"It's is an order from your boss. You must obey it." Ma-autoridad na sabi ni Zach. Namula nalang ang pisngi ni Nathan at napayuko.

"S-Sige po." Sabi nya at dali-daling pumunta ng banyo para mag-bihis. Napatingin sya sa repleksyon nya sa salamin at napabuntong-hininga.

Lumabas sya ng bathroom at kita nya si Zach na kasalukuyang nakahiga. He's like a demigod peacefully sleeping the bed. Ramdam nya ang mabilis na tibok ng puso nya.

Dahan-dahan syang umakyat sa kama para huminga. Lumikod sya kay Zach para hindi nya makita ito. Nakita naman nya ang pagpatay ng lampshade sa gilid.

"G-Goodnight p-po Z-Zach." Nauutal na sabi nya. Hindi na sya nakatanggap ng sagot kaya pumikit nalang sya.

He was about to close his eyes nang bigla nalang syang ipinaharap ni Zach. Nanlaki ang mga mata nya nang makita nya sa harap nya si Zach. Kahit madilim ay kita nya ang kulay asul nitong mga mata na nakatitig sa kanya.

"Z-Zach---" Naputol ang sinasabi nya nang maramdaman nya na hinila ni Zach ang ulo nya at naramdaman nya ang pagdikit ng malambot na bagay sa labi nya. Nanlaki ang mga mata nya sa gulat.

Hindi sya agad nakagalaw. Ilang minuto lang ay kumalas na si Zach sa pagkakahalik nila. Hindi pa din nag-didigest sa utak nya ang mga nangyayari.

"Sleep." Ma-autoridad na bulong nito. Nagulat pa sya nang bigla syang yakapin ni Zach at ipinatong ang ulo nya sa dibdib nito. Rinig ni Nathan ang mabilis na pagtibok ng puso ni Zach.

"Goodnight, Nathan."

-END-

"NATHAN!" Napakislot si Nathan sa pagsigaw ng kanyang boss. Agad syang nataranta at inilagay ang paperworks sa kanyang desk bago lumapit kay Zach na mukhang umaapoy ang mukh sa galit.

"S-Sir?" Tanong nito. "Where are the layouts ng reports ng Advertising Department?! Hand them to me, now!" Ma-autoridad na sabi ni Zach.

Agad namang tumango si Nathan at tarantang hinanap ang mga papel na iyon. Nahulog pa ang iilan sa mga ballpens sya sa sobrang taranta.

Para syang leon na kakainin ka ng buhay. Bulong nya sa isip nya. Agad nyang nahanap ito at ibinigay kay Zach.

"Silly." Ang nasabi nalang ni Zach bago kunin ang mga papel. Napabuntong-hininga nalang si Nathan.

Sungit.

"Brew a coffee for me." Mahinang sabi ni Zach habang pumipirma sa isang portfolio. Agad namang tumango si Nathan at akmang bababa nang tawagin sya muli ni Zach.

"Po?" Tanong nya.

"Pakibigay ito sa Advertising Department. Tell them that I signed their contract." Sabi nito. Agad na tumango si Nathan bago lumabas sa opisina. Saktong nakasalubong nya si Clark.

"Nathan?" Tanong nito. Napalingon si Nathan sa kanya. "Clark? Bakit ka nandito?" Tanong nya.

"Ahh may ipinabigay lang sa'kin para kay Chairman. Nautusan lang ako na pumunta dito sa taas para ayusin ang mga tumambak na papeles. Ikaw bakit ka nandito?" Tanong ni Clark.

GENTLEMAN 1: Zach MontiverdeWhere stories live. Discover now