Gone

214K 3.7K 152
                                    

DALAWAMPU'T LIMA

"S-sandro.." naibulong ko. Sandro didn't even budge at nanatili lang itong nakapikit, anticipating Natalia. My sister looked at me and winked bago siya gumapang papunta kay Sandro.

Napahakbang ako palayo at tumakbo palabas ng kwarto na iyon. I bumped into Amanda and she screamed pero hindi ko siya pinansin. Nagtuloy tuloy ako sa pagtakbo hanggang sa makalabas ako sa mansyon. Napakapit ako sa pader at sumandal roon. I closed my eyes tightly and tried to erase the images I saw a while ago. Huminga ako ng malalim as I felt my body shaking. Napadausdos ako paupo and hugged my knees.

Why? Why should everything turn out like this? He told me he loves me. He told me he will make things right, for me and for Stan. He told me he will never waste the last chance that I gave him. Pero bakit nangyari ito? Bakit niya nagawa sa akin ito?

Sa nanghihinang tuhod, tumayo ako at nagsimulang maglakad palayo sa bahay na iyon. I shook my head bitterly. I have been fooled, again.

Maybe happy endings are not really true. Siguro hindi ako kabilang sa mga masuswerteng mga tao na nakakahanap ng kaligayahan. Maybe I don't belong to them. Ako lang naman kasing mapilit eh. Ako lang naman ang pilit na sumisiksik. Ako lang naman ang hanggang ngayon ay hindi pa rin natututo ng leksyon ko.

Pero ang sakit kasi eh. Naniwala ako na magiging maayos na kami ni Sandro. I believed that we can already have a family. Maling akala lang pala ang lahat.

I stayed in the park hanggang dumilim na. I can't let Stan see me crying again. Hindi na siya pwedeng madamay pa sa gulo na ito. Hindi ko na ulit ipapakita sa kanya na mahina ako. Hindi ko na hahayaang makita ng anak ko na wala namang pagmamahal na namamagitan sa amin ng Tatay niya. That everything between the two of us were all for showmanship and entertainment. Nothing is true. Umusbong ang galit sa dibdib ko para kay Sandro. Para kay Natalia. At para sa apelyido na dala dala ko.

Kung hindi ako naging anak sa labas ni Roberto Madrigal, hindi sana ako napansin ni Sandro. Hindi ko sana pagdadaanan ito. Buong buhay ko, lagi na lang sakit ang nararanasan ko. Hindi ba ako pwedeng sumaya?

I breathed hard at tumingala. Doon ko lang napansin na ako na lang pala ang tao sa buong parke. Madilim na rin ang daan at halos wala ng mga dumadaan. Tumayo na ako at lulugo lugong naglakad na pauwi sa bahay.

Habang naglalakad ako, hindi ko pa rin mapigilan ang mga luha ko sa pagtulo. Kahit ilang oras na magmula noong nakita ko silang dalawa, ganoon pa rin ang ramdam kong sakit. Presko pa rin ang sugat. Napakagat ako ng labi at huminga ng malalim. I have to be strong. For Stanley.

I decided na dumaan muna sa bahay ni Nanay Esper para sunduin si Stanley. Nasa eskinita na ako when somebody grabbed me and put a handkerchief right into my face. I smelled something odd at agad akong nawalan ng malay.

______________________________________________

"WHAT HAVE YOU DONE NATALIA!!" galit kong sigaw sa kanya. Tatawa tawa lang itong nakaupo sa sofa habang tinitigan ako. Tumayo ito and ran her fingers on my cheek. Pumilig ako and tried pulling on my restraints.

"Kung nakita mo lang ang reaksyon niya Sandro, it was really epic." Humalakhak ito. I gritted my teeth.

"Oras na makalaya ako rito Natalia, sisiguraduhin kong babagsak ang mga Madrigal. Oras na lumayo si Phoebe sa akin---"

Vices X Virtues (AWESOMELY PUBLISHED BY POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon