Goodnight

265K 4.9K 714
                                    

DALAWAMPU

"Thank you for saving me Ma'am." I touched the window and looked at the girl who saved me. Maraming mga nakakabit na aparato sa kanya and she was covered with bandages all over her body. I turned my back away, feeling the nagging guilt inside me as I stare at her. Ako ang may kasalanan ng lahat ng nangyari sa kanya. Ako dapat ang nasa kalagayan niya, hindi siya.

"Mama!" a girl ran to her. she was wearing huge glasses and her hair was disheveled. She was crying unconsollably habang nagpupumilit na papasukin siya sa loob ng ICU. May mga nurse na na pumigil sa kanya.

"Sandro, let's go. Darating na yung doctor mo." Alexa nudged me. tumango lang ako pero hindi maialis ang paningin sa babaeng umiiyak na ngayon.

Siya ba ang anak na sinasabi ng babaeng nagligtas sa akin?

When I realized that, agad akong napatalikod at nagmamadaling bumalik sa kwarto ko. I can't face her daughter. Wala akong mukhang maihaharap sa anak niya pagkatapos ng nagawa ko sa Mommy niya.

My parents decided na iuuwi nila ako sa Pilipinas to undergo Psychiatric help at matanggal ang trauma ng nangyari sa akin. I went from one therapy into another pero hindi nabura ang bakas ng kasalanan ko sa babaeng iyon at sa anak niya. Sa bawat umagang nagigising ako at nakikita ko ang sugat ko sa likuran ko, naaalala ko ang lahat. And I know, as long as the mark is on my back, hinding hindi ko makakalimutan ang nangyari sa akin.

Nagpasya akong bumalik sa Germany two years later after that incident para hanapin ang babaeng tumulong sa akin. gusto kong malaman kung maayos na ba ang kalagayan niya. I know Dad helped her, pero gusto kong ako mismo ang makatulong sa kanya sa sarili kong paraan.

Ipinahanap ko siya and found out that she is still alive. Pinuntahan ko ang tahanan niya and my heart broke when I saw her. she was sitting on a wheelchair at halos hindi na siya gumagalaw. Mukhang paralisado na ang kalahati niyang katawan at hindi na makakayang makalakad pa. their home was shabby at mukhang konting hangin na umihip ay magigiba na ito. Siguro ay dahil na rin iyon sa kawalan nito ng trabaho kaya naghirap siya.

Vices X Virtues (AWESOMELY PUBLISHED BY POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon