Chapter 30: Don't let me go

687K 22.8K 17.3K
                                    

Keila's point of view.

(Now Playing: Hug me - Taehyung and J-Hope)

Ang ganda niya at ang amo ng mukha niya. Hindi ako pwedeng magkamali na siya nga si Dana. Hindi na ako nagtataka kung bakit minahal siya ni Dwayne. Magkahawig nga kami pero mas maganda siya sa akin.

"I-ikaw ba si Dana?" Nauutal ko pang tanong. Hindi ko din alam kung bakit ako nagkakaganito pero sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

"Yeah, I'm Dana Mendoza and you're Keila right? The girl I hate the most."

Hindi ako makagalaw. Parang hindi ako makahinga ng maayos. Bakit siya galit na galit sa akin? Anong ginawa ko sakanya? Ngayon ko pa lang naman siya nakita at nakilala. Hindi pa naman niya alam na half sister niya ako kaya bakit siya magagalit sakin? "Paano mo ako nakilala at bakit galit na galit ka sakin?" Tanong ko.

Kinakabahan ako sa isasagot niya. Alam na ba niya na half sister niya ako? "I hate you because you're the girl he loves." Sambit niya habang nakatitig siya sa mata ko.

Sino ang tinutukoy niya? Si Dwayne? Mahal pa ba niya si Dwayne? Si Kean na naman ang mahal ko eh hindi na si Dwayne kaya bakit siya magagalit sakin? "May iba akong mahal. Hindi ko na mahal si Dwayne kaya sana wag kang magalit sakin."

Nagtaka ako ng bigla siyang tumawa. "Who said it's Dwayne?"

"Huh? Kung hindi si Dwayne, sino?" Nagtataka kong tanong.

"Si Kean, siya 'yong mahal ko."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nahihirapan akong huminga. Mas lalo kong hindi maigalaw ang katawan ko. Paanong naging si Kean ang mahal niya? Magkakilala ba silang dalawa? Wala naman nababanggit sakin si Kean tungkol sakanya. Nalilito na ako na parang gusto ko na lang umiyak.

"So hindi niya sinabi sayo ang lahat? Hindi man lang ba niya ako nabanggit sayo?"

Hindi. Kahit ano wala. Hindi ako makapaniwala na naglihim sakin si Kean. Mas lalo lang akong nasaktan.

"Dana!" Nakita ko si Trevor sa likod habang papalapit siya samin. Nagulat din siya ng makita niya kaming dalawa ni Dana. "Anong pinagusapan niyo?" Tanong niya habang hingal na hingal siya.

Tumingin siya kay Dana papunta sakin pero hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nanahimik na lang ako. Hinintay namin na magsalita si Dana.

"I just reminded her that she's the girl who stole Kean away from me. She's the reason why Kean can't love me and the reason for my all heart breaks." May nakita akong luha galing sa mga mata niya. Damang dama mo 'yong sakit na nararamdaman niya. Ganon niya ba kamahal si Kean? Kahit na alam kong galit siya sakin, hindi ko pa din maiwasan na maawa sakanya. Parang ang fragile niya masyado, na hindi mo siya gu-gustuhin na umiyak at masaktan. Gusto ko siyang yakapin at i-comfort pero galit siya sakin at masyado din akong nasasaktan ngayon dahil sa mga nalaman ko. "I don't want to hate her Trevor, I don't want to be mad and bad at her but I can't help it." Lumapit siya kay Trevor at niyakap naman siya ni Trevor.

"Dana, Keila is not the reason for your heart breaks. She didn't steal Kean from you, Kean just can't love you because he can't and Keila is not the reason behind it. Stop crying over him and just move-on, he loves Keila now." Sambit ni Trevor.

Nagkaroon ng ilang minutong katahimikan.

Hanggang ngayon naguguluhan pa din ako sa mga nangyayari. Sumasakit na nga ang ulo ko dahil wala akong maintindihan. Ang alam ko lang ngayon, galit sakin si Dana at si Kean ang dahilan non dahil mahal niya si Kean at naglihim sakin si Kean. All this time, tinago niya sakin ang tungkol kay Dana. Paano niya nagawa sakin 'yon?

Destined (Published with TV Movie adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon