-

AGAD na hinila ni Zach si Nathan palabas ng kanyang opisina. Ramdam ni Nathan ang mumunting kuryenteng dumadaloy sa kanyang ugat patungo sa kanyang puso. Hindi nya mapaliwanag ang nararamdaman nya kahit kahapon lang nya nakilala ang kanyang boss.

Hindi pwede 'tong nararamdaman mo, Nathan. Kailangan mong patayin ito hangga't maaga pa, too much love will kill you. Bulong nya sa isip nya. Pilit nyang inaalos sa kokote nya na may kahulugan ang ginagawa ng kanyang boss.

Samantalang si Zach naman ay hindi maipinta ang saya dahil sa wakas, ang lalaking hinahanap nya ay makakasama na nya araw-araw. Hindi man nya makumpirma kung s'ya nga talaga ito pero bahala na, sa taong ito naman tumitibok ang kanyang puso.

Mabilis silang bumaba ng 40th floor patungo sa ground floor. Binati sila ng ibang mga staffs at workers sa loob pero hindi ito pinansin ni Zach. Punong-puno ng excitement ang puso nya. He's really inlove and obsessed to Nathan.

Napatingin pa ang iba kay Nathan na may halong pagtataka. Pero yumuku nalang si Nathan sa hiya. Nakalabas sila ng building at agad na nagpunta sa parking lot.

Agad na pinagbuksan ni Zach ng pinto si Nathan. Umaandar nanaman ang pagiging gentleman nya. Namula naman si Nathan. "Hindi mo na kailangang gawin 'to, sir. Kaya ko naman po." Sabi nya.

"I'm the boss. Gagawin ko ang gusto kong gawin. Gagawin mo ang inuutos ko." Malamig na sabi ni Zach pero sa puso nya ay nagtatatalon na ito sa tuwa.

Agad na sumakay sa front seat si Zach. Napatingin sya kay Nathan na kasalukuyang nakamasid lang sa labas.

Unti-unting lumapit ang katawan ni Zach kay Nathan. Agad na naalarma si Nathan nang lumapit pa ang mukha ni Zach sa kanya.

"S-Sir a-ano pong g-gagawin n-nyo?" Kinakabahan na tanong ni Nathan. Sobrang lapit ng mukha ni Zach na ilang pulgada nalang ay magdidikit na ang mga labi nila.

Natawa si Zach. "I'm just buckeling your seatbelt. Bakit? Do you expect na hahalikan kita?" Pilyong tanong ni Zach. He really like teasing Nathan.

Napahiya naman si Nathan at namula. Marahan syang umiling. "Hindi po." Magalang na sabi nito.

Napahalakhak naman si Zach. "But your eyes and cheeks can't lie. Why? Do you want your boss' kiss?" Pilyong tanong nya.

Agad na umiling si Nathan. "Hala hindi po." Hiyang-hiya na sabi ni Nathan. Napahalakhak nalang si Zach.

"Okay. If that's what you want. Let's go." Sabi nito bago buhayin ang kotse at ipinaandar.

Ngayon lang nakasakay si Nathan ng ganitong kagarang kotse. Hindi nya maiwasang mamangha. Napalibot sya sa paningin nya rito at kita nyang mukhang mamahalin nga ang kotse. Maraming furnitures na nakalagay sa loob na mukhang mamahalin talaga.

"S-Sir." Pagtawag nya sa kanyang boss. Napalingon naman si Zach na pokus ngayon sa pagmamaneho. "Yes?" Tanong nya.

"Bakit ako po ang sinama nyo sa dinner nyo? Bakit hindi nalang po iba? May girlfriend naman siguro kayo di'ba sir?" Tanong ni Nathan.

Napangisi si Zach. "I don't have a girlfriend. Tsaka so what kung ikaw ang kasama ko? I'm the boss, I can do what I want and I don't need to please for somebody." Sabi ni Zach. Napatingin sya sa peripheral vision nya at kita nyang nanahimik nalang si Nathan.

How cute. Bulong nya sa isip nya. Napahagikgik sya. "Unless you want to be my girlfriend." Nakangising sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ni Nathan. "Hindi po!" Gulat na sabi nya.

GENTLEMAN 1: Zach MontiverdeWhere stories live. Discover now