Chapter 1

88 3 0
                                    

PAGTAPAK na pagtapak pa lang ng kanyang mga paa sa lupa ay agad na hinagilap ni Alexis ang mga mukhang pamilyar sa kanya.

Kararating lang kasi niya galing Canada. And from the airport, dumiretso muna siya sa isang hotel na malapit sa daungan ng mga barko at tinawagan ang kapatid na si Joaquin para magpasundo gamit ang yate ng kanilang pamilya.

Matapos makapagpahinga ay agad na dumiretso si Alexis sa daungan kung saan sinalubong siya ng piloto nitong si Mang Inggo. At gamit ang yate ay dumiretso sila sa San Jose, ang bayang kanyang sinilangan.

At ngayong narito na siya, napangiti siya nang makita ang napakalaking pagbabago sa bayang iyon. Subalit sa kabila ng pagbabalik niya sa San Jose ay may kahungkagan pa ring nararamdaman ang binata.

Kahungkagan nga ba... o sakit na dulot ng isang alaalang sumugat sa kanyang puso?

Habang pinagmamasdan ang paligid niya ay nagulat siya nang biglang pumisan sa likod niya si Fate, ang kapatid niya. Pero saglit lang iyon. Dahil na-miss din niya ang kakulitan nito.

"Hanggang ngayon, hindi ka pa rin nagbabago, ah," natatawang wika niya habang nakapasan pa rin sa kanyang likuran ang kapatid.

"Pasensiya ka. Na-miss kita nang husto, eh."

"Na-miss din naman kita, ah. Kaya lang, hindi nakaka-miss 'yang kabigatan mo. Laging nakakasakit ng likod."

Nanghahaba ang nguso ni Fate na umalis sa pagkakapasan sa likod niya.

"Ito naman. Parang naglalambing lang, eh," nagtatampong wika ni Fate.

"Hindi ka naman mabiro. Biro lang iyon." Saka biglang hinila sa braso ang kapatid at saka mahigpit na niyakap.

Nang iangat niya ang kanyang mukha ay napangiti siya nang makita ang iba pa niyang mga kapatid.

Si Joaquin na sumunod sa kanya, si Cecille na sumunod dito at ang panganay sa mga babae, si Nathan na bunso sa mga lalaki at si Cheska na siyang kakambal ni Fate.

Inilayo niya si Fate at excited na lumapit sa mga kapatid.

"Ang laki na ng ipinogi natin, Kuya," nakangiting puna ni Cheska na unang yumakap sa kanya.

"Siyempre naman, 'no? Alangan namang hahayaan ko ang sarili kong pumangit. Eh 'di 'pag nangyari 'yon, hindi na ako magiging lapitin ng chicks." At kasabay niyon at ngumiti siya ng pilyo sa bunsong kapatid.

Napailing na lang si Nathan sa mga sinabi niya.

"Alam mo, Cheska, sa susunod ay huwag mo nang purihin si Kuya. Lalo lang lumalaki ang ulo niyan, eh."

"Ito naman. Kahit na kailan yata ay hindi na ako pupurihin nito," kunwari'y nagtatampong wika niya.

Natawa lang si Cecille at si Fate sa inakto niya.

"Kuya naman, hindi ka na nasanay kay Nathan. Nagbibiro lang iyan. Wala lang kasing maasar 'yan dito for the past ten years kaya siya ganyan ngayon."

Nangunot ang noo ni Cheska matapos marinig iyon.

"Ano'ng walang inaasar? Eh ako nga itong halos matuyo ang dugo sa kunsumisyon diyan kay Kuya Nathan, 'no?"

"Hayaan mo na lang, Cheska. Ako na ang bahala sa 'yo kapag kinunsumi ka pa nitong si Nathan," aniya sa kapatid.

Napangiti si Cheska sa sinabing iyon ni Alexis. 'Di nagtagal ay naging kapansin-pansin na tila may hinahagilap siya sa paligid.

"Bakit, Kuya?" puna ni Joaquin.

"S-saan nga pala si Papa? Bakit kayo lang ang nandito sa pier para sunduin ako?"

"Nasa bahay si Papa, Kuya." Si Fate.

✔ | CHRONICLES OF THE ROSES BOOK 1: I Won't Ever Leave YouWhere stories live. Discover now