STANLEY #7

123K 2.6K 246
                                    

STANLEY# 7

"Lalabas kayo ni Toryang mamaya?" tanong ni Iñigo kay Greg. Bigla akong napatingin kay Greg na tumitipa lang sa piano niya. Napahigpit ang hawak ko sa drumsticks ko. Parang gusto kong itusok iyon kay Greg. Ang pangit niya. Nakakainis siya.

"Nagpapatulong siya sa akin bumili ng regalo." Sagot ni Greg. Tumaas ang kilay ko.

Tapos na ang birthday ko ah? Bakit naman ako reregaluhan ni Toryang?

"Bakit hindi siya sayo nagpatulong?" tanong naman sa akin ni Ethan. Tiningnan ko siya ng masama. Ang sarap naman niyang hampasin ng gitara niya. Bwisit siya.

"Pakialam ko. Mas gusto sumama ni Toryang sa katulad ni Greg na panget eh. Hobby niya yun, pabayaan na natin." Matabang kong sabi. Tumayo na ako at umalis. Baka makasapak lang ako ng di oras kapag nanatili lang ako doon.

Agad akong pumunta sa canteen at nagpaluto ng canton. Yung kumukulo pa. Yung mausok. Para kapag may nanginis sa akin ibubuhos ko ang sabaw. Yung sabaw lang, titira ko yung noodles, yun yung masarap eh. Lagyan mo pa ng toyo tsaka konting sili.

Nasa canteen lang ako buong araw. Hindi na ako pumasok. Maiinis lang ako kapag nakita ko si Greg at si Toryang na sabay umalis pagkatapos ng klase. Mamayang pag-uwi, isusumbong ko si Toryang sa Tatay niya. Sasabihin ko hindi dapat nakikipagdate si Toryang. Dapat aral muna. Bata pa lang kami. Dapat kapag lalabas siya ako ang kasama niya. Hindi si Greg. Ako dapat. Bwisit talaga.

Nahinto ako sa pagkain ng makita ko si Toryang na tumatakbo papasok sa canteen. Hindi pa ba siya uuwi? Diba may date--bwisit talaga--may date sila ni---naaasar talaga ako. Basta! Magkasama sila ni Greg! Pareho silang panget!

Ngumiti siya sa tindero at bumili ng dalawang bottled water. Tinitigan ko siya at napahawak ako sa dibdib ko. Sumobra na yata ang asin ng kinakain ko. Sasamahan ko na lang si Toryang sa pagbili ng regalo para matunaw yung asin.

"Toryang!" tawag ko sa kanya. Napatingin siya sa akin at nagulat pa. Hindi pa man ako nakakalapit ay agad na siyang tumakbo. Tumaas naman ang dugo ko sa ginawa niya.

Atat lang makipagdate kay Greg?

Hindi ko na siya hinabol. Baka makaistorbo pa ako sa date nilang dalawa ng panget na yun.

Pero paano na lang kung mahulog si Toryang kay Greg? Kawawa naman ang magiging anak nila kapag nagkataon. Pareho silang panget. Atleast kung ako ang makakatuluyan ni Toryang, malaki ang tsansa na maging sobrang sobrang gwapo at maganda ng mga anak namin. Gwapo ko kaya. Ako ang eighth wonder of the universe. Isa akong biyaya sa kalawakan.

Naalerto ako sa naisip. Agad akong lumabas ng canteen para sundan sila Toryang.

Gagawin ko ito para na rin sa kinabukasan ng mga anak ni Toryang.

Ayaw ko silang maging bungi at pangit kapag si Greg ang nakatuluyan niya.

Isa pa, tutunawin ko lang ang canton na kinain ko ng buong araw.

Yun lang ang rason ko bakit ko sila susundan.

Yun lang. Yun lang talaga. Promise. Yun lang talaga PO.

------------------------------------------------

*pen<3

Vices X Virtues (AWESOMELY PUBLISHED BY POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon