"CHAEYEON ARE YOU OK? YENA CALL AN AMBULANCE BILIS!"
sigaw ni Minjoo kay Yena at agad na syang nag dial

"CHAEYEON UNNIE ANONG NANGYARI!"
sigaw ni Yujin habang inuuga ang katawan ni Chaeyeon na ngayon ay walang malay

"Malapit na daw yung ambulance... ilabas na natin si Master dali!"
sigaw naman ni Yena at bago pa namin sya mabuhat ay dumating na ang guard ng academy para buhatin sya

*pagkalabas namin ng Gym ay nasa may gate na ang ambulance at agad na sinakay si Chae sa loob nito*

"Chaeye..."
pasakay na sana kami ng pigilan kami ng guard

"Teka bawal kayong sumama..."
sabi ni Kuya Guard

"Kaibigan nya po kami...."
paliwanag naman ni Chaewon

"Mahigpit na ipinagbawal ni Miss Lee na incase na mangyari ito ay wag ko kayong hayaang sumama... lalo na yung Saku.."
hindi na nya natapos ang sasabihin nya ng agad kaming sumagot lahat

"Sakura!"
sabay-sabay namin sabi

"Oo yun nga... pasensya na Miss Kim pero ayaw nya lang siguro na mag-alala kayo.. makakauwi na kayo kami na ang bahala sakanya.. agad namin itong sasabihin kay Mr. and Mrs. Lee"
sabi ni Kuya Guard at tuluyan ng umalis ang ambulance

*naiwan kaming nakatayo dito sa tapat ng gate at hindi makapaniwala sa nangyari*

"Ba..bakit alam ni Master na mangyayari to? hindi ko maintindihan!"
sigaw ni Yujin at nagsimula na syang umiyak

*nagsimula narin kaming umiyak at niyakap sya*

"Shhh... i'm sure na may maganda syang reason.. mukhang tama si kuya guard na ayaw nya tayong mag alala... tahan na ha.. kaya to ni Chaeyeon tiwala lang.."
mangiyak-ngiyak na paliwanag ko sakanila

'ano ba ang nangyayari ha Chaeyeon?'

___________________________
===========================

SAKURA'S POV

"Unnie! kamusta na ang pakiramdam mo? sorry kung hindi ka namin nasamahan dito kahapon kasi kailangan mag practice ih..."
panimula ni Hiichan

'nilalagnat nga pala ako kahapon huhu! ewan siguro dahil sa pagod kasi halos 1 week na puspusan ang practice kasi ngayon na ang performance namin...'

"Nako ok lang yun no! tsaka sure naman na magaling na ako ngayon no! kaya ko na kayang mag perform!"
nakangiti kong sabi

"Mabuti naman at ok kana unnie... di katulad ni Chaeyeon na.."
hindi na nya natapos ang sasabihin nya ng paluin sya ni Hiichan

"Teka anong nangyari kay Jjaeyeon?"
nag-aalala kong tanong

'halos isang linggo narin kaming hindi nag-uusap ih tapos sobrang dalang pa namin magkita.. feeling ko nga hindi parin kami bati eh...'

"Ah wala unnie sige bangon kana malelate na tayo! hayaan mo na yan si Nako!"
natatarantang sabi ni Hiichan at agad na tinaggal ang aking kumot at sinamaan ng tingin si Nako

"Malala ba ito oh....Sabihin nyo nalang kasi kung ano ang nangyari kay Jjaeyeon!"
sigaw ko naman

'sana hindi! sana hindi! di ko kaya!'

*nagtinginan muna sila bago magsalita si Nako*

"Ayon kasi sa pagkakaalam namin...ka..kahapon mga 5pm ay may nag-puntang ambulance sa academy... ta..tapos na sinugod daw si Chaeyeon sa Hospital..."
paliwanag naman ni Nako

"Pero rumor lang naman yun eh! hindi pa naman sure yun..."
dagdag ni Hiichan

'oh no! not my jjaeyeon!'

"Tara na pumasok na tayo para malaman ang totoo!"
sigaw ko at nagdali-dali akong dumiretso sa banyo

'no please! sana ok lang ang jjaeyeon ko! Pero teka bakit ba kasi ako naga-alala eh galit naman ako dun! imposible naman na gusto ko na sya....ewan ba! pero sana naman walang nangyaring masama sakanya!'

*matapos akong maka-paghanda ay kinaladkad ko na agad sila Nako papalabas ng bahay at agad na kaming bumiyahe papunta sa Academy*

"Ok lang naman siguro si Chaeyeon no..."
nagaalinlangang sabi ni Nako habang nag da-drive

"Sa..sana nga..."
malungkot na sagot ni Hitomi

*makalipas ang ilang minutong biyahe ay nakarating na kami sa academy at agad na kaming nag tungo sa gymnasium*

"Oh Sakura! andito na pala kayo ih! osya guys kumpleto na tayo wag na kayong pa-alis alis ha!"
sigaw naman ni Yuri ng makapasok kami sa loob

*nginitian lang namin sya at nag-tungo na kami sa kinaroroonan nila Wonyoung*

"Eunbi unnie! I have something to tell you!"
sigaw ni Yujin at nagmamadaling tumakbo sa aming kinaroroonan

"Teka anong problema? may balita ka na ba kung saang hospital?"
tanong agad ni Eunbi ng makalapit si Yujin saamin

"Nope hindi yun! pero nag chat sya saakin kagabi..."
sabi nya

"Teka anong sabi?"
tanong naman ni Minjoo

"Sabi nya sakin i cover ko daw muna yung parts nya ngayon tutal alam ko naman daw yung steps.... at pinadala nya din tong outfit nya sa bahay ko kagabi! sabi nya kasya naman daw to sakin ih.."
paliwanag ni Yujin

"Bakit ngayon mo lang saamin sinabi!"
sigaw naman ni Chaewon

'so it means hindi sya makakapunta ngayon?'

"Gusto ko kasing sa personal sabihin eh! tsaka pinapasabi nga pala ni Master kay Yena na patuloy mo padin daw ihatid si Sakura... lagot ka daw pag hindi mo nagawa"
paliwanag ulit nya at sabay sabay silang napatingin saakin

"Lagi ko namang hinahatid si Sakura eh! sya talaga lagot sakin pag nakita ko sya!"
sigaw nya

"Teka Unnie wala bang sinabi sayo si Chaeyeon unnie tungkol dito?"
tanong saakin ni Wonyo

'ehhh? hindi nga kami nag uusap diba!'

"Wala naman... hindi parin kami nag uusap simula nung araw na nag-away kami..."
paliwanag ko

"Wait! natatandaan ko pa nun na hiningi ni Chaeyeon saakin yung number ni Sakura.... so imposible naman na hindi ka nya sabihan kasi jowa mo sya diba..."
sabi naman ni Chaewon habang nakayakap kay Hiichan

"Oo nga naman...."
pag sang-ayon ni Nako

"Teka! jowa mo si Chaeyeon ha Kkuchan?"
biglang tanong naman ni Kangchan

"Aishhh.. puro pag-kain kasi ang iniisip eh!"
sigaw naman sakanya ni Minjoo

"Meron man oh wala.... sana ok lang si Chaeyeon ngayon..."
malungkot na sabi ni Hiichan

*napatango nalang kaming lahat sa sinabi ni Hiichan at ang lahat ay nakaramdam ng lungkot at paga-aalala*

"Ok guys cheer up! kaya natin to! magagalit si Chae pag hindi natin na perfect ang performances natin! kaya naman mas galingan natin dahil alam kong may mabuti syang rason kung bakit hindi nya ito sinabi saatin ok?"
nakangiting sabi ni Eunbi

"Aaawaiting waiting aaawaiting waiting waiting!"
sigaw naming lahat

'wherever you are jjaeyeon, i hope you're doing fine... di ka manlang nakipag-ayos sakin... lagot ka talaga pag nakita kitang bakulaw ka!ㅠㅠㅠ'

.
.
.
.

The Way I Love YouWhere stories live. Discover now