Chapter 36: Langit at Lupa

670K 21.3K 11.4K
                                    

Kean's point of view.

(Now playing: If you by Bigbang)

Natanggap ko 'yong text ni Keila na mamaya pa siya makakapunta sa hospital dahil nag extend daw si Dwayne ng practice. Sinabi ko na lang sakanya na sa bahay na lang siya dumalaw bukas dahil gabi na at ayokong mapahamak siya. Buti na lang pumayag siya. Lalabas na din naman si Hailey bukas ng umaga, pagkakuha ko ng sweldo ko sa coffee shop nila Mr. Lim mababayaran ko na 'yong mga utang dito sa hospital.

"Hailey, aalis lang sandali si Kuya. Babalik din ako agad kaya magpahinga ka lang dyan para bukas maaga tayo makalabas dito." Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti ako. "Okay ba 'yon?"

Ngumiti siya sakin. Mas malakas na siya ngayon kumpara kanina at para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan dahil maayos na siya. Hindi ko siguro kakayanin kapag pati siya, mawala pa samin ni Tatay.

"Si Ate ganda, dadalawin ba niya ako, Kuya?" Tanong niya. "Gusto ko siya makita." Nagkatinginan kami ni Tatay at ako na ang nagpaliwanag sakanya kung bakit wala si Keila.

"May importanteng ginagawa kasi si Ate Keila kaya wala siya dito pero bukas dadalawin ka niya sa bahay natin." Ngumiti ako sakanya at parang nagkikislapan 'yong mga mata niya. "Uuwi na din tayo bukas Hailey, ayos ba 'yon?"

"Talaga Kuya? Promise ba 'yon?" Tanong niya.

"Oo naman," dahan dahan kong ginulo gulo ang buhok niya. "Promise yan ni Kuya Kean kaya magpahinga ka na ha?"

"Oo Kuya." Ngumit siya tska ako nagpaalam sakanila ni tatay.

Bumalik ako sa accounting para i double check ang dapat kong bayaran. Fourteen thousand pesos. Sakto lang sa sahod ko na seven thousand plus 'yong one month advance na hiniling ko sa manager namin. Hindi na lang muna ako kakain ngayon para makapagtipid ako ng pera.

Nagmadali akong pumunta sa coffee shop. Nadatnan ko agad 'yong manager namin. "Kean buti dumating ka na, kanina pa kita hinahanap eh." Mukhang hindi maipinta 'yong mukha niya. Bigla na lang akong kinabahan pakiramdam ko nagkaroon ng problema about sa sahod ko, sana wala.

"May problema po ba Sir James?" kabado kong tanong. "Tungkol po ba 'to sa sahod ko?"

"Oo Kean, hindi kasi na approve 'yong request natin. Sabi kasi ng general manager natin masyado pa daw maaga kung babale ka na, na kung tutuusin wala ka pang isang bwan dito."

Natigilan ako. Sa puntong yon, gustong gusto ko nang umiyak. Parang unti unting dinudurog 'yong puso ko. Paano na 'yong pangako ko kay Hailey?

Yumuko ako dahil ayokong makita ng manager namin 'yong nagbabadyang luha sa mga mata ko. "Ganon po ba? Ayos lang po Sir James. Naiintindihan ko naman 'yong dahilan. Pasensya na po sa abala." Nag bow ako at agad akong naglakad palabas ng shop.

Sinuot ko ang helmet ko at pinaandar ko agad 'yong motor ko. Hindi ko na napigilan 'yong sarili ko. Umiyak na ako.

Hindi naman ako nagagalit sa general manager namin, tama naman siya eh. Bago pa lang ako don kaya dapat hindi agad ako bumabale. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko agad naisip 'yon at hindi ako nakagawa ng ibang paraan para makakuha ng pera para kay Hailey. Bakit ba kasi ang tanga ko.

Pumunta ako sa MOA. Hindi ko kayang bumalik sa hospital na kulang ang pera ko. Nangako ako kay Hailey eh. Kailangan ko siyang malabas ng hospital bukas.

Tinawagan ko 'yong mga kabanda ko. Alam ko matutulungan nila ako sa problema ko. Nung nagkita kita kami, sinabi ko agad 'yong tungkol sa nangyari kay Hailey. Sakto nga dahil sabi nila may tugtog daw ngayon kaya pumunta agad kami sa Padis. Binigay ko 'yong best ko sa pagkanta baka kasi bigyan kami ng tip ng manager o kaya ng nga customer. Alam ko kasing kulang pa din 'yong ibabayad nila samin dito.

Destined (Published with TV Movie adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon