Chapter 8

1.4K 57 0
                                    

Chapter 8: Being A Mother

Dalawang araw na ang nakalipas simula noong narinig niya ang pag-uusap ng mga anak. Ilang sandali siyang nakatayo lang nun sa harapan ng pinto bago naisipang kumatok. Napansin niyang nagulat pa ang mga anak pero umakto lang siya na parang walang narinig. Hindi naman siya tinanong ng mga ito, kaya napanatag siyang inakala ng mga anak na wala nga siyang narinig.

Simula ng gabing iyon, hindi na mapalagay ang isip ni Dwanee. Am I being too strict? Am I too possessive to my kids? Am I being selfish?

"Ma'am? Ok ka lang po? Kanina pa po kayo pabalik balik ng lakad diyan eh. Ako po ang nahihilo sa pinaggagawa ninyo." Untag ni José dahilan para mapahinto siya at mapatingin sa sekretarya. Kanina pa nakatayo ang sekretarya sa harap niya. Nagtataka ito kung bakit kanina pa siya pabalik-balik ng lakad.

"Masama ba akong ina, José?" Seryoso niyang tanong dito. Bahagyang napakunot naman ang noo nito sa tanong niya.

"Ba't niyo naman po natanong 'yan? Isa nga po kayo sa mga huwarang ina na nakilala ko." She sincerely answered.

"Pakiramdam ko kasi ang sama-sama kong ina." Turan niya. Naguguluhang nakatingin naman sa kaniya si José. Hindi nito alam kung anong sumapi sa amo, kung bakit niya nasabi ang ganoong bagay gayung isa ito sa mga saksi kung gaano niya pinalaki ng mabuti ang mga anak.

"Ginagawa ko naman kung ano ang sa tingin ko ay tama at makabubuti sa kanila. Ginagampaman ko naman ang pagiging ama at ina sa kanila. Pinupunan ko naman lahat ng mga pagkukulang. Pero bakit pakiramdam ko, masama parin akong ina." Dagdag pa niya. Napabuntong-hininga nalang si José.

"Ma'am. Wala pong masama sa mga ginagawa po ninyo. Hindi po kayo masamang ina. Alam ko pong mahal na mahal po ninyo ang mga anak ninyo at gagawin po ninyo lahat maging maligaya lang sila. Ikanga nila, walang makakapantay sa kaligayahan ng isang ina pag nakikita niyang masaya ang anak niya. At ang pagmamahal ng isang ina ay bukod tangi lamang at walang makakapantay." Saysay ng sekretarya niya.


Ilang oras na ang lumipas. Nakaupo lang si Dwanee sa swivel chair niya habang wala sa sariling nakaharap sa nakabukas na laptop niya. Nakatungkod ang isa niyang kamay sa ulo niya habang pinaikot-ikot naman ng isa niyang kamay ang ballpen na hawak-hawak.

Parang sirang plaka na paulit-ulit na nagre-replay sa utak niya ang sinabi ni José kanina. She really loves her kids. Kung ano man ang hidwaan at hindi pagkakaunawaan ang namamagitan sa kanila ng baklang si Zachie, ay lulunukin nalang niya para sa kaligayahan ng anak. Hindi naman ang gusto at ayaw niya ang laging masusunod. Imbyerna talaga ang baklang yun! Kung di lang talaga para sa anak ko.

Pinindot niya ang intercom. Lumunok muna siya bago nagsalita. "José, please appoint a meeting with Mr. Vonwick today." Sabi niya.

"Right away po." Sagot nito sa kabilang linya.

------------------------

"Oh my golliness. This is hopeless." Usal ni Zachie habang nanonood ng live audition ng mga bata para maging model ng kanilang next concept. Lima actually ang kukunin nilang mga bagets, pero ang main face ay dapat ang mga junakis ni kurdapz kaso waz pag-asa eh. Dalawa nalang ang kakailanganin nila since ang dalawang anak na babae ni Paouie at anak na lalaki ni Florence ay kinuha na nila.

"It's not gurl. Just chill. Be positive, ok?" Sabi ni Chelsea sa kaniya na nasa tabi niya lang. Nasa may tabi lang sila nakatayo habang nanonood. Hinayaan lang nila na ang mga staff ang mag-asikaso ng mga auditionees.

Unexpectedly Crazy (Unexpected Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon