Chapter 32

1.9K 72 44
                                    

Stay safe and take care always mga dear!

**********************

Chapter 32: Secrets are meant to be revealed

"Happy birthday, to me." Matamlay na bati ni Dwanee sa sarili. Habang nagkakasiyahan ang mga tao sa pagsalubong ng bagong taon, ay dumeretso na siya sa kwarto niya pagkatapos niyang mailigpit ang mga pinagkainan. Noong December twenty-eight pa bumalik ng Pilipinas si BPP at ngayon, mag-isa na naman niyang sini-celebrate ang kaarawan niya. Ok naman iyon sa kaniya— sanay na siya. At mabuti naring umalis ang baklang 'yon para wala ng istorbo sa buhay niya. Hindi kasi siya makapag-concentrate dahil laging sumasagi sa isipan niya ang muntikang may mangyari na naman sa kanilang dalawa noong mismong araw ng pasko.

Pagkatapos nga ng araw na 'yon, ay panay ang ilag niya kay bakla. Pero ang buwisit, lapit ng lapit sa kaniya, pati hanggang sa trabaho niya ay buntot ito ng buntot, at panaka-nakang ninanakawan siya ng halik. Talagang hindi siya makapag-concentrate!

Pagkatapos niyang magsipilyo ay humiga na siya sa kama niya. Ipipikit na sana niya ang mga mata nang biglang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ito sa bedside table at binasa ang na-receive na e-mail.

From: josépapandreas@email.com

Happy new year and happy birthday, ma'am! Sana po ay huwag niyong pabayaan ang self niyo diyan. At heto na po pala 'yong iniutos ninyo. Kung may kailangan pa po kayo, sabihan niyo lang po ako.

Pagkatapos basahin ang message ay pinindot niya ang naka-attach na file at binuksan ito.

Una niyang nakita ang information tungkol kay Jennifer Comore, ang half-sister niya. Binasa niya ang nakasulat na mga detalye.

"... Currently working at Amor's Restaurant and Pastry Shop." Napakunot ang noo niya sa nabasa. Binasa pa niya ang ilang natitirang impormasyon hanggang sa mapadako ang paningin niya sa naka-attach na picture ni Jennifer Comore.

"Si Jen?!" Gulat niyang usal. "Kapatid ko siya?!" Hindi siya makapaniwala sa nalaman. Kaya pala pamilyar sa kaniya ang nabasang pangalan nito doon sa papel na inihabilin ng kaniyang lolo slash ama.

Hindi niya alam kung masisiyahan ba siya sa nalaman o ano. Matagal na niyang kaibigan si Jen. At malapit ang loob nilang dalawa sa isa't isa. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito kung sasabihin niya rito ang totoo. One time kasi, ikinuwento ni Jen sa kaniya ang tungkol sa ama nito na never pa raw nitong nakilala o nakita man lang.

"... Masama po ang loob ko sa ama ko. May part po na ayaw ko nalang siyang makilala, dahil hindi niya kami pinanindigang dalawa ni mama. Pero may part po na gusto ko siyang makita at  makilala, kahit isang beses lang." Naalala niyang sabi noon ni Jen. Naiintindihan niya ang hinanakit nito. Dahil ganoon din ang nararamdaman niya noong hindi pa niya nalaman ang katotohanan tungkol sa pagkatao niya.

Hindi na niya alam kung ano ang kaniyang gagawin. Sasabihin niya ba kay Jen ang totoo? Oo. Kailangan. Dahil iyon ang huling kahilingan ng kaniyang lolo Davis. At higit sa lahat, karapatan ni Jen na malaman ang katotohanan.

Unexpectedly Crazy (Unexpected Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon