Three words, Eight letters, Say it and I'm Yours [1]

Start from the beginning
                                    

*The next day.*

"Hi Chanel. Sila yung mga kagroup ko. Sina BIANCA, JAKE, RIA, LUKE, IVY, CHOLO, YAEL and si KEAN." Sabi ni Cass habang tinuturo niya bawat isa sa binanggit niya.

"Hello. Nice meeting you. I'm Chanel. Feel free to use my space. I'm sharing it with you and walang ilangan ha? Let's be friends." I said while smiling to them.

"Thanks a lot talaga Chanel, don't worry iingatan naman namin 'tong bahay mo e. Kami na bahala sa food. We won't be a burden." Sabi ni Bianca sa akin.

"Sure. Ano bang project niyo?" I asked.

"Play yun eh. Mahabang mahabang plaaay! And romantic play din." Sagot ni Ivy sa akin.

"Really? I love plays! Anong story? At sino sa inyo yung magpo-portray ng mga bida?" Tanong ko.

"Well, may lovers na noong una ay mortal enemies sila. Ang lead role gagampanan nina Vianca at Kean." Ria said to me as she pointed out the two lead characters.

"Huh? Sino? Gian?" Pag-uulit ko, mali ata ako ng pagkakarinig.

"Chanel, K-E-A-N hindi G-I-A-N okay?" Pagtatama sa akin ni Cass.

"Oh sorry, paranoid much. Cass ikwento mo na lang saknila kung sino si Gian. Magpre-prepare lang ako ng food." Sabi ko at naglakad na papuntang kusina.

Ano ba yun? Pati yung Kean (Ki-yan) napagkamalan ko ng Gian (Gi-yan). Haay. Si Gian kasi, siya yung ex ko. Kakabreak lang namin two weeks ago. Yeah, Sad. But i need to accept the truth.

JOKE!

AS IF NAMAN!

Si Gian Kirby Mercado, he's my boyfriend. Yeaah! Maganda kasi ako kaya may boyfriend ako at magfo-four years na kami. I was just imagining things... It's my hobby, to daydream.

Well, sa kadadaydream ko nga eh may natapakan ako at medyo natapilok ako kaya yung hawak kong juice ay natapon kay...

"AMP! Ano ba naman to?! Magi-ngat ka nga kasi. BULAG KA BA?!" Galit na sabi sa akin nung Kean.

"Huh?! Sorry ha. Hindi ko naman sinasadya."

"Ayaw naman kasing tumingin sa dinadaanan." Inis niyang sabi sa akin.

"Ano bang problema mo? Nag-sorry na nga ako diba? Isn't that enough?!" Nakakainis 'tong Kean na 'to, ha!

"Bakit? Matutuyo ba ko ng sorry mo?!" Aba't sumasabat pa talaga siya?

"Oh anung nagyayari dito?" Biglang tanong ni Cass sa amin bago kami iwan nung Kean na 'yon dito.

"Sorry natapunan ko siya ng juice, lumilipad na naman kasi ang utak ko kanina." Paghingi ko ng paumanhin kay Cass.

"Ano ka ba? Bakit ka nagso-sorry? Naku, pagpasensyahan mo na yang si Kean ah? Talagang masungit at suplado yun eh." Sagot ni Bianca sa akin.

"Oo tama si Bianca, hindi siya umiimik. Laging magisa at nakikinig sa ipod niya." Dagdag pa ni Ria.

"Pero kahit ganun heartthrob siya sa college natin. Or sa block namin? Or sa course namin? Basta he's popular among girls." Sabi pa ni Ivy.

"Girls from other blocks and college, pumupunta pa sa room namin para sumilip sa kanya." Nagulat pa ako sa komento ni Ria.

"Heartthrob?! Yung itsurang yun? Heartthrob? Hmm... pwede na din. But still, hula ko natu-turn off yung mga girls pag nalalaman ang attitude niya?" Tanong ko.

"Wrong best friend, lalo silang naiinlove! Kasi iniisip nila na ang cool niya, kaya nagiging mas cute." Sabi ni Cass sa akin.

"Oh? Wow. So... kasali ba kayo dun sa girls na nakapila sa masungit na yun?"

[PUBLISHED BOOK] Three words, Eight letters, Say it and I'm YoursWhere stories live. Discover now