Chapter 17

1.4K 71 12
                                    

Chapter 17: Burn Out (part I)

"...Round four: Love Will Find You. In this round, bawat pair ay may suot na blindfold..." Na naman?! Kaloka 'tong vaklang twoh! Panay ang reklamo ni Zachie sa kaniyang isipan nang i-anunsyo na naman ng coordinator ang susunod na laro. Napapansin niya sa gilid niya si kurdapz na paminsan-minsan ay napapangiwi kaya di niya maiwasang mapalingon sa gawi nito. Kating-kati na ang dila niyang tanungin kung ok lang ba ito pero kasi ang gaga binantaan siya kanina.

"...Bawat pares ay magkalayo at kailangan ninyong mahanap ang isa't isa..." Saka may lumapit sa kanilang dalawang staff na may bitbit na blindfold. At piniringan silang dalawa ni kurdapz. "...Ok, say bye for now muna sa hubby ninyo mga misis..." Dagdag ng coordinator. Inasahan na man niyang hindi magpapaalam sa kaniya ang MISIS kuno niya. Pero di niya in-expect na may hahawak sa kamay niya. Nabigla siya. Saglit lang iyon pero damang-dama niya ang init ng palad nito. Nakakapagtakang si kurdapz ang may gawa nun. Pero alam niyang ito talaga ang humawak sa kamay niya; ito lang din naman kasi ang kilala niyang babae na magaspang ang kamay.

"...Now here's the catch. Bawal kayong magbigay ng voice signal sa kapares ninyo kung nasaan kayo. Tanging ang kapartidong grade level lamang ninyo ang magbibigay ng guide sa inyo. Bago magsisimula ang round ay paiikutin muna kayo ng sampung beses. Now ready na ba ang lahat? Staffs, paikutin na ang mga players..."

"1...2...3...4...5...6..." Pagbibilang ng mga tao sa paligid habang iniikot-ikot siya ng staff. Nagsisimula nang mahilo ang brain cells niya. "...7...8...9...10...Go!" Pagkatapos ay binitawan na siya ng staff at muntikan na siyang matumba sa hilo. Kaloka maka-ikot sa kaniya si ateng staff. Feel niya nahagip siya ng isang sobrang lakas na tornado.

Naririnig niya ang hiyawan ng mga tao sa paligid. Hindi niya alam kung saan pupunta. Hindi niya rin marinig ang hiyaw ng mga first grader sa kaniya dahil naghahalo-halo ang mga sigaw ng ibang grade levels. Naloloka na siya. At para na siyang maduduwal sa hilo. Hindi pa kasi siya nakaka-get over mula sa pagpapaikot sa kaniya ni ateng staff.

"Daddy! Move po kayo sa left!" Narinig niyang sigaw sa kaniya ni baby girl. Kaya agad siyang lumiko pakanan.

"Mommy! Walk to your right!" Sigaw na naman ni Ari. "Daddy I think mommy can't hear me! Sige straight lang po!" Baling sa kaniya nito kaya ipinagpatuloy niya ang paglalakad.

Napahinto siya bigla nang may makabunggo siya at bigla nitong hinipo ang mukha at katawan niya.

"I'm sorry. You're not my husband." Paumanhin nito saka muli niyang ipinagpatuloy ang paglalakad.

"Daddy to your right!" Sigaw na naman sa kaniya ni Ari. Medyo hindi na niya masyadong naririnig ang boses nito. Siguro ay malayu-layo na siya sa kinaroroonan ni baby girl. Ipinagpatuloy niya lang ang paglalakad habang kinakapa-kapa ang paligid.

Tuluyan na niyang hindi narinig ang boses ni baby girl. Sobrang lakas narin ang hiyawan at sigawan ng mga tao. Ipinagpatuloy parin niya ang ginagawa nang bigla siyang napahinto nang may makapang malambot na bagay. Pinipisil-pisil niya ito upang hulaan kung ano itong bagay na nahawakan niya. Huli na ng napagtanto niya kung ano ito nang maramdaman niyang may dumapong malakas sa mukha niya. Mabuti nalang tumapsing lang ito ng kaonti kaya hindi siya natumba pero dama parin niya ang sakit.

"The hell kurdapz!" Asik niya. Nahulaan na niya kung sino itong nasa harapan na niya. Bukod sa malamartilyong kamao nito ay may isa pa siyang naging basehan at ayaw na niyang isipin pa iyon dahil... dahil... dahil... maiinggit lang siya. Nakaka-jelly si ateng. Gifted.

"Bipz?!" Narinig niyang usal nito. Napakunot ang noo niya sa tinawag nito sa kaniya.

"Pasok na ang red team!..." Anunsyo ng vaklang coordinator patungkol sa kanilang dalawa ni kurdapz. Kaya tinanggal na niya ang suot na blindfold. "...Yellow and violet team nalang ang natitira."

Unexpectedly Crazy (Unexpected Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon