Chapter 9

1.5K 64 1
                                    

This chapter is dedicated to TwiddleTwix.

******************

Chapter 9: Companion Yet Enemy


"How about this, Chels?" Tanong ni Zachie at nilapitan ang kaibigan sa table nito saka pinakita ang ginawang design ng damit niya rito.

"Dang. That's so beautiful gurl!" Puri nito sa gawa niya. "Inspired na inspired ah?" May pahabol pang tudyo ito.

"Of course dahil kay fafa Joshua." Sabat niya. "At dahil narin, finally, pumayag na si kurdapz." Dagdag pa niya. Tinaasan siya ng kilay ng kaibigan habang nakangisi. Palibhasa kasi bagong ahit rin ang kilay nito. Di siya magpapakabog noh. Tinaasan niya rin ito ng kilay.

"What? Ano na naman 'yang nginingisi-ngisi mo gaga?" Angal niya na may kasamang pamewang pa. His friend just shrugged at muling bumalik sa ginagawa nito. Inirapan nalang niya ang kaibigan at bumalik na sa pwesto.

Tahimik lamang silang dalawa sa nagdaang mga oras dahil busy sa mga ginagawa. Nang bumasag sa katahimikan ang ringtone ng cellphone ni Chelsea.

Lovin' you is easy 'cause you're beautiful
And makin' love with you is all I wanna do...♪

Nairolyo ni Zachie ang mga mata. Nung college pa kasi sila, 'yan na ang ringtone ng kaibigan. May tumatawag dito at agad din naman nitong sinagot.

"Fy..." Panimula ng kaibigan na agad niyang ikinalingon sa gawi nito. Kung hindi siya nagkakamali, yan ang endearment nila ng ex-girlfriend nito dati. Fy stands for 'forever yours'. May nalalaman pang endearment ang mga bruha. Kaso naghiwalay din naman.

Omo. Napasinghap siya, mentally. Don't tell him... nagkabalikan ang dalawa??? O baka naman ibang tao lang pala ang kausap ng kaibigan.

"I'm still here in my office... Don't worry, hindi ako magpupuyat... Ikaw din, huwag mong sagarin ang katawan mo diyan sa trabaho mo. Ayaw kong magmumukha kang zombie sa araw ng kasal natin. Hahaha..." Naririnig niyang sabi ng kaibigan dahil obviously nasa iisang silid lamang kasi silang dalawa.

"... I love you, Fy. Muwah muwah!" Pagkatapos ng landian ng kaibigan over the phone ay ibinaba na nito ang cellphone at nakangiting napatingin sa gawi niya.

"Kailan pa?" Pagtataray niya habang nakakrus ang mga braso habang nakasandal sa pink swivel chair.

"Uhmm... Four? Five days ago, I think?" Sagot nito.

"So kung hindi ko narinig ang landian ninyong dalawa, wala ka talagang balak sabihin?" Mataray na naman niyang saad. Na-disappoint siya ng slight sa kaibigan.

"I was going to tell you naman..." Paliwanag nito. Tumayo ito at nilapitan siya. Inirapan niya ito at inikot patalikod ang upuan. Niyakap siya nito nang makalapit sa kaniya. "Huwag ka ng magtampo diyan gurl.... Sorry na." Suyo nito. Hindi siya nagpadala at inirapan parin ang kaibigan.

"OA neto. Di bagay sa'yo ang magdrama gurl." Biro nito sa kaniya. This time ay tiningnan na niya ang kaibigan, pero nakataas parin ang kilay niya.

"Pasalamat ka mahal kitang bruhilda ka." Sabi niya. Nginisihan siya ng kaibigan at niyakap pa siya ng mahigpit.





"Talaga bang hindi ka na sasabay sa aking umuwi, gurl? Mag-i-eight o'clock na ng gabi oh." Sabi ni Chelsea habang nililigpit ang mga gamit. Umiling lang siya.

"Tatapusin ko muna 'to. Mauna ka na, gurl nang makapagpahinga ka ng maaga. Baka magalit si Fy mo." Tudyo niya sa kaibigan.

"Don't worry gurl makakahanap ka rin ng iyo. Baka nahanap mo na nga siya pero hindi mo lang napapansin." Tudyo rin nito sa kaniya.

Unexpectedly Crazy (Unexpected Series #1)Where stories live. Discover now