Chapter 27

1.5K 82 37
                                    

Pasensya na sa mga typos and wrong grammars. Bulol akong magsalita at minsan bulol din sa pagsusulat. Kahit na-edit ko na ang chapter na ito, ay hindi parin ako sure. Sorry talaga mga dear! Hope you will still enjoy my story hehehe.

************************

Chapter 27: Green Orbs and A Key

"I love you."

"I love you."

"I love you."

Parang sirang plakang paulit-ulit na nagri-replay sa utak ni Dwanee ang sinabi ni bakla sa kaniya. Napabangon siya ng higa at isinandal ang likod sa headboard. Saglit niyang sinulyapan ang wristwatch at nakitang mag-aalas tres na ng madaling araw.

"Patulugin mo naman ako bakla." Inis niyang bulong baka kasi magising ang dalawang anak na nasa magkabilaang gilid niya.

Napahawak siya sa kaniyang mga labi at nag-flashback na naman sa isipan niya ang nangyaring pagsaluhan ng mga halik nilang dalawa. Mariing napapikit siya at inaalog ang ulo para mawala ito sa kaniyang isipan.

"Just forget it. Forget it ever happened." Kumbinsi niya sa sarili at pinilit ang mga matang matulog na.

Parang zombie-ng bumababa siya ng hagdanan kinaumagahan. Papasikat na ang araw at hindi siya nakatulog. Hilong-hilo na ang ulo niya at nakakaramdam na naman siya ng pagbaliktad ng sikmura kaya patakbo niyang tinungo ang kusina at sumuka na naman.

"Ate! Anong nangyayari po sa inyo?" Narinig niyang gulat na bungad sa kaniya ni dayh Arayat at agad siya nitong nilapitan.

"I'm fine, dayh. Maybe I just ate something unacceptable to my stomach." Paliwanag niya saka nagmumog ng bibig. Nang matapos ay hinarap niya ang dalaga. Nakita niyang nasa likuran din pala nito si Juno. Handang-handa na ang dalawa sa pag-alis pabalik sa siyudad.

"Kumain muna kayo bago umalis. Ipagluluto ko muna kayo ng agahan."  Nagsaing muna siya ng kanin sa rice cooker pagkatapos ay tinungo niya ang ref at kumuha doon ng dalawang itlog at apat na bacon.

"Ate, ako nalang po nito. Parang hindi po kayo ok eh." Nag-aalalang sabi ng dalaga saka kinuha ang mga dala niyang lulutuin. Napatango nalang siya at umupo sa high stool katabi ni Juno. Isinawalang bahala niya muna ang presensya ng kapatid dahil pakiramdam niya ay bumaliktad ang mundo. Itinungkod niya ang mga siko sa kitchen island at hinilot ang temples niya.

"Maybe you should see a doctor, ate." Narinig niyang sabi ng binata. Napailing lang siya.

"Mawawala rin ito maya-maya." Sabi niya.

Nasa kalagitnaan ng pag-aagahan ang dalawa nang pumasok sa kusina ang matandang mag-asawa. Natatarantang nilapitan siya ni nay Feli nang makita ang hitsura niya.

"Anong nangyayari sa'yo anak?" Tanong nito.

"Ok lang po ako, nay." Kumbinsi niya sa matanda sabay ngiting pilit dito. Bumaba siya sa kinauupuan upang kumuha ng maiinom na tubig. Pagkabukas niya sa ref ay bigla na namang bumaliktad ang sikmura niya. Pinigilan niya ang sarili. Nang medyo kumalma na ang tiyan niya ay saka niya kinuha ang pitcher at nagsalin ng malamig na tubig.

"Ako na ang maghahatid sa inyo sa terminal, dayh." Sabi niya habang pinipilit na magmukhang OK lang sa harap ng mga kasama.

"Hindi na ate. Kaya naman po namin saka kabisado ko pa naman ang daan papunta sa terminal." Tanggi ng dalaga. Nakaramdam na naman siya ng pagkahilo.

"O-OK lang. M-May bibilhin din naman kasi ako sa department store." Nasusuka na talaga siya. Di na niya kayang pigilan pa! "M-Magbibihis lang ako saglit." Pinal niyang sabi at agad lumabas ng kusina. Muntikan pa siyang matalisod paakyat ng hagdanan kakamadali. Pagdating sa kwarto ay agad siyang nagtungo sa banyo at inilabas ang kanina pa nagwawala sa sikmura niya. Halos isang minuto ang itinagal niya at pakiramdam niya ay nauubusan na siya ng tubig sa katawan. Pagkatapos magsipilyo at maghilamos ay sumandal muna siya sa counter upang pakalmahin ang sarili at inalala kung ano ba ang nakain niya kahapon.

Unexpectedly Crazy (Unexpected Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon