Chapter 2: Confrontation

1.4M 39.4K 22.6K
                                    

Napahawak ako sa labi ko. Isang bwan na simula nang gabing yon. Ang gabing halikan ako ni Dwayne, matagal na din pero hindi pa din iyon nawawala sa isip ko. Kung totoo lang sana ang lahat, ang saya ko sana ngayon pero hindi eh. Isa lang iyong kasinungalingan.


Jerks will be jerks. Players will always play and the victims will just cry. Unfortunately, I'm the damn victim.


Simula nang gabing halikan niya ako, niligawan na din ako ni Dwayne. Tatlong linggo niya nga niya akong niligawan, eh. Hindi siya nanliligaw ng babae dahil madalas siya ang nililigawan kaya akala ko talaga, seryoso siya sakin pero it turns out na isa lang din pala ako sa mga babaeng pinaglaruan niya. Ganon pala talaga ang mga katulad nila, magaling magpanggap at maglaro. Pwede na nga siyang best actor eh pero masakit ang ginawa niya sakin lalo na ngayon na mahal na mahal ko na siya.

Masisi niya ba ako na minahal ko siya ng ganito?


Dalawang taon akong nagkagusto sakanya. Die hard fan niya nga ako, eh. Sobrang crush ko siya na minsan nagiging stalker na ako. Matagal na din naman kaming magkakilala dahil magkagrupo sa dance group ng University at best friend ko ang kapatid niyang si Jenelle. Napalapit na din ako sa pamilya nila lalo na sa tatay at nanay nila, kay Tito Jeydon at Tita Candice. Kaso dahil sa dami ng babae na nakakasama niya ay hindi niya ako gaanong napapansin noon. Ang alam lang niya, best friend ako ng kapatid niyang si Jenelle. Ganon pa man, sa tagal ng panahon na yon, nahulog ako sakanya.. ng sobra.


"Dwayne!!" Sigaw ng mga babae. Aray ko ha. Ang sakit sa tainga ng sigawan nila. Puro tili at sigaw ang maririnig mo sa labas ng classroom. "Dwayne ang pogi mo talaga!" Nag suot agad ako ng earphones para hindi ko marinig ang nakakairita nilang boses.


Daig pa ni Dwayne ang isang artista sa kasikatan niya dito sa school. Gwapo kasi siya at magaling na dancer. Naisip ko tuloy, aalis na ba ako sa grupo namin pagkatapos ng lahat ng nangyari samin kahapon ni Dwayne? Bahala na. Destiny na ang magsasabi kung saan ba ako nararapat.


Pag apak ni Dwayne sa room agad na nagtama ang mata namin. Wala man lang kong nakitang emosyon nang tignan niya ako. Talagang wala akong halaga sakanya at isa lang talagang laro ang naging relasyon namin. Teka, talaga bang naging kami? Siguro para kay Dwayne, wala lang iyon.


Napatingin ako sa bintana ng room at napabuntong hininga. Pagkatapos niya akong lokohin at itanggi sa buong school kahapon ay mahal ko pa din siya.


Ang pag-ibig talaga, nakakatanga.


May mga sigawan na naman. Sumakit na naman tuloy ang tainga ko. Daig pa ng mga babaeng nagtitilian sa labas ang tunog sa earphones ko. Leche sila. Andito na si Dwayne, nag iingay pa din sila sa labas. Anong pinaglalaban nila?


"Kean!!" Sigaw nila.


Tinanggal ko ang earphones ko at nakinig mabuti sa isinisigaw ng mga babae sa labas.


"Kean!" Sigaw ulit nila. So, hindi pala si Dwayne ang pinagpapantasyahan nila this time. Sino naman kaya si Kean? "We love you Kean!" Sabay sabay pa nilang sigaw. Panis ang tilian kanina kay Dwayne kumapara sa tilian nila ngayon duon sa Kean. Artista kaya siya?


Nagulat ako nang dito din sa room pumasok ang lalaking pinagkakaguluhan nila. Mas lalo akong nagulat nang mapagtanto ko na ang lalaki na pinagkakaguluhan nila at tinatawag nilang Kean ay ang misteryosong lalaki na hinalikan ko kahapon. Oh my Gosh. I am dead?


Pumasok siya sa loob at umupo siya sa tabi ni Dwayne. Lahat kami natahimik. Parang may kung anong mabigat na aura pumalibot sa buong kwarto. Agad napatayo si Dwayne sa upuan niya at hinarap niya 'yong Kean. Ang sama ng tingin nila sa isa't isa. Magkakilala ba silang dalawa?

Destined (Published with TV Movie adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon