Bakla #30: Confession p.2

3.7K 143 19
                                    

Dedicated to jnjngkk_97

🌈🌈🌈

Lucia

"It's only me, right Love?" Nakangiting sabi pa nito.

I hold my breath because of our distance.

This face...

How much i long to feel his presence again...

He's right.

It's only HIM

"Really? A gay, Lucia? Nauubusan na ba ng lalaki sa mundo kaya pumatol ka sa bakla?" May bahid ng pang-insulto tanong ni Bhy sa akin saka nandidiring tumingin kay Khael.

Naramdaman ko ang paghigpit ng kamay ni Khael sa akin na tila mawawala ako sa pagkakahawak niya.

"B-bhy..." Mahinang tawag ko sa kanya nang bigla siyang tumayo at lumakad palapit sa amin ni Khael.

"Are you sure na papatol ka sa bakla Lucia?" Matigas niyang tanong. Medyo natameme ako kasi nakakapanibago ang pinapakita ni James. Parang hindi ko siya kilala dahil iba ang ugali ng bestfriend ko sa kaharap naming tao ngayon. Nakakahakot na rin kami ng atensyon mula sa mga kumakain.

"I am not a gay anymore, Mister. Pwede ka ng umalis dahil nakakaistorbo ka na rin sa mga kumakain dito sa restaurant ko." Taboy ni Khael kay James na tinawanan lang ng huli.

Restaurant niya ito?

"And what if i don't? H'wag kang mag-alala magbabayad naman ako pero syempre kailangan kasama ko si Bhy dahil kami naman talaga ang magkasama simula pa lang." Biglang higit sa akin ni James kaya napabitaw si Khael sa akin.

Sinubukan kong nagpumiglas pero hindi ko magawa. Kahit naman lesbi ako dati eh, babae pa rin ako. Alam ni James na hindi ako makasuntok gamit ang kaliwang kamay ko kaya ang hawak niya ngayon ay ang aking kanang kamay.

"Bhy! S-stop! Nasasaktan ako." Panlalaban ko sa kanya habang hila-hila niya ako palabas ng restaurant.

"You don't know what you did to me, Lucia. Dahil sa iyo naging ganito ako and ngayon lang ako nagkaroon ng courage to confess but then you reject me for that gay. I won't stop until you love me." Akmang bubuksan niya na ang pinto ng restaurant ng may lumitaw na guard at hinarangan kami.

Lumingon ako sa likod ko at naabutan ko si Khael na prenteng naglalakad lang papunta sa amin.

"Do you really think that i will just let you steal my girl?" Cool na wika lang nito. Walang bahid ng pangamba o takot sa mukha.

"If you really like her then learn to let go. Nasasaktan na siya sa ginagawa mo ngayon pa lang." Payo pa nito kay James.

Dumako naman ang atesyon sa akin ni Bhy hanggang sa mapunta ang mata niya sa kamay niyang nakahawak sa akin nang mahigpit.

"Did i scare you?" Maagap na tanong nito.

"You're not like this, bhy." Hindi makapaniwalang komento ko sa kanya.

He just smile.

"Aalis ako pero babalikan kita hanggang sa akin ka mapunta." May pinalidad niyang tugon bago ako tuluyang bitawan. Dire-diretso itong lumakad palabas habang ako nakatingin lang sa papalayong pigura niya.

"L-love?" Tawag sa akin ni Khael mula sa likuran ko.

Napabuntong-hininga na lang ako sa nangyari.

Pagod na ako.

Pagod na akong umiwas at magtago. Dahang-dahang humarap ako sa kanya at isinantabi ang mga taong tumitingin sa amin.

Lumakad ako palapit at patalon na yumakap sa kanya. Dahil sa sobrang tangkad niya ay hanggang leeg niya lang ako kaya doon ko sinubsob ang mukha ko. Hindi ko alam kung bakit pero naluluha na lang ako sa samu't saring emosyon na nararamdaman ko sa sandaling ito.

Naramdaman kong nanigas siya marahil hindi niya inaasahan ang ginawa ko pero maya-maya ay naramdaman ko na ang pagyakap niya sa akin ng mahigpit.

"I....I love you Khael McKenzie." Amin ko.

Finally, I said it.

Bahagya itong natuod sa kinapu-pwestuhan kaya bumitaw ako sa pagkakayakap at hinarap siya. Nakita ko ang pagtulo ng luha nito kaya mabilis na pinunasan ko iyon.

"H-hey! Na-estatwa ka na diyan!" Nakangusong saway ko sa kanya saka hinampas siya sa balikat.

Gulat na lang ako nang kabigin niya ako ng isang masuyong halik na tinugon ko rin agad. Hindi rin iyon nagtagal dahil pareho kaming bumitaw sa isa't isa ng kapusin kami ng hangin.

"Finally, you cut down the chase Love. I Love you, always." Nakangiting sabi niya at hinalikan ako sa noo.

Bago pa ako makapag-react ay pumalibot na lang sa tenga namin ang palakpakan ng mga tao sa loob ng restaurant niya. Mukhang masyado kaming nanabik sa isa't isa at nalimutan na sa public places kami. Sh*t! Did i just broke my rule No PDA? Mukhang oo.

"Ehem." Tikhim ng isang tao sa amin kaya napatingin kaming parehas ni Khael sa kanya.

Mabilis akong bumitaw at lumayo kay Khael ng makita ko si Kuya Lucas pati na rin ang iba pa nilang kaibigan. Kumpleto sila ngayon pero kasama na ni Ruffa este Rj si Ate Luciana na mapanuring tiningnan ako at si Khael. Si Kuya Lucas nakasalubong ang dalawang kilay habang ang iba naman ay tahimik lang kaming nginisian.

"Mukhang marami tayong dapat pag-usapan Lucia Andree Villareal pati na rin sa iyo Khael McKenzie or should i say Kaley." Matindig na turan ni Kuya Lucas sa aming dalawa.

Iyong aura sa loob ng restaurant ay naging eerie. Mukhang pansin ng mga tao ang namumuong tensyon sa amin.

"Why don't we take a sit first? Darling nangangalay na ako." Pagpapa-cute ni Ate Luciana kay Ruf-este Rudy.

"Right, mamaya na yan Mars. Maupo muna tayo. Doon na lang tayo sa sulok para makapag-usap kayo ng maayos." Hapit nito kay Kuya saka lumakad patungo sa mahabang mesa. Sabay na sinundan namin sila ni Khael. Naupo sila doon sa bahaging pwesto kung saan tago.

Shocks!

Mukhang mahaba-habang palinawagan ito ah!

"I'm here." Bulong ni Khael na nagbigay kiliti sa buong sistema ko.

Umupo kami sa may gitna habang si Kuya naman ay tinitigan ako na parang may nagawa akong krimen.
Kumaway si Kaley doon sa isa sa mga trabahador niya at tinanguan. Mukhang nagpahatid siya ng pagkain sa mesa namin.

"Let's st-" Magsasalita sana si Kuya ng sumabat si Nicole. Sakto kasing nilalapag pa lang nung crew ang pagkain ng agawin ito ni Nicole.

"Lafang muna tayo Mars! Tom jones na akembang. Kaya nga tayez gumora ditey dba?" Reklamo nito at nagpatiuna na sa pagkain.

Napatingin kami sa kanya lahat habang siya sarap na sarap lang sa pagkain.

"Ang yummy!!" Natutuwang tugon pa nito.

Napatanga na lang kami sa kanya. Mukhang gutom na talaga.

🌈🌈🌈

FOLLOW

VOTE

COMMENT

GOD BLESS

HE WAS A GAY (Book 3) UNDER-EDITINGNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ