Bakla #39: Summer p.3

2.9K 103 8
                                    

Dedicated to myonemeh

🌈🌈🌈

Lucia

KINAKABAHANG nilakad ko ang daan patungo sa swimming pool. Saktong pagdating ko ay may sariling mundo na ang lahat. Si Luca, nagsa-sun bathing, akala mo naman nasa beach. Si Ate Luciana at RJ naghaharutan. Si Nicole naman nakikipagbasaan sa boyfriend niyang bakla rin na si Michael at sila Kuya Lucas naman ay busy sa pag-alalay sa mga anak nila.

"Sexy." Napapiksi ako sa gulat nang may yumakap sa akin patalikod. Mabilis na nalanghap ko agad ang amoy nito, hindi ko alam kung natural o dahil sa pabango.

"Khael!" Saway ko sa kanya saka ko siya hinarap. "Ginulat mo ko!" Anya ko saka siya pinalo sa dibdib.

'Tsansing!' Kantyaw ng isip ko.

Hala! Hindi ah!

Sh*t!

Ano bang nangyayari sa akin? Nababaliw na ata ako dahil kinakausap ko ang sarili ko.

"Hey, are you okay?" Rinig kong tanong ni Khael habang inuuga ang balikat ko. May pag-aalala sa boses nito at tila nagtataka sa kilos ko.

"Nothing." Iling ko na lang. Mukhang nawawala na talaga ako sa sarili.

"Let's swim. Naiingit na ako sa
kanila." Parang batang usal nito at mabilis na hinubad ang sando na ngayon ko lang napansin.

Bale, tanging pambaba na lang suot niya. Summer trunks na angkop na angkop sa hugis ng katawan. At kung titignan may maipagmamalaking butt din ito.

Hmm....Bumbum?

Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa matapos siya. Napalunok na lang ako. Parang kinakapos ata ako ng hangin? Anyare?

"Hey, Your turn! Hubad na!" Walang pakundangang utos niya matapos pitikin ang noo ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Literal na napayakap din ako sa sarili ko dahil sa sinabi niya.

"What? Anong hubad!? Bastos ka ah!!!" Nanggagalaiting sigaw ko. Namula naman ang buong mukha nito at napalingon sa ibang direksyon.

"I mean, your two-piece girl! Wag kang assumera! Alam kong pinagnanasaan mo ko pero hindi pa ito ang tamang panahon. Hindi mo pa nga ako sinasagot kaya maghintay ka diyan!" Pa-baklang katwiran nito. Hindi ko tuloy maiwasang masampal ang bunganga niya.

Ang kapal ng apog! Pinagnanasaan ko raw siya?!

Y*ck!

"Talikod." Utos ko pero tinirikan lang ako nito ng mata.

"Ang arte! Nakita ko na rin naman 'yan! Pati stretchmark mo sa puwet nakita ko na noh! Wag ka ng mahiya! Flat ka pa rin, walang magba-Arayy naman Girl! Bitaw na!M-masakit!" Komento nito kaya walang kemeng tiningkayad ko siya at sinambunatan.

"Hayop ka talaga! Iyang bibig mo!" Galit na turan ko habang hila-hila pa rin ang buhok niya.

"Ane be! M-masakit sabi eh!" Pikon na saad nito. Tagumpay nitong naalis ang kamay ko sa buhok niya at hawak niya na iyon nang mahigpit.

HE WAS A GAY (Book 3) UNDER-EDITINGWhere stories live. Discover now