Bakla #14: Kape

3.7K 137 6
                                    

Dedicated to Miss_30_Mitch

🌹🌹🌹

Lucia Andree

"ANO BA 'YAN KALEY!" Angal ko sabay alis sa pagkakapulupot sa akin. Tsk! Bakit ba kasi siya nandito?! Nakakadiri kaya! Anong silbi ng kwarto niya kung tatabi rin pala siya sa akin?

Mabilis pa sa daga akong bumangon ng kama bago pa muling manghatak itong baklang ito. Kumuha ako ng damit ko at pumasok sa banyo para gawin ang daily rituals ko. Bahala siya d'yan kung matutulog siya.

'Then i will make myself be your type.'

"Then i will make myself be your type.'

'Then i will make myself be your type.'

'Then i will make myself be your type.'

"Argh!!"

Napasambunot na lang ako sa sarili kong buhok dahil sa inis. Naririnig ko pa rin kasi sa isip ko ang sinabi ni Kaley kanina. Nakakadiri talaga! Hindi na ako nagtaka kung bakit nagtaasan ang mga balahibo kanina sa katawan dahil sa mga kababuyan niya.

Inabot ako ng tatlumpong minuto bago lumabas ng banyo at naabutan ko pa rin doon si Kaley. Pero hindi na tulad kanina na nakapikit ito dahil prenteng nakahiga lamang ito sa aking kama habang hawak-hawak ang cellphone. Hindi ko na lang siya pinansin at kinuha na lang ang cellphone ko saka lumabas.

Tinungo ko iyong kitchen ng house niya at nagtimpla ng kape. Ngunit Hindi pa ako nakakainom ng biglang tumunog ang cellphone ko at si Mama ang caller.

Napairap na lang ako sa hangin. Mukhang may naiisip na naman ito si Mama na Hindi maganda. Nararadar ko na kung saan ito patungo.

"Good morning honey!" Bati ni Mama sa kabilang linya.

I rolled my eyes. Heto na naman po siya, paniguradong may kailangan ito. Kung si Papa tutok kay Luciana, si Mama naman sa akin. Kapag kay Luca pareho silang dalawa dahil siya ang pinakabunso sa aming apat.

"Ma." Saad ko lang. Wala akong gana makipag-usap sa ngayon dahil bad trip ang nasilayan ko.

"You see, nagkita kami ng amiga ko kahapon kasama ang anak niyang lalaki." Simula niya.

Napahinto ako sa pag-inom ng kape at napaarko ang aking kilay.

Oh ngayon? Anong kinalaman ko sa amiga niya?

"Okay?"

Narinig ko siyang napabuntong hininga bago muling magsalita.

"Well, pinakita ko sa kanila ang family pictures natin then nagandahan iyong anak niya sa iyo which is hindi mapagkakaila dahil nagmana ka sa akin. Guess what? Gusto ka niyang makilala kaya nag-suggest ako na mag-blind date kayo. You know?" Nag-aalangan na wika nito.

Hindi ko alam pero biglang nag-init agad ang ulo ko sa narinig. Wtf? Blind date? sa lalaki?

"MAAA!!" Sigaw ko sa kanya. Nai-imagine ko tuloy ang pag-ngiwi niya dahil sa biglaang pagsigaw ko.

"Well dear, sa tingin ko maganda iyon since your already an adult atsaka hindi ka naman lugi doon dear. Gwapo siya kaya don't worry, hi-"

Hindi ko na siya pinatapos dahil baka mabalibag ko lang ang cellphone ko ng wala sa oras.

HE WAS A GAY (Book 3) UNDER-EDITINGWhere stories live. Discover now