Bakla #22: Family

3.4K 129 2
                                    

Dedicated to dyaniiiiiiiiiii

🌈🌈

Lucia

WEEKEND ngayon at nandito ako sa mansyon namin kasama sila Kuya Lucas. Habang pababa ako ng hagdan ay rinig ko na ang mga tawanan nila na galing pa sa kusina.

"Morning!" Bati ko saka binigyan ng halik sa pisngi si Mama at Papa. Sila Kuya naman ay tinanguan lang ako. Sa tingin ko wala pa siyang alam sa pangyayari marahil sinekreto nila.

"Good thing you're now here. Sunduin mo muna si James outside para sumabay na sa atin." Segunda ni Luciana.

Nahakot niya naman agad ang atensyon ko.

"James? What is he doing here?" Balik tanong ko. James is my bestfriend though hindi niya alam na isa akong lesbian. Nahihiya kasi ako dahil baka husgahan niya ako bigla.

"Hindi ka raw niya kasi Ma-contact nitong nakaraang buwan kaya sa akin siya nag-text." Walang ganang saad ni Ate Luciana.

Okay.

"Hayy! Ang mga dalaga ko nag-uumpisa ng mawala." Madramang sambit ni Papa kaya napangiwi kaming tatlo nila Luca. Kung alam niya na lang na hindi ako dalaga baka bigla siyang magwala ng di oras.

Iling na lumakad ako palabas para sunduin si James. Sakto nakasalubong ko si Ate Rhea pati iyong mga pamangkin ko. Mabilis na kinuha ko si Loki sa kanya.

"Hello baby." Ani ko at binuhat siya. Napadaing ako dahil hindi ko akalain na ang bigat niya kaya napatawa si Ate Rhea.

"Matakaw kasi iyan kaya ganyan. Sobrang bigat na." Natatawang wika nito habang pinagmamasdan kami.

Tinitigan ko si Ate Rhea. Masyado na siyang mature sa mga bagay-bagay. Ganun siguro talaga kapag nakakapag-asawa na.

"Bebe gurl, ang tagal niyo naman!" Sigaw ni Kuya Lucas pagkakita sa amin. Nilapitan niya si Ate Rhea at mabilis na hinalikan ito sa labi kaya napaiwas ako ng tingin.

I never thought that my gay brother would marry a woman. Love really change peoples. That's how it works.

"Hoy ikaw! Saan mo dadalhin ang anak ko?!" Sita naman niya habang duro-duro ako. Hindi ko na lang siya pinansin at tinakas si Loki palabas. Doon naabutan ko si James na prenteng nakasandal sa sasakyan niya na may kasama pang bulaklak.

"Ehem!" I said to catch his attention. Hindi naman din ako nabigo dahil segundo lang ay lumingon na rin siya sa akin.

"Dito ka na pala." Nahihiyang sabi niya na may pagkamot pa sa batok.

Umarko naman ang kilay ko dahil sa paninibago.

"Anyare sa iyo at pareng nahihiya ka diyan bhy? Bakit ka nga pala nandito?" Asik ko sa kanya habang nilalaro ang kamay ni Loki na kasalukuyang pinaglalaruan ang mukha ko habang buhat-buhat ko siya.

Napanguso naman si Bhy.

"Hindi mo ba ako na miss? One month din ata tayong walang contact. Hindi rin kita makita. Pinuntahan kita sa Condo mo, wala ka doon pati sa work mo, on leave ka daw." May bahid ng pagtatampo nitong wika.

HE WAS A GAY (Book 3) UNDER-EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon