Bakla #24: Resume?

3.3K 152 14
                                    

DEDICATED TO emilyalivres

🌈🌈🌈

A/n:

#Unedited

Kindly bare with my typos and grammar.
Hope you like it!
Votes and Comment please!!

🌈🌈🌈

LUCIA

"Urgh!!Nakakahiya!! Why did i said that?!" Sambunot ko sa sarili ko. Hinfi ko talaga makalimutan ang lumabas sa bibig ko kaninang nag-usap kami.

'Pag-iisipan ko'

'Pag-iisipan ko'

'Pag-iisipan ko'

"Kyahh Ayoko na!!" Sigaw ko saka nagpagulong-gulong sa kama. Ano bang nangyari sa akin at lumabas sa bibig ko iyon bigla?

Naku naman! Ano na lang ang iisipan nung baklang iyon na pinapayagan ko siya na pumasok sa buhay ko?

Ano ba kasi Lucia! Masyadong kang Taklesa!

Nandito ako ngayon sa Condo ko dahil agad din akong umuwi matapos ng celebration. Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko habang nakatingin sa ceiling. Napapailing na lang ako sa nangyayari kaya tumayo na lang ako at dumiretso sa Banyo.

Mukhang kailangan kong maligo ng malamig na tubig para maalis siya sa isip ko. Sapagkat unti-unti niya ng
nakakain ang sistema ko ng hindi ko napapansin.

Bwisit! Ano bang ginawa mo sa akin Khael?

Hindi ko tuloy maiwasang tanungin ang sarili ko gaya na lang ngayon.

"Nagbabalik-loob na ba ako?" Nalilitong turan ko habang tinitingnan ang sarili ko sa salamin.

••••

Isang oras din ako nagbabad sa loob. Ang totoo ay hindi pa talaga sana ako aalid sa bathtub kung hindi lang talaga sa taong pindot nang pindot sa ddorbell ko. Naiinis na sinuot ko ang robe at nilagyan ng towel ang buhok ko bago tuluyang lumabas ng banyo.

Tumingin ako sa orasan. Alas-nueve na nang gabi at sino naman ang bibisita sa akin ng ganitong oras? Siguraduhin niya lang talagang importante ang ipinunta niya dahil baka mamaya masapak ko siya.

"Sino ba iy-What the!? What are you doing here?!" Sigaw ko pagkabungad para magulat sa lakas ng boses ko ang kung sino mang tao na nasa labas ng Condo Ko. Pero bumaliktad ang sitwasyon dahil imbis na siya ang gulatin ko ay ako pa ang nagulat.

Nanlalaking mata at halos hindi makapaniwala na tinitigan ko siya habang pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Hanggang sa magsalubong na lang ang pareho niyang makakapal na kilay.

"Nagbubukas ka ng pinto nang ganyan ang itsura mo?! Paano na lang kung iba pa iyong kumatok at hindi ako? baka na-rape ka na ng wala sa oras! Uso pa naman ang rape ngayon. Hindi ka ba nanunuod ng balita? Ni-rape na nga binalatan pa ang mukha?" Galit na sermon niya na dinaig pa ang nanay ko.

"Kaya kong depensahan ang sarili ko kapag ganoon." Depensa ko sa sarili ko habang nakapameywang sa harapan niya.

"Kahit na, paano na lang kung may patalim iyong rapist? Babae ka pa din tandaan mo iyan! Kahit na lesbian ka, babae pa rin anh pisikal na anyo mo. Sunod ayaw kitang nakikitang ganyan ah! Umayos ka Love." Payo niya at umiwas ng tingin.

HE WAS A GAY (Book 3) UNDER-EDITINGजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें