Kabanata 6

39 12 6

Danielle

"Leo?" pagtawag ng isa sa kanila. Malaki ang pangangatawan nito, kalbo, maraming hikaw at tato, tipikal na tambay sa kanto.

Nanigas naman sa kinauupuan niya si Leo.

"Ikaw nga!" sabi naman n'ong isa pa. Medyo payat naman ang pangangatawan niya, may balbas at bigote, mahaba ang buhok, marami ring tato at hikaw. Ito naman mukhang leader ng rock band.

"Anong kailangan niyo?" Bakas ang pagkairita sa boses ni Leo. Hindi ba sila magkakaibigan?

"Chillax, pareng Leo. Mangangamusta lang naman kami," sabi naman n'ong isa. Katamtaman naman ang pangangatawan, may isang hikaw sa kanang tenga, at malaking tato sa braso. Ito naman mukhang sundalo na naging adik.

Ang judgemental ko.

Pansin ko rin na magkakamukha ang mga tato nila sa braso. Dragon, kamukha rin n'ong kay Leo.

"Umalis na tayo," sabi ni Leo sa'kin at hinawakan ang kamay ni Andrei.

"Oh, siya na ba 'yong batang-"
Bago pa matapos no'ng kalbong lalaki ang sasabihin niya ay inambahan na siya ng suntok ni Leo.

"Putangina mo, Brandon! Manahimik kang hayop ka!" galit na sigaw ni Leo habang nakahawak sa kwelyo ng dami nito.

"Papalag ka na ngayon, Leo? E, gago ka pala!" sigaw niya rin pabalik kay Leo at akmang susuntok pero hinila ko na palayo si Leo.

"Leo, tama na! Ano ka ba, nandito si Andrei," bulong ko sa kaniya. Napatingin naman siya kay Andrei at tila nahimasmasan.

"Tarantado ka pala e, Leo! Huwag kang masiyadong mayabang kung ayaw mong samain sa'min," galit na sabi no'ng kalbo.

"Tangina mo pala! Sino bang nagsimula, ha?!" sigaw rin ni Leo. Tila naman mas lalong nainis 'yong kalbo.

"Gago ka pala, e!" sigaw niya at akmang lalapit kay Leo pero pumagitna na ako.

"Ano ba, tama na nga!"
Natatakot ako, oo. Baka mamaya ako naman 'tong masuntok. Pero feeling strong ako kaya pumagitna pa'rin ako.

"Miss, huwag kang make-alam dito kung ayaw mong madamay!" sigaw niya sa'kin. Tinignan ko siya nang masama.

"Manahimik ka, kalbo! Ikaw 'tong nagsimula ng gulo kaya ikaw ang umalis!" sigaw ko rin. Sigawan pala ang hanap mo, edi ibibigay ko sa'yo.

Mukhang hindi siya natuwa sa pagsagot ko at akmang lalapit sa'kin pero pinigilan siya ng dalawa niya pang kasama.

"Tama na, Bradon! Babae 'yan, kalma!" sabi n'ong naka-clean cut.

"Ano naman kung babae 'yan?! Pake-alamera masiyado! Edi pagbigyan na'tin!" gatong niya pa. Mas lalo nilang hinigpitan ang hawak kay kalbo.

"Brandon, tama na! Umalis na tayo rito," pag-awat din no'ng mukhang leader ng rock band. Kumalas naman sa pagkakahawak nila si kalbo. Akala ko nga aambahan nanaman ako.

"Ikaw babae, putangina mo! Kilalanin mo kinakalaban mo. Ikaw naman, Leo, gago ka rin! Hindi pa tayo tapos, tangina mo!"
Galit na galit siya pero umalis na rin sila.

Hay, salamat.

Mabuti nalang at pinigilan siya n'ong dalawa niyang kasama dahil kung hindi, baka may kinalagyan ako.

Mabigat ang paghinga ni Leo. Galit din siya, alam ko. Kung kaya't hindi na ko nang-usisa pa at hinintay siyang kumalma. Nagsindi siya ng yosi, pampa tanggal siguro ng inis. Maya-maya pa ay tumabi siyang muli kay Andrei.

"Ikaw, masiyado kang pake-alamera. Iyan pa ang magpapahamak sa'yo," sermon niya agad sa'kin pagka-upo niya.

"E, kasi naman. Pinagtanggol lang naman kita."
Mas lalong sumama ang tingin niya sa'kin.

"Mukha bang hindi ko kaya ang sarili ko? Tsaka, akala mo naman kaya mo 'yong si Brandon, e ang patpatin mo na nga, ang liit-liit mo pa."
Hindi ko alam kung concern siya o gusto niya lang mang insulto.

"Ikaw naman kasi, masiyadong mainit 'yang ulo mo. Mukhang nangangamusta lang naman 'yong tatlo," sabi ko pa na mas lalong nagpakunot sa noo niya.

"Hindi mo sila kilala. Ibang klase mangamusta 'yong mga 'yon."
Ramdam ko ang galit at kaunting takot sa boses niya.

"Sino ba 'yong mga 'yon, Leo?" tanong ko. Napabuntong-hininga naman siya.

"Mga kasamahan ko rati. Iisang boss lang ang pinagta-trabahuhan namin. Mag i-isang tao na rin kaming hindi nagkikita."
Napatango naman ako.

"Ah, kaya pala pare-parehas kayo ng tato," sabi ko pa. Tumango siya.

"E, bakit ka nagalit n'ong nabanggit niya si Andrei?" tanong kong muli. Tinignan niya ako nang masama.

"Puwede ba, huwag kang masiyadong matanong."
Napatahimik naman ako. Okay, may pagka-harsh pa'rin siya. Maya-maya pa ay muli siyang bumuntong-hininga.

"Pasensiya na, mainit lang talaga ang ulo ko," sabi niya pa. Bahagya lamang akong ngumiti. Nag-stay pa kami nang konti hanggang sa nagdesisyonan naming umalis na. Malapit na rin kasing magdilim.

Habang naglalakad kami papunta sa apartment ko ay bigla siyang nagsalita.

"P-pasensiya ka na kung may pagka-bastos ang bunganga ko," sabi niya. Nginitian ko siya.

"Ayos lang 'yon. Atleast, willing kang magbago, 'di ba?" Tumango siya.

"Mahirap palang maging mabuting tao," malungkot niyang sabi.

"Ano ka ba. Hindi mo naman kailangang madaliin. Baby steps. Huwag mong biglain," sabi ko para palakasin ang loob niya.

"Pinipilit ko namang huwag mag mura pero tangin- hay. Hindi pala gano'n kadali." Bakas ang frustration sa kaniya.

"Nakasanayan mo na kasi. Ganito nalang, bakit hindi mo palitan 'yong mga bad words na lumalabas sa bibig mo?" nakangiti kong sabi. Tinignan niya ako, tila naguguluhan sa sinabi ko.

"Halimbawa, 'yong mga mura mo palitan mo. Like, pusang mama, gano'n," pagpapaliwanag ko sa kaniya.

"Parang 'yong gago, gagawin 'kong gawgaw?" tanong niya.

"Oo, gan'on!" natatawa kong sabi na nagpakunot sa noo niya.

"Ginagago mo ba 'ko?" inis niyang tanong.

"Hala, hindi ah!" natatawa ko paring sabi. Mas lalong kumunot ang noo niya.

"E, bakit tawa ka nang tawa? Mukha ba 'kong clown?"
Ewan ko, pero the more na pigilan ko 'yong pagtawa ko, the more na natatawa ako.

"Sorry, hahaha. Ang cute mo kasi," natatawa ko pa 'ring sabi. Natigilan naman siya at umiwas nang tingin.

"O-okay," sabi niya. Napatigil naman ako.

Anong okay?

"I-ibig kong sabihin, ano, ewan ko sa'yo!" inis niyang sabi at nagmamadaling naglakad. Napansin ko rin na malapit na pala kami sa apartment ko.

"Ang sungit mo naman!" sigaw ko habang humahabol sa kaniya.

Ang laki kaya ng hakbang niya, tapos maliit pa biyas ko kaya ang hirap makasunod.

Nang nasa tapat na kami ng apartment ay huminto na rin siya.

"Hindi na ba kayo tutuloy sa loob?" tanong ko. Umiling si Leo.

"Hindi na. Aalis na kami," sabi niya at sinakay na si Andrei sa motor bago suotan ng helmet. Cute. I mean, uh, ang cute n'ong helmet. Pambata kasi.

"Sige, aalis na kami," sabi niya at ini-start na ang motor.

"Sige, ingat sa pagmamaneho. Salamat sa pagbisita."
Inis niya 'kong tinignan.

"Hindi nga sabi ako bumisita! S-sinamahan ko lang si Andrei," sabi niya na ikinangiti ko. Pinipigilan kong matawa, seryoso.

"Oo na, sige. Welcome kayo anytime," dagdag ko pa.

"H-hindi na mauulit 'to," sabi niya bago isuot ang helmet niya. Kumaway ako sa kanila. Pero bago siya tuluyang umalis ay narinig ko siyang nagpasalamat.

Asus, nahiya pa.

The Incapable ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon