Pandesal

250K 4.3K 411
                                    

DALAWAMPU'T DALAWA

"Sige na. Gisingin mo na si Tatay mo." Sabi ko kay Stan habang hawak hawak nito ang mga pandesal na pinagpatong patong niya para magmukhang cake.

"Nanay naman. Bakit ako lang manggigising po?" he pouted. Natawa na lang ako at ginulo ang buhok nito. Yumuko ako para mapantayan siya.

"Kasi Father's Day ngayon. Kasama mo naman ako eh. Sige na." tinulak ko siya ng marahan. Huminga ito ng malalim bago lumapit sa higaan ni Sandro na hanggang ngayon ay naghihilik pa rin.

"Tatay gising na! Tanghali na nakahiga ka pa rin! Magluto ka na po!" sigaw ni Stanley habang tumatalon talon sa kama. Sandro didn't move. Bagkus, hinila lang niya si Stanley at kiniliti sa tiyan.

"Tol..." sabi ni Sandro at tinitigan ang anak na tawa ng tawa. Kiniss niya ang tungki ng ilong ng bata at nalukot ang mukha ni Stanley.

"Yuck! Di ka pa nagtoothbrush eh." Sabi ng bata. Natawa ako ng malakas. Tumayo na si Sandro at kinuha ang kumot para itupi. Binuksan ko naman ang mga kurtina habang si Stanley ang nagsalansan ng mga unan para maayos.I smiled as I watched my boys doing chores at their own ease. Kahit isang linggo pa lang si sandro dito ay nasanay na siya sa pamumuhay namin. Yung simple lang. Yung walang maarteng chandeliers sa ibabaw ng mga ulo namin. Walang kama na sa sobrang ayos ay nakakahiya ng higaan. Walang mga pagkain na ang hirap sabihin ng pangalan.

"Halina kayo. Luto na yung almusal." Tawag ko sa dalawa. Tiningnan ko si Stanley at sinubo nito ang daliri. Tinanguan ko siya at kinuha naman nito ang mga pandesal niya.

"Tatay oh." Sabi nito at inabot kay Sandro ang pinggan. Kumunot ang noo ni Sandro bago tiningnan ng malapitan ang mga pandesal.

HAPPY FATHER'S DAY TATAY KO

-POGING STAN XD

Tumawa ako ng malakas habang humilig sa balikat ni Sandro. Si Stanley talaga, napakalokong bata. Greetings na nga lang, may halong kalokohan pa talaga. Tiningnan ko si Sandro at seryoso lang itong nakatingin sa mga pandesal na may greetings na gawa sa cheesewiz.

"Ikaw may gawa nito Tol?" nabasag ang boses ni Sandro. Yumuko si Stanley bago tumalikod.

"Tay, pogi ako kaya kita ginawan ng ganyan. Please lang po wag ninyong iyakan." Tapos ay lumabas na ito. Tinitigan ako ni Sandro. Lumapit ako dito at yumakap sa leeg niya.

"Happy Father's Day Sandro." Buong puso kong sabi. Ngumiti ito and grabbed my nape to kiss me hard. I answered his kisses back. I always loved how Sandro can make me feel just by a simple kiss. Ganoon pa rin ang epekto ng halik niya sa akin. bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko at nanlalambot pa rin ang mga tuhod ko.

"TAN TAN KISS DIN KITA!"

"LUMAYAS KA NGA!"

Naghiwalay kaming dalawa ni Sandro ng mapansin namin sina Toryang at si Stan sa pintuan ng kwarto namin. I smiled at the cutest little girl I have ever seen.

"Hello Toryang." Bati ko dito. Tumakbo ito papunta sa akin at niyakap ako sa binti.

"BITAWAN MO NGA NANAY KO!" sigaw ni Stanley pero ngumuso lang si Toryang.

"Siya po ba yung tatay ni Tan Tan?" she smiled at lumabas ang ngipin nitong bungi bungi. Tumango ako. Bumitaw siya sa akin at lumapit kay Sandro.

"Hello po." She waved at Sandro. Ngumiti siya rito at binuhat ang bata.

"TATAY WAG MO SIYANG BUHATIN! AKO LANG!" Si Stanley na naman ang sumigaw. Tiningnan lang namin siya ni Toryang.

Vices X Virtues (AWESOMELY PUBLISHED BY POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon