STANLEY #9

118K 2.6K 250
                                    

STANLEY #9

May ikekwento po ako.

Wag na lang. Nagbago na isip ko. Hihi.

Hindi joke lang, Ito na talaga, magkekwento na.

Nasak kotse na kami ni Toryang ngayon. Inagaw--lakas makakontrabida ng inagaw ah? Iba na lang para tunog gwapo-- kinuha ko lang ang akin mula kay Greg, yan mas maganda na. Ayun nga, kinuha ko lang ang akin mula kay Greg. Akin naman talaga si Toryang eh. Bestfriend ko siya. Akin siya. At hindi marunong magpahiram ang mga Montreal.

Pero nagtataka na po ako sa inyo. Bakit po ba kayo kinikilig sa ginawa kong pagkuha? Iniisip ba ninyong gusto ko si Toryang?

Eh, haha, nakakatawa kayo. Hindi ko siya gusto, PO. Kaibigan ko si Toryang, ayaw ko lang magkaanak siya ng pangit. Pangit si Greg eh. Kawawa naman. Ayaw ko ng dumagdag pa ang lahi ng halimaw na iyon. Iniingatan ko lang si Toryang.

At isa pa, hindi rin naman ako gusto ni Toryang eh. Nakakalungkot-- este, okay lang. Sa gwapo kong ito, maraming babae diyang luluhod sa harapan ko. Kaya okay lang kung di ako gusto ni Toryang. Okay lang talaga. Okay na okay lang. OKAY NGA LANG SABI EH!

Hindi niya ako gusto. Iniisip lang niya yun. Masyado lang siyang mapagbasa ng wattpad. Iniisip niyang mangyayari rin sa kanya yung mga nangyayari sa mga bida ni HopelessPen. Astig ng author na yan, maganda yan. Crush ko. Liligawan ko yan. Tatlong taon lang naman tanda sa akin niyan eh.

Pero hindi naman talaga ako gusto ni Toryang diba? Akala lang niya yan. At ayaw kong bigyan ng ibig sabihin lahat ng kinikilos niya. Mahirap na. Maagang masasawi ang gwapo kong puso.

"Salamat." sabi ko sa kanya habang pinaglalaruan ko ang drumsticks na regalo niya. Tiningnan lang niya ako bago ako inismiran. Galit pa rin talaga.

"Toryang.." tinusok ko ang tagiliran niya. Pinalo lang niya ang kamay ko at hindi na naman ako pinansin.

"Toryang!!" sumigaw ako sa tapat ng tenga niya. Nilapit ko pa talaga ang mukha ko para mas malakas at para mas maamoy niya ang hininga ko. Magaling ako eh. Nag Lysterine pa ako para lang dito.

Humarap siya bigla sa akin at muntik pa akong mapaatras ng mabunggo ang ilong niya sa ilong ko. Pero bakit ba ako kinakabahan? Eh..

At dahil gwapo ako, hindi ako dapat kabahan kahit malapit ang mukha ni Toryang sa akin. Nakipagtitigan lang din ako sa kanya.

"Pansinin mo na ako.." ungot ko. Nagpacute pa ako niyan. Mangingisay na si Toryang sa kilig niyan. Grabe, effortless na ngang lumalabas ang kagwapuhan ko namamatay na siya sa kilig, paano pa kaya ngayong nag eeffort pa ako?

Tumaas lang ang kilay niya sa sinabi ko. Hindi pa rin siya ngumingiti. Nagulantang ang buong pagkatao ko.

Anong..

Hindi effective?!

Hindi effective ang pagpapacute ko?! IMPOSIBLE!

Huminga ako ng malalim. Hindi pwedeng magalit si Toryang sa akin. Ako lang mahihirapan kapag uminit ulo niya sa akin. Kailangan ko ng ilabas ang huli kong alas.

"Pag di mo ako kinausap, hahalikan talaga kita."

Binaling lang niya ang mukha niya sa kablang side. Hindi pa rin siya nagsasalita.

"Seryoso ako Toryang." binigyang diin ko ang salita ko. Humarap ulit siya sa akin.

"Talaga?" tanong na niya. Napangiti ako.

"Talaga!"

Bigla siyang lumapit sa akin at kinulong ako sa mga braso niya. Muntik na akong mapahiga sa upuan dahil sa biglaan niyang ginawa.

"Sige nga Tan Tan, halikan mo ako." biglaan niyang sinabi. Napakurap kurap naman ako.

"Toryang.."

"Hahalikan mo ba ako o hindi?" seryoso niyang sinabi. Nagtambulan na ang tibok ng puso ko sa sinasabi niya. Nasusuffocate na ako dahil nakadagan siya sa akin at mataba siya. Baboy yan eh!

"Naghihintay ako Tan." sabi ulit niya. Napalunok naman ako at tumingin sa labi niya.

Ano pong gagawin ko?

Sunggaban ko na ba?

---------------------------------

*pen<3

Vices X Virtues (AWESOMELY PUBLISHED BY POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon