Thousand and More

239K 5.2K 519
                                    

42

*please read my letter for you at the end*

"You're shaking." Biro ni Colton sa akin. Pinilit kong itali ng maayos ang necktie ko pero labis ang panginginig ng mga kamay ko. Inis kong tinanggal na lang iyon nang lumapit sa akin ang kambal ko na ngiting ngiti.

"Para kang sira, nasa kabilang kwarto lang si Phoebe eh. Kinakabahan ka ba Sandz?" biro ni Alexa sa akin at siya na ang nagayos ng necktie ko. I just rolled my eyes.

"A Montreal never gets nervous Lexa."

"SIge. Kunwari naniniwala ako. Kunwari hindi ka talaga kinakabahan. Baka nakakalimutan mo Alessandro, fetus ka pa lang magkasama na tayong dalawa. Kilalang kilala kita. FYI lang kasi, kambal tayo hindi ba?" Biro niya sa akin. Pinitik ko lang ang noo niya at humarap ulit sa salamin.

I closed my eyes tightly. Wala na akong dapat ikatakot. Because today, Phoebe and I will have a brand new start. Together.

_________________________________

"Stanley, wag ka na kasing umiyak." Pag-aalo ko sa anak ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin matigil sa pagluha. Hindi tuloy matapos tapos ang pag-aayos sa akin dahil na rin sa biglaang pagtatantrums ni Stanley.

"Nanay..wag ka na lang kasing magpakasal." Ungot niya. Natawa sila Allison sa likod ko.

"Stanley, kasal na kami ni Tatay hindi ba? Uulitin lang namin dito sa simbahan."

"Bakit pa? Gastos lang yan. Wag na. Uwi na lang tayo." Hinila niya ang laylayan ng damit ko at namula ulit. Mukhang iiyak na naman siya.

"Ayaw mo bang makasal ako kay Tatay?"

"Ayaw ko. Pagdadamot ka na niya sa akin niyan." Ngumuso siya at kumunot ang noo. Tumawa ako ng malakas dahil sobrang kamukha ni Stanley si Sandro kapag ganoon na ang mukha niya.

"Hindi naman ganun si Tatay mo."

"Ayaw ko ngang magpakasal ka! Hindi na papayag si Tatay na tumabi ako sa inyo kapag gabi na!" sumigaw na siya. Bigla akong namula at napapikit na lang sa sinigaw ng anak ko. Pati sila Alexa ay napatawa ng malakas sa sinabi ng anak ko.

"Bakit ba ayaw ng Tatay mong tatabi ka kay Sweetheart?" dagdag ni Allison. Umikot ang mata ko at pinandilatan ang magkapatid.

"Kasi sabi ni Tatay maglalaro silang dalawa ni Nanay kapag gabi na. hindi daw ako pwedeng sumali. Ano ba kasing lalaruin ninyo Nanay? Jack en Poy ba? Magaling ako doon. Isali na ninyo ako." Pumadyak padyak pa siya sa sobrang inis kay Sandro. Pakiramdam ko lahat ng dugo ko ay umakyat na sa mukha ko sa pinagsasasabi ni Sandro kay Stanley.

"Atsaka bakit ba sa gabi kayo maglalaro Nanay? Diba dapat sa umaga para may energy pa? Kapag gabi na pagod na kayong dalawa."

"I doubt that." Maarteng sabi ni Allison na tuwang tuwa sa reaksyon ni Stanley. Pinaglaruan niya yung buhok ko bago yumakap sa akin.

"Ang tagal mong natraffic Nanay. Tapos kakabalik mo lang sosolohin ka na agad ni Tatay." Humikbi ulit siya sa sinabi. Namasa ang mata ko at pinigilan kong umiyak dahil ayaw kong masira ang make up ko.

"Stanley Philip, hindi na aalis si Nanay. Dito na lang siya palagi. Hayaan mo kakausapin ko si Tatay para pumayag na siyang tatabi ka sa amin kapag matutulog na." hinaplos ko ang pisngi niya at hinalikan ang noo. Doon pa lang lumiwanag ang mukha niya.

"Talaga Nanay?"

"Hindi. Joke lang ng Nanay mo yun."

Napatingin ako sa pinto at nakita kong nakasandal si Sandro doon. Dahan dahan siyang lumapit sa amin bago lumuhod sa harap ni Stanley.

Vices X Virtues (AWESOMELY PUBLISHED BY POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon