"Hindi ako interesado," at tuluyan na silang umalis ni Andrei. Halos mag salubong na ang kilay ko dahil sa inakto niya.

Grr. Ang sama niya! Ni hindi manlang nagpasalamat kagabi.

Gigil na gigil ako habang naghihintay ng jeep. Sana huwag mag mana sa kaniya si Andrei.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa paaralan. Kailangan, e. Marami pa akong paper works na dapat tapusin. Pagpasok ko sa loob ay nakita kong may bagong guard na. Nakatalikod ito pero parang kilala ko siya.

"Sir Leo?"

Napalingon siya sa 'kin habang medyo nanlalaki pa ang mata. Nilapitan ko siya.

"Ah, eh, g-good morning, Ma'am," labas sa ilong na pagbati niya sa 'kin.

"Akala ko ba, hindi ka interesado?" medyo nang-aasar kong sabi. Napansin kong medyo namula ang pisngi niya.

"P-puwede ba. Hindi naman ako nag-apply para sa 'yo. Para sa anak ko 'to. Tsaka, kahit naman hindi mo sabihin sa 'kin na kailangan niyo ng bagong guard ay-"

"Sige na. Hindi ka naman defensive, ano?" natatawa kong sabi.

Lalo siyang namula at umiwas ng tingin na mas lalo kong ikinatawa.

"Sige na, good morning din, Sir Leo. Mauna na ako," natatawa akong sabi bago umalis.

Tipikal na araw nanaman. Pero nakita kong tinawag ni Sir Leo si Andrei no'ng recess na. May dala yata siyang biscuit. Medyo natuwa naman ako.

Natapos ang klase at umuwi na ang mga bata. Ako naman, nag-stay muna sa classroom dahil hindi ko pa rin natatapos 'yong lesson plan ko hanggang ngayon.

Hindi ko namalayan ang oras. Paglingon ko sa relo ko ay ala-sais na. Kaya pala medyo madilim na sa labas.

Dali-dali kong inayos ang gamit ko at lumabas na. Mahirap makahanap ng masasakyan kapag ganitong oras na. Naku naman.

Nadaanan ko pa si Sir Leo na nasa may gate pa rin, kasama niya si Andrei at mukhang pauwi na rin sila. Nag-paalam muna ako bago tuluyang lumabas at nag abang ng jeep.

Sht. Bakit walang nadaan na jeep, o kahit tricycle man lang?

Nadaanan pa ako nila Sir Leo. Buti pa sila, makakauwi na. Kaya minsan, parang gusto ko nang bumili ng kotse, o kahit bike man lang.

Hindi ka marunong mag bike, okay?

Napabuntong-hininga ako bago sinipat ang relo ko. Kalahating oras na rin pala akong naghihintay. Walang mangyayari kung tutunganga lang ako rito kung kaya't napag desisyonan kong maglakad nalang.

Hindi pa ako nakakalayo nang huminto sa harapan ko ang motor ni Sir Leo.

Akala ko ba uuwi na sila?

"Hindi ako nandito para sa 'yo. May naiwan kasi ako sa school, binalikan ko lang. Pero bahala ka kung ayaw mong sumabay sa 'kin. Hintayin mong maputol 'yang paa mo sa paglalakad," mahabang litanya niya sabay iwas ng tingin.

"Huh? Wala naman akong sinasabi, ha?" medyo natatawa kong sabi. Kaninang umaga pa siya ganiyan.

"Ewan ko sa 'yo! Edi huwag kang sumabay, pake-alam ko ba?" inis niyang sabi at sumakay na sa motor niya.

"Uy, wala naman akong sinasabi. Siyempre gusto kong makisabay," natatawa kong sabi. Ini-start niya na 'yong motor.

"Ano pang tinutunganga mo diyan? Sakay na!" iritable niyang sabi kaya naman dali-dali akong sumakay sa likod niya. Inabutan niya naman ako ng helmet.

"H-hindi para sa 'yo iyang helmet, huwag kang mag assume. Nagkataon lang na nadala ko 'yan dahil na rin sa pagmamadali kong balikan 'yong naiwan ko-"

"Okay na. Hindi mo naman kailangang magpaliwanag, wala naman akong sinasabi," natatawa ko pa ring sabi.

Sa totoo lang, ayaw ko na talagang sumakay ulit sa motor niya. Masiyado siyang mabilis magpatakbo. Mukhang malaki yata ang galit sa 'kin, e.

"Huwag mo nga 'kong tawanan!" inis niyang sabi at pinaandar na ang motor.

Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa apartment ko. Bumaba ako ng motor niya at tinanggal ang helmet ko bago ko ito inabot sa kaniya.

"Thank you, Sir Leo. Ingat sa byahe," paalam ko at tumalikod na.

Hindi pa ako nakakalapit sa gate nang tawagin niya ako. Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.

"A-ano, uh. S-salamat doon sa pagtulong mo sa 'kin no'ng nalasing ako sa may 711. Hindi ko naman talaga kailangan ng tulong mo, kaya ko naman talaga-"

"Wala 'yon. Ayos na 'yong simpleng thank you, hindi mo na kailangan mag explain."

"S-salamat din sa pagsabi mo sa 'kin na kailangan niyo ng guard sa school. Pero kahit naman hindi mo sabihin, mag a-apply pa rin ako kasi alam ko naman na-"

"Walang anuman. Again, hindi mo na kailangan mag explain," natatawa kong sabi. Nag-iwas siya ng tingin at ini-start na ang motor niya.

"Uh, mauna na 'ko," sabi niya at umalis na. Napailing naman ako habang nakangiti.

Teka nga, bakit ba ko nakangiti?

The Incapable ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon