Chapter 7

22 2 0
                                    

"OH, MY God!" hindi napigilang bigkas ni Joel nang mabasa ang diary ng ina.

Hindi ko matanggap ang kamatayan ni Isabella. Alam kong may malalim na dahilan ang nangyari sa kanya kaya naman lingid sa kaalaman ng aking pamilya ay nag-imbestiga ako sa kung ano ang tunay na dahilan ng lahat.

Wala akong sinayang na panahon dahil gusto kong bigyan ng hustisya ang kamatayan ng aking matalik na kaibigan. Naghanap ako ng mga posibleng magamit ko sa aking paghahanap ng mga kasagutan.

Hanggang sa isang araw, nakita ko ang diary niya. Binasa ko ito at natuklasan kong may itinatagong lihim ang angkang pinagmulan ng aking mga anak at mga inaanak. Ito ang tungkol sa diary ng magkapatid na Cervantes--sina Alfonso at Victoria.

Bukod dito, natuklasan ko rin ang nilalaman ng diary na iyon. Sa bawat katagang nakasulat doon sa wikang Espanyol, naglalaman iyon ng mga impormasyong kinalalagyan ng nakatagong kayamanan ng dalawang angkan na namana pa nila sa kanilang mga ninuno.

Naisip kong posibleng may kinalaman ang mga ito sa nangyari kay Isabella. At ang isa pang posibilidad ay ang kasakiman ni Fidel sa pag-ibig.

Si Fidel ay isang obssessed na manliligaw ng aking matalik na kaibigan. Ilang beses na niya itong binasted pero patuloy pa rin ito sa pangungulit. Hanggang sa malaman nito na ikakasal na si Isabella sa taong mahal niya at mahal rin siya--si Javier Cervantes.

Nagalit si Fidel sa nalaman, kaya nagbanta ito na gaganti siya sa mga ito... sa kahit na anong paraan.

Noong unay ay hindi nila inintindi ito. Subalit nalaman kong totoo ang sinabi nito sa mga sulat na kasama ng diary.

Ngayon, alam ko nang kasakiman nga ang pinagmulan ng lahat ng sakit at pait na dinaranas ngayon ng pamilyang iniwan ni Isabella.

Kasakiman sa pag-ibig... at lalo na sa kayamanan...

Isinarado ni Joel ang diary at inilapag iyon sa mesa.

"Alam mo ba ang tungkol sa Fidel na iyon, Alexis?"

Umiling lang si Alexis.

"Wala namang nababanggit noon si Mama tungkol diyan, eh. Kahit si Daddy, walang binabanggit."

"Nabasa mo na ba ang mga sulat?"

"Hindi pa. Iyong diary pa lang ang nababasa ko."

"Ang mabuti pa, basahin na lang natin ang mga iyon. Wala na tayong ibang choice."

Kaya naman sinimulan na nilang basahin ang mga sulat.

Hindi sila tumigil sa pagbabasa hanggang sa matapos na nilang basahin ang mga iyon.

Kaya inabot sila ng alas-tres ng madaling araw bago matapos.

xxxxxx

NAALIMPUNGATAN si Alexis nang marinig ang musikang nanggagaling sa pagtipa ng mga nota sa piano na nasa silid ni Angela.

Pero hindi na niya iyon inintindi. Inaantok pa kasi siya dahil na siya nakatulog.

Pumikit siyang muli at nakatulog.

Tuluyan na lamang niyang nagising nang tumama na sa kanyang mukha ang liwanag na nagmumula sa matinding sikat ng araw.

Nang tingnan niya ang orasang nasa side table, nakita niyang alas-diyes na ng umaga.

Napatayo na siya na tuluyan at dumiretso sa banyo para mag-shower. Nang matapos ay agad siyang nagbihis.

Bago siya nagtungo sa sala, dumiretso muna siya sa pasilyo kung saan papunta iyon sa veranda na malapit sa silid ni Angela.

Nakita niya roon si Angela, nakatanaw sa kawalan. Nakaupo sa wheelchair at walang kakilos-kilos. Sa tabi naman ng dalaga, naroon sina Cheska at Elizza na nagbabantay at nag-aalaga kay Angela.

Nanatili lang siyang nakatayo sa kanyang kinatatayuan habang nakatanaw kay Angela. Nagbalik lang siya sa huwisyo nang tawagin siya ni Cheska.

"Kuya, ano'ng ginagawa mo riyan?"

"W-wala lang," wika niya habang lumalapit sa kinaroroonan nina Cheska at Elizza.

"Kumust na nga pala siya?" kapagkuwa'y tanong niya habang nakatingin pa rin siya kay Angela.

Napabuntong-hininga si Elizza.

"Okay naman, kahit papaano."

"Kumusta na ang mga paa niya? May posibilidad pa ba siyang makalakad?"

"Oo naman. Si Fate pa ang may sabi niyan. Time will come at babalik na si Ate Angela sa dati."

"Naririnig ba niya ang ibang mga sinasabi ninyo? Halimbawa, kapag maliligo na siya o 'di kaya ay kapag pakakainin na siya?"

Nagkibit-balikat lang ang dalawang dalaga.

"Malay namin. Pero sa palagay ko, oo."

"Bakit parang alanganin ka pa, Elizza?" natatawang tanong niya.

"Hindi kami sigurado, Kuya. Pero kapag paliliguan na siya o 'di kaya ay pakakainin, naiintindihan naman niya kami."

Hindi pa rin maalis-alis ang tingin niya kay Angela na nananatiling nakatanaw sa malayo.

Na siyang napansin ng dalawa.

"Kuya, na-miss mo ba talaga nang husto si Ate Angela at hindi na maalis-alis ang tingin mo sa kanya ngayon?" nanunuksong tanong ni Elizza.

"H-ha?" Bigla siyang napatingin sa mga ito. "A-ano ba'ng pinagsasasabi ninyo riyan?" Humakbang patungo sa silyang malapit sa dalawang dalaga at doon naupo.

"Kuya, don't deny it, okay? Obvious naman, eh."

"Hindi ko kayo maintindihan."

"May gusto ka kay Ate Angela, hindi ba?"

Natigilan si Alexis sa tanong na iyon ni Cheska.

"Hey, huwag ka nang magalit sa amin. It's just that... matagal na kasi naming napapansin na hindi lang pagtinging kapatid ang iniuukol mo kay Ate. We know it's more than that."

Hindi kumibo si Alexis. Nanatili lang siyang nakatingin kay Angela.

"At alam din namin ang sakit at paghihirap na pinagdaanan mo nang inakala mong patay na siya."

Napabuntong-hininga si Alexis.

"Kailan n'yo pa iyon napansin?"

"Matagal na. And besides, hindi lang naman kami ni Ate Cheska ang nakakapansin n'on, eh. Everyone in the family noticed that. Kaya wala ka nang maikakaila."

"Si Angela kaya, napapansin ba iyon?" tila wala sa sariling tanong niya.

"I don't know. Hindi naman kasi namin ipinapahalata ang napapansin namin sa kanya, eh."

Ilang saglit siyang natahimik.

"Kung magbalik na siya sa dati at ligawan ko, papayag ba kayo?"

Nagkatinginan ang dalawang dalaga.

"At bakit naman kami hindi papayag? Obvious namang gusto ka namin para sa kanya, eh."

"Si Joel, papayag ba 'yon na ligawan ko si Angela?"

"Don't worry about Kuya Joel. Iyon pa. At saka siya pa nga ang nagsabi na bagay kayo sa isa't-isa."

Kasalukuyan pa rin silang nag-uusap nang biglang tumunog ang kanyang cellphone na nasa bulsa ng pantalon niya.

"Hello?"

"Kuya, nandiyan ka pa rin ba sa bahay?" tanong ni Angela mula sa kabilang linya.

"Oo. May problema ba?"

"Pumunta ka rito sa office, Kuya. Kilala na namin ang taong nag-utos para patayin si Mang Sonny.

"Ha?"

"Marami pa kaming impormasyong nalaman. At lahat ng iyon, konektado sa nangyayari sa pamilya natin."

"O, sige. Pupunta na ako riyan."

Ini-off na niya ang cellphone pagkatapos niyon at nagmamadaling umalis siya ng ancestral house.

✔ | CHRONICLES OF THE ROSES BOOK 1: I Won't Ever Leave YouDove le storie prendono vita. Scoprilo ora