STANLEY #5

134K 2.9K 211
                                    

STANLEY #5

Minsan nagtataka na ako sa inyo PO. Bakit ba kapag nababasa na ninyo ako, lagi kayong tumatawa PO? Hindi naman ako nagpapatawa PO. Seryoso po ako kapag sinasabi kong gwapo ako. May nakakatawa ba doon PO?

Pero hindi yun ang problema ko ngayon. Ang problema ko, si Toryang. Siya kasi eh. Bakit ganyan siya magpropose? Hindi ako ready. At sa harap pa ng magulang ko? Agad agad? Hindi ba pwedeng kaming dalawa muna? Solo flight? Haay.

"Toryang, anong sinasabi mo?" gulat na gulat na sabi ni Nanay. Seryosong tumingin sa kanya si Toryang.

"Papakasalan ko po si Tan Tan. Kahit saan pong simbahan. May namamagitan na po sa aming dalawa." Hindi man lang siya kumurap. Tiningnan ko si Tatay na nakatingin na ngayon sa akin. Ibinaba niya ang tasa ng kape niya at huminga ng malalim.

"Toryang, kinse pa lang kayong dalawa ni Stanley. Bata pa kayo at hindi mo pa alam ang sinasabi mo iha. Kapag tumanda na kayo, ako pa mismo ang magpopropose sa iyo para pakasalan mo si Tol." Nakangising sabi ni Tatay. Nanlaki ang mata ko.

Ibinebenta na ba ako ni Tatay? Tapos na ba ang maliligayang araw ng kagwapuhan ko?

At ang pinakamasama, kay Toryang pa ako babagsak. Bungi siya. Wala na bang mas maganda? Yung kamukha ni Nanay, tapos nagtatrabaho sa factory ng canton?

"Sigurado na po ako. Mahal ko po ang anak ninyo. Malinis po ang intensyon ko. Hindi ko po siya sasaktan." Dagdag ni Toryang. Nagkatinginan sina Nanay at Tatay. Ngumiti si Nanay kay Toryang.

"Iha, bata ka pa. Hindi mo pa alam ang ibig sabihin ng pagmamahal. Lilipas din yan." Sabi ni Nanay. Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Nanay. Lilipas ang pagkakagusto ni Toryang sa akin? Tss. Imposible.

"Hindi naman po problema ang edad Nanay. Wala naman pong age requirement hindi po ba? Hihintayin ko naman po si Tan Tan." Nakangiti siyang tumingin sa akin. Muntik na akong mabilaukan kahit wala akong kinakain. Grabe si Toryang. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya at tumingin kay Tatay.

"Mag-uusap lang kami Manong." Sabi ko bago siya hinila palabas.

"Tan Tan, wag mo na akong hilain. Lakad lang dapat para mas matagal yung holding hands."

"Manahimik ka nga!" sigaw ko na. Huminto kami sa paglalakad. Hinarap ko siya at pinandilatan.

"Ang init na naman ng ulo mo. Mana ka talaga kay Tatay." Nakangiti pa rin niyang sabi. Tumaas ang kilay ko.

"Hindi ako mana kay Tatay! Anak ako ni Nanay! Ampon lang si Tatay!" sigaw ko ulit. Si Toryang naman, tuwang tuwa lang na nakatingin sa akin.

"Hinila mo pa ako dito, sisigawan mo lang pala ako. Sana sinabi mo na lang na gusto mo akong masolo Tan." Yumakap siya sa braso ko at biglaang tumalon para halikan ang pisngi ko. hindi agad ako nakagalaw sa gulat. Oo sa gulat. Nagulat lang ako kaya bumilis ang tibok ng puso ko. nagulat lang ako. Ulit ha? Nagulat lang ako. Wag kayong malisyoso, nagulat lang ako.

"Haay, Toryang. Ang tigas ng ulo mo."

Nawawalan na ako ng pag-asa.

Ganito pala kapag may babaeng obsessed sa iyo.

Ang hirap talagang maging gwapo. Kawawa naman ako. PO.

---------------------------------------------

*pen<3

Vices X Virtues (AWESOMELY PUBLISHED BY POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon