Bakla #32: Darna + Wave

3.5K 141 19
                                    

Dedicated to yabxxx

🌈🌈🌈

Kaley/ Khael

I was really astonished when Lucia took my hand and pulled me away from our friends. Hindi ko inaasahan na magpapadala siya dahil iba ang ugaling pinapakita niya ngayon. Para siyang si Rhea na asawa ni Lucas hindi ang malditang si Lucia.

Huminto siya sa tapat ng kotse ko tapos tinitigan ako.

Oh Ghash!

I really felt the butterflies in my stomach.

She looks so wonderful even though she look so simple with that rip jeans.

She really is a beaut!

"Tatayo ka lang ba diyan at tititigan ako?" Rinig kong tanong niya saka ako inismiran.

I smile at myself. Bumalik na rin siya sa dati, sa pagiging mataray niya.

"Sorry Love, Can't help to look at you. You look so attractive in my eye." I jokingly said but she just roll her eyes trying to look away.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang namumula niyang pisgi kaya mas lalo pa akong natuwa. Sarap pala sa feeling kapag iyong gusto mo eh nagba-blush ng dahil sa iyo.

"Wait, saan ba tayo pupunta?" Usisa ko sa kanya saka binuksan ang passenger side ng kotse.

Gusto ko kasing umuwi na lang muna kami sa Condo ko para doon na lang mag-bonding. Mahirap kasing mag-lakwatsa ngayon dahil summer na. Sobrang init! Pinag-iisipan ko pang yayain sila para sa outing.

Ay wait!

Tama!

Beach!

"Sa mansion tayo pupunta." Saad lang nito saka pumasok na sa loob ng kotse.

'Mansion'

'Mansion'

'Mansion'

Shookt! Sa bahay nila. Don't tell me ipapakilala niya na agad ako? Wiz pa
aketchi ready!!!Inang kabaklaan tulungan niyo po akembang na harapin ang magulang ni Love. 'Wag naman po sanang masira ang beauty ko.

Dali-daling umikot ako patungo sa driver seat at agad siyang hinarap.

"Teka! A-anong g-gagawin natin doon?" Kinakabahang tanong ko sa kanya. Close ko naman sila Tita pero kasi ang magpakilala bilang isang maton na lalaki ay wiz ko pa keri. Tiyak akong magugulat ang mga iyon na isa sa mga beking kaibigan ng anak nilang si Lucas ay nanliligaw sa anak nilang ubod ng maldita. Ano na lang ang masasabi nila sa akin?

"Ipapakilala na kita." Nakaarko ang mga kilay nito na tila naiinip na. Hindi ko iyon pinansin dahil sobrang out of focus ako sa sinabi niya.

"P-parang ang b-bilis naman ata. K-kakaamin mo p-pa lang tapos h-hindi mo p-pa nga ako sinasagot eh ipapakilala mo na agad a-ako." Gulong-gulong paliwanag ko. Nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon niya at alam kong hindi maganda iyon.

HE WAS A GAY (Book 3) UNDER-EDITINGWhere stories live. Discover now