STANLEY #1

198K 3.2K 243
                                    

STANLEY

Namiss ko lang si Stan kaya nasulat ko ito.

------------------------------------------------------

Hiningi ko ba talaga kay Manong yung kapatid? Pwedeng bawiin? Ayoko na. Gusto ko tuloy itapon si Shana sa knato o kaya sa bukid kasi ang ingay niya. Naiinis pa ako kasi siya na lang laging karga ni sweetheart. Eh ako naman nauna hindi ba? Ako lang dapat karga ni sweetheart.

Tapos si Tatay, lagi niya akong tinutukso. Baby sister ko daw si Shana kaya dapat alagaan ko. Kaso, ang problema ko, may yaya naman si Shana. At nag-aaral ako. Kung aalagaan ko si Shana, anong trabaho ng Yaya niya? At paano ako makakapag aral kung ako yung magbabantay kay Shana?

Bakit ba ang gulo ni Tatay?

Diba dapat kapag gwapo ka hindi ka magulo?

Hay, nasestressed na ako. Titingin nga muna ako sa salamin para makita ko yung gwapo kong mukha. Sayang naman kasi kung hindi ko maalagaan. Gwapo ko kaya.

Lalapit na sana ako sa salamin noong marinig ko na namang umiyak si Shana. Agad akong lumabas ng kwarto para puntahan siya.

"Tigil ka no oy." Sabi ko sa kapatid ko. pero hindi niya ako pinansin. Umiyak lang tuloy siya ng umiyak. Kinawag kawag niya pa yung kamay niya.

"Uy, wag ka na ngang umiyak!" sigaw ko. tumigil ito at tiningnan ako. Wow, effective pala yung sigaw. Kumurap kurap si Shana sa akin bago nalukot ulit ang mukha. Tapos umiyak na naman siya ng malakas.

"Shana Maria, anong gusto mo, canton? Ubos na canton natin eh." Napadabog na ako. Pulang pula na ang mukha niya pero hindi pa rin siya tumitigil. Lumabas ako. Nasaan na ba yung Yaya ni Shana. Dapat talaga si Tatay at Nanay hindi na nagdadate! Sayang sa pera! Ang gastos nilang dalawa!

"Tan tan bakit umiiyak si Shana? Inaway mo na naman noh?"

Tiningnan ko si Toryang bungi na nakasilip sa pintuan ko. May kain kain siyang lollipop habang lumalapit sa crib ni Shana.

"Nakita mo ba si Ising---Aray Toryang!" napasigaw ako ng bigla akong hampasin ni Toryang sa ulo. Napanguso talaga ako kasi ang sakit niyang manghampas. Tomboy kasi yan eh.

"Ate Ising Tan Tan. Matuto kang gumalang! Nasa labas siya, inutusan siya ng Mama mong pumunta sa bayan hindi ba? Kaya nga andito ako para bantayan ka." Natatawang sabi niya. Ngumiti siya sa akin at nakita ko ang kulang kulang niyang ipin.

"Alam mo, tapik tapikin mo lang si Shana na parang ganito oh. Ikaw kasi, napaka mainitin ng ulo mo. Agad kang nakasigaw." Sabi niya habang hinihele si Shana. Tinitigan ko lang siya.

"Ang dami mong daldal." Sabi ko na lang sa kanya. Tumawa lang siya ng mahina.

"Dapat Tan matuto ka ng magalaga ng bata. Paano na lang tayo kapag nagkaanak na tayo?"

Napakurap kurap ako sa sinabi niya. Tapos natawa akong malakas. Bago sumigaw ng..

"ASA KA PA! BUNGI KA KAYA!"

-------------------------------------------

I'll put all the childhood memories of Stanley here para wala na tayong flashback sa Seducing The Bad Boy. Isa pa, namiss ko na sila eh. Maiikli lang ang mga ito. Salamat

*pen<3

Vices X Virtues (AWESOMELY PUBLISHED BY POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon