Chapter 43

1.6K 51 69
                                    

Last year pa nasa draft ang chapter na 'to at last month ko lang naisipan ipagpatuloy. I'm sorry kung ngayon lang nakapag-update. And thank you sa mga naghihintay at patuloy paring nagbabasa nito.

Dahil nakapag-UD ako, that means I'm not dead yet! Huzzah to that. ༎ຶ‿༎ຶ

Well... Hope you'll enjoy this crappy dramatic chapter.

P.s. I should probably kill him.

***************

Chapter 43: Settling Everything Part II

Pasipol-sipol si Gaizel habang naglalakad papunta sa nakaparadang kotse niya. Kagagaling niya lang sa office ng ate niya. May hinatid kasi siyang importanteng bagay na nakalimutan nitong dalhin. 

"Hi koya ihiii~" Kinikilig na bati sa kaniya ng tatlong babae at isang feeling babaeng estudyante. 

"Hi girls!" Bati niya rin sa mga ito dahil baka isipin ng mga ito na rude siya. 

"Oh my gosh!" Tili ng mga ito. Napailing nalang siya. 

"Hirap talaga maging gwapo." Usal niya sa sarili habang ipinagpatuloy ang paglalakad. 

Nasa tapat na siya ng kaniyang kotse at bubuksan na sana ang pinto nito nang makarinig siya ng isang hikbi. Parang may humihikbi. 

"Di naman siguro multo. Tirik na tirik pa ang araw." Kausap niya sa sarili.

"Multo pfft." Patawa niya sa sarili. Kung anu-anong pinag-iisip niya.

Mas lalong lumakas ang hikbing naririnig niya kaya napag-desisyunan niyang hanapin ang pinanggagalingan nito.

Pumunta siya sa kabilang gilid ng kotse niya at napagitla siya ng bahagya nang makita ang isang babaeng nakaupo sa semento habang yakap-yakap nito ang mga binti habang nakasandig sa passenger side ng sasakyan niya.

"Miss?" Tawag niya. Nilapitan niya ito upang lubusang makita ang mukha. Kailangan niyang makita ang hitsura nito. Baka hindi pala ito tao, nalintikan na.

"Excuse me, miss?" Tawag niya ulit. Mukhang hindi siya nito naririnig dahil hikbi parin ito ng hikbi. At hindi niya makita ang mukha dahil nakayuko ito at nakatakip ang buhok.

Nagdadalawang-isip siyang hawiin ang buhok nito. Gusto niya kasing makita ang mukha nito upang makompirmang tao nga ito.

"Miss?" Tatapikin na sana niya ito nang bigla itong napaangat ng ulo. Napansin na siguro nito ang presensya niya.

Dahil isa siyang gentleman, tinulungan niya itong makatayo.

"Naku po. P-Pasensya na." Humihikbi parin nitong sabi habang inaayos ang mga hibla ng buhok na nakatakip sa mukha nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpectedly Crazy (Unexpected Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon