Bakla #1: The Lunch

8.9K 203 6
                                    

Year 2017

Lucia

NAPAARKO ang kilay ko ng mamataan ang mga baklang kababa lang sa mga sarili nitong sasakyan. Wala si Ruffa at alam kong kasama nito ang Ate niyang si Luciana na ubod ng pasaway. Hindi ko nga alam kung anong nagustuhan ni ate duon sa baklang iyon na kahit nagawa siyang itaboy, mahal na mahal niya pa rin. Napakarami namang lalaki diyan.

Kung hindi niyo pa ako nakikilala, I'm Lucia Andree M. Villareal, 25 years old. Ako ang pangatlong anak sa pamilya namin. I'm the exact opposite of my older sister. Kung gaano niya kagusto ang bakla ay yun naman ang ikinaayoko. Though, Kuya Lucas was gay before. Kay Kuya Lucas ako mas-close sa mga kapatid ko. Si Luciana kasi masyadong pa-girly. Si Luca maman missing in action. Minsan lang siya magpakita tuwing weekends. Last 2 years ago, halos wala kaming balita sa kanya kahit ang magulang ko.

Kuya knew that I'm a lesbian.

Nahuli niya kasi ako minsan habang katawagan ko ang girlfriend ko that time. Yupp..I have a girlfriend before but right now, I'm single. She broke up with me b'cause of a man.

I don't know why or how it started. I just noticed myself being attracted to girls and like things that's for boys. Then it really bumped me like a bomb when my heart started to beat for a girl not for boys.

But gaya ng kuya ko, hindi ako mahilig magcross-dress. Si Kuya baka pwede pa kasi alam nila Mama at papa kaso ayaw niya. Ako? hindi. Kahit gusto ko man magcross-dress ay hindi ko pwedeng gawin dahil baka ipakasal ako ni Papa sa mga business colleague niya para gawin akong babae lalo na kapag nalaman niyang prinsipe ako at hindi prinsesa. Kaya wala akong choice kundi magsuot ng babae pero hindi tulad ng revealing, mga jeans lang at malalaking t-shirt kaya palagi akong sinasabon ni Luciana. I never wore revealing clothes, last lang noong birthday nung kaibigang bakla ni Kuya na si Ruffa. Kailangan ko kasing magsuot noon dahil alam kong pinagdududahan ni ate Luciana ang katauhan ko.

I have my own work, Isa ako sa mga editors ng Philippine magazine agency. Baguhan pa lang kasi ako at hindi pa ako nakakaabot ng limang years dito. Ako 'yong madalas nilang isabak pagdating sa pakikipag-panayam sa mga artist or famous person dahil bukod sa isa akong Villareal ay palagi kong natatapos lahat nang mabilis ang trabaho ko.

Let's go back to reality.

"Marss!!" tili ni Kaley ng makita si Kuya Lucas na bitbit ang pangalawa nitong anak na babae. Kasunod nito sila Nicole at Rave na yumakap din kay kuya na may kasamang beso pa.

Yucckkk!!

Gays!!

tch.

Hindi kami tumayo ni Luca na siyang kasama ko ngayon. Kung bakit kami nandito? Sisihin niyo si Kuya Lucas na pinilit kaming alagaan ang anak niya tutal pamangkin naman daw namin si Leira. Busy kasi si Ate Rhea kay Loki na panganay nilang anak.

Poker face ko silang tiningan habang nagbabatian at nang matapos ay naupo na sila. Mukhang doon pa lang nila kami napansin ni Luca. Si Rave naman kinausap agad ang waiter para umorder.

"Jakit sila naritey? Akala ni akembang tayez lang" sabi ni Kaley ng nakapamewang kay Kuya habang nakatingin sa amin ni Luca kaya inismiran ko siya.

As if namang gusto ko, Ito talagang baklang ito ang naghahanap ng away palagi. Mas matanda siya sa akin ng isang taon 'cause he's already 26 years old pero kung umarte siya parang bata. Halos magkaugali sila ng Ate Luciana ko pagdating sa kakulitan.

Tiningnan ko si Luca, parang wala lang siyang naririnig at nagtitipa lang ng cellphone niya.

Napailing na lang ako. Minsan nagtataka ako dito sa bunso namin, napakaingay pagdating sa bahay pero k'pag kasama naman namin ang mga kaibigan ni Kuya sobrang tahimik akala mo mute dahil hindi nagsasalita.

"Gaga to!, sinama ko para magbantay kay Leira habang nagke-kwentuhan tayo. Baka ma-jombag akembang ng asawa ko kapag may nangyari sa junakis namin at 'di na ako paulitin sa susunod." Pabaklang sabi ni Kuya Lucas dahilan para mapangiwi kaming lahat kasama sila Rave.

Walang hiya talaga 'to si kuya, walang preno ang bibig.

"Ewwness ka naman Mars!! Kadiri!! like eww!! too much information. Eh bakit naman kasi sinama mo pa ung isa pwede namang si Luca lang." Ganti nito matapos makabawi at matalas akong tiningnan. Hindi ko na lamang siya pinagtuunan ng pansin at uminom ng Iced tea na inorder ko kanina habang iniintay namin sila.

Alam ko namang ako ang tinutukoy niya eh. Mukhang hindi talaga kami magkakasundo kahit anong gawin namin.

"Ewan ko sa iyo, Kumareng Kaley. Nagsisimula ka na naman sa Kapatid ni Mareng Lucy, baka mamaya kayo magkatuluyan niyan." sabat ni Nicole.

Napaubo naman ako dahil sa sinabi nito kaya hinimas ni Kuya ang likod ko.

Sh*t!

"YUCKK!! namam tih..Di kami talo noh! nakakasuka! Atsaka lamang ako sa kanya, wala siyang boobs." Nandidiring wika ni Kaley gamit ang ipit nitong boses sabay arteng nasusuka kaya tinitigan ko siya ng masama pero hindi siya nagpatinang. Dinilaan pa ako.

Talagang hindi kami talo noh! parang bata! Puputi muna ang uwak bago mangyari iyon. Atsaka, babae ang hanap ko hindi binabae lalong-lalo na hindi lalaki.

"Ano ba 'yan, tigilan niyo na nga asaran niyo at kakain na tayez, tom jones na aketchi. Buti na lang may steak ditey. kalurkeyyy!!" Excited na sabi ni Rave habang nakatingin sa pagkain na nilalapag nung waiter. Hindi rin naman nagtagal ay umalis na ito, kaya nagsimula na silang magkwentuhan. Buti na lang sa dulo kami banda nakaupo dahil ang i-ingay nila, nakakahiya!!

Kinuha ko si Leira mula sa pagkakandong kay Kuya at nilapat sa akin. Sinubuan ko siya ng pakunti-konti, yung malalambot dahil bawal pa siya gaano ng hard meal. Hindi kasi halos mapakain ni Kuya dahil busy sa pakikipag-daldalan.

Leira is one year old already at mukhang-mukha siya ni Ate Rhea kaya nangigigil ako. I really want to pinch Leira's nose but i restrained myself, baka umiyak eh!

Tumigil ako sa pagsusubo kay Leira ng maramdaman kong may nakatingin sa akin. Kaya inangat ko ang ulo ko at natagpuan ko si tukmol este baklang Kaley na matamang nakatingin sa akin at kay Leira.

'ano problema nito?'

Sakto namang nakita niya akong nakatingin sa kaniya.

"Tinitingin mo?" usal ko sa kaniya at tinarayan siya.

"Wala! FLAT!" payak niyang wika.

Babatuhin ko na sana siya ng table napkin kung hindi ko lang napagtantong kandong-kandong ko si Leira kaya napangisi siya sa akin. Alam niya kasing hindi ko siya magantihan.

Argh..that gay..makakaganti rin ako...I swear

💙💙💙

Follow me

vote

comment

God bless us all abundantly

HE WAS A GAY (Book 3) UNDER-EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon