrei," nakangiti kong sabi. Nagpasalamat siya. Ilang minuto pa ang lumipas nang magsimula na ang klase.

Nang mag recess na ay umupo lang ako sa upuan ko. Kinuha ko ang cell phone ko nang masulyapan ko ang date.

November 26.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Ang sama ko. Muntik ko na siyang makalimutan.

Pinigilan ko ang nagbabadya kong mga luha.

Huwag dito, Danielle.

Pinilit kong umakto na parang normal na araw lang ito. Pero hindi ko kaya. Sobrang wala ako sa mood ngayon at tila pansin ito ng mga estudyante ko.

N'ong maguwian na ay dumeretso na ako sa apartment. Pabagsak akong humiga sa kama kasabay nang pagbagsak ng mga luha ko.

Walong taon na pero nandito pa rin iyong sakit.

Hinihila na ako ng antok nang maramdaman kong nagvibrate ang cell phone ko. Inabot ko ito at tinignan kung sino ang nagtext.

"Unknown number?" bulong ko sa sarili ko.

0935*******

Oy, si Leo 'to. Puwede ba tayong magkita ngayon?

Nagtataka man ay pumayag na rin ako. Magpapasalamat na rin ako sa ginawa niyang tulong. Sabi ko ay magkita nalang kami sa convenient store malapit sa'min, pumayag naman siya.

Bumangon ako at nagbihis lang ng maluwag na t-shirt at pajama. Habang naglalakad papunta sa convenient store ay hindi ko pa rin maiwasang malungkot.

Palagi nalang ganito.

Hindi ko namalayang nasa 7/11 na pala ako. Lumapit ako sa upuan kung nasaan si Leo at umupo sa harap niya.

"Hi," maikli kong sabi. Tumingin siya sa'kin.

Bakit parang guma-guwapo si Leo?

"Salamat pala sa pag-aalaga mo sa'kin n'ong isang araw," dagdag ko. Tumango lang siya. Inis ko siyang tinignan.

"Ano, hindi ka magsasalita? E, samantalang ikaw 'tong nagpapunta sa'kin dito," inis kong sabi. Napakunot ang noo niya.

"Bakit ba ang sungit mo?" tanong niya. Napabuntong hininga ako.

"Ano ba kasing kailangan mo sa'kin?" inip kong tanong.

"Umiiyak kasi si Andrei pag-uwi niya sa bahay," panimula niya.

"Ang sabi niya, galit ka raw sa kaniya," dagdag niya pa. Napataas ang kilay ko.

"Ano? Paanong galit?" naguguluhang tanong ko.

"Kasi ang sabi niya, simula raw n'ong nalaman mong birthday niya ngayon, bigla ka raw nalungkot," pagpapaliwanag niya. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano, e. Umiling ako.

"Hindi, ah. May problema lang kasi ako," tipid kong sabi sabay subsob ng mukha ko sa lamesa.

Pagod na 'ko. Physically and emotionally.

"N-naistorbo ba kita? Iyon lang naman. Sige na, aalis na ko," sabi niya at akmang tatayo.

"Sandali," pagpigil ko sa kaniya.

"Ano iyon?" nagtatakang tanong niya. Napabuntong hininga ako.

"Ayoko pang umuwi," sagot ko.

"Gusto kong makalimot. Kapag umuwi ako, mag-isa lang ako. Mas maaalala ko lang iyong problema ko," dagdag ko pa.

"Anong gusto mong gawin?" nagtatakang tanong niya. Hindi pa ako nakakasagot nang magsalita siyang muli.

"Sandali." Bigla siyang pumasok sa loob ng convenient store. Sinubsob ko lang ang mukha ko sa lamesa.

Maya-maya pa bumukas ang pinto ng convenient store.

"Oh," narinig kong sabi ni Leo. Inangat ko ang ulo ko at nakita ang apat na lata ng beer sa lamesa.

"A-anong gagawin ko riyan?" tanong ko.

"Malamang, iinumin," sagot niya bago binuksan ang isa at iniabot sa'kin. Nagaalang pa ako pero kinuha ko pa rin ito.

"Bahala na bukas," sabi ko bago nilagok ang beer.

Sht, hindi talaga ako sanay uminom.

Nagsimula na rin siyang uminom. Gan'on lang ang ginawa namin. Tahimik lang kami habang umiinom. Naka-isang lata lang ako samantalang siya, naubos niya iyong tatlo.

"Ano ba kasing problema mo?" tanong niya bigla. Umiling lang ako at muling sinubsob ang ulo ko sa lamesa.

"Ano nga? Hindi ka naman ganiyan, e," pagpupumilit niya pa.

"Wala lang nga 'to," sagot ko habang nakasubsob pa rin ang mukha sa lamesa.

"Sinamahan na nga kitang uminom para makalimot, tapos, ayaw mo pang sabihin sa'kin?" sabi niya.

"E, nakalimutan ko na anong problema ko," sabi ko nalang.

"Ano nga kasi iyon?" pagpupumilit niya. Umayos ako ng upo at tinignan siya nang masama.

"Bakit ba ang kulit mo, ha?" inis kong tanong.

"E, bakit ba ayaw mong sabihin, ha?" pang-gagaya niya sa'kin.

"Bakit ba concern ka? Magkaibigan ba tayo? Ni hindi nga tayo close, tapos, gaganiyan ka?" bigla kong sabi. Natigilan naman siya, gan'on din ako.

"S-sorry," mahina kong sabi. Nabigla lang naman ako.

"Bakit concern ako?" paguulit niya sa tanong ko. Napakagat labi ako sa paraan nang pananalita niya. Ang cold.

Bigla siyang tumayo.

"Gusto kasi kita, tangina mo!"

The Incapable ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon