Chapter 32: Rivalry

655K 21.1K 6.1K
                                    


Keila's point of view

Alam kong galit sakin si Kean pero hindi ko pa din inalis sa isip ko na baka nasa labas lang siya ng bahay namin at hinihintay ako habang nakasandal siya sa motor niya. Baka nadala lang siya ng emosyon niya kagabi. Baka hindi naman talaga siya galit sakin. Pero lahat ng 'yon puro baka sakali lang kasi, wala siya.

Pakiramdam ko may kulang sa umaga ko. Nasanay na siguro ako na palaging sinusundo ni Kean. Nasanay na kasi ako na palagi siyang nandyan.

Napatitig na lang ako sa kalsada ng bigla na lang akong businahan ni Cloud. Binaba niya ang side mirror ng Montero niya at tinitigan niya ako. "Bakit wala si Kean?"

"Ah, may emergency kasi sakanila." Sagot ko. Hindi pa ako handa na sabihin sakanya ang lahat, maghahanap pa ako ng tamang oras para don. Isa pa ayokong magalit siya kay Kean. "Pwede ba akong sumabay?" Tanong ko.

"Sumakaya ka na."

Umupo ako sa likod ng kotse niya dahil baka kabahan ako kapag katabi ko siya. Ganito ako kapag may mga bagay akong hindi sinasabi sakanya, kinakabahan ako kapag malapit siya sakin at ang masama don, napapansin niya agad kapag kinakabahan ako. For all the years kilala na ako ni Cloud kaya hindi mahirap sakanya na basahin kung anong nasa isip ko.

"Napag isipan mo na ba ang tungkol kay Dana?" Tanong ni Cloud. "I think you should give it a chance."

Sa nangyari kahapon, dapat pa nga ba niya akong makilala bilang half sister niya? Papayagan pa ba niya ako na pumasok sa buhay niya? Galit siya sakin kaya malamang hindi siya papayag. "I don't know Cloud, maybe that's not a good idea."

"Keila--"

"Pwede bang ibaba mo ako sa may coffee shop na 'yon?" Sambit ko. Ayoko ng makipag talo sakanya. Natatakot ako na masabi ko ang lahat. "Cloud, please?" Wala na siyang ibang nagawa kung hindi mapabuntong hininga.

"Susunduin kita mamaya pagkatapos ng klase mo. Hintayin mo ako sa parking lot. Okay?"

"Okay. See you later." Sagot ko.

Sa totoo lang wala naman akong gagawin dito sa coffee shop nila Wynter, kailangan ko lang umiwas sa usapan namin ni Cloud. "Besty!" Sigaw ni Jenelle. Nakalimutan ko, nag pa-part time nga pala siya dito.

"Hindi ka ba papasok?" Tanong ko paglapit niya sakin.

"Mamaya pa 'yong pasok ko. Ikaw? Hindi ba may pasok ka? Nandito ka ba dahil kay Kean? Uy ha, ang sweet mo." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? "Upo ka muna. Anong gusto mo?"

"Cappuccino." Sagot ko.

Sinulat niya sa maliit niyang notebook 'yong order ko at binigay niya 'yon sa counter. Ang laki ng ngiti niya pagbalik niya sa table ko. May kakaiba kay Jenelle ngayon.

"Alam mo ba kagabi besty, lasing na lasing si Kuya Dwayne tapos may sugat pa siya sa may labi niya. Hindi ko alam kung anong nangyayari sakanya, mukhang problema siya masyado. Pero ang nakakagulat don, habang pinapatulog siya ni Mommy kagabi, binabanggit niya 'yong pangalan mo. May nangyari ba na hindi ko pa alam?"

Tinignan ko si Jenelle. Hindi ko pa nasasabi sakanya ang lahat dahil hindi pa kami nagkikita mula ng mangyari 'yon. "Uhm.. nung isang araw kausap ko si Dwayne sa phone at sabi niya sakin na mahal niya ako. Sinabi kong si Kean na 'yong mahal ko. Tapos.." Natigilan ako. Tingin ko hindi ko na dapat pang i kwento 'yong mga nangyari kagabi, panigurado magagalit lang siya kay Dwayne kapag nalaman niya ang ginawa sakin ni Dwayne at pati 'yong pag make out nila ni Krystal. Baka mag iba pa ang tingin niya sa Kuya niya. Oo galit ako kay Dwayne pero ayokong madamay si Jenelle sa gulo namin dahil alam ko na mahal na mahal niya ang Kuya Dwayne niya. "Hindi ko alam kung 'yon ang dahilan kung bakit siya nagkakaganon."

Destined (Published with TV Movie adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon