Bakla #16: Back hug?

3.6K 169 6
                                    

Dedicated to TheAlienIsHere

🌸🌸🌸

Lucia Andree


PABALYA niya akong inihagis sa passenger side ng kotse. Napasapo na lang ako ng pwet ko bago inayos ang sarili. Samantalang umikot naman siya patungo sa driver's seat.

Paano ba siya napunta dito? How come he knew i was here in the first place?

Tahimik na sinimulan niya ang pagmamaneho pero mahahalata mo ang galit sa mga mata nito. Rinig kong napamura ito habang hawak-hawak ang umiigting niyang panga.

"D*mn it!" Galit na sigaw nito kaya napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat.

Magsasalita pa sana ako para magpaliwanag ng tumunog ang cellphone ko.

Tiningnan ko ang caller at bumungad sa akin ang pangalan ni Mama.

"Hel-What's this Lucia Andree?!" Pagpapahinto ni Mama sa akin.

Napapikit ako bigla dahil sa sermon.

"Ma!" Angal ko.

"Ano itong sinabi ni Lance ha! May boyfriend ka na pala! Kailan mo ba sa amin ipapakilala iyan?!" Diretsahang wika niya kaya napairap na lang ako.

Ganyan ba sila ka-excited na magka-bf ako?

"Ma! Wala akong bf okay? Bakit ba ang kulit niyo?" Paliwanag ko nang maigi.

Naku! kung pwede lang sabihin na may ex-girlfriends ako sinabi ko na para hindi na ako kulitin. Mamumuti iyong buhok ko dahil kay mama eh!

"Then who's that guy who claimed you as his property? I want to meet him as soon as possible! You're already in a right age. Hindi ko alam kung iisipin kong tomboy ka o hindi!"

Bigla akong pinanlamigan sa sinabi ni Mama.

Oh my! napapansin niya kaya!

"M-ma! P-paano mo n-naman nasabi yan! A-anong t-tomboy!? K-kadiri ka Ma!!" Kinakabahang asik ko.

"Wala ka pang napapakilala sa amin Lucia Andree." Madiing wika ni Mama.

Napasapo ako ng sentido. Hindi ba pwedeng isipin nilang NBSB lang kaya ganoon?

"M-ayy palaka!!" Agaw sa akin ni Kaley ng cellphone. Nanlalaking matang tumingin ako sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Sa halip ay tumikhim muna ito bago magsalita.

"Hi! This is his boyfriend speaking. Good day Ma'am." Bati niya na labis kong ikinagulat.

Pilit kong inagaw ang cellphone pero mas lalo lang niyang nilayo tapos ay tinarayan ako.

What the!

"A-ano bang pinagsasabi mo!?" Mahinang saad ko sapat na para kami lang ang magkarinigan.

"Shut up." Patahimik lang nito sa akin.

'Is that so? Hindi ko alam na may boyfriend na pala itong anak ko. Teka, ano bang pangalan mo iho? Pumunta ka sa bahay at nang magkausap tayo.' Rinig kong tanong ni Mama sa kabilang linya.

HE WAS A GAY (Book 3) UNDER-EDITINGWhere stories live. Discover now