CHAPTER 1

18 3 0
                                    

ZINLORDRALLY LLAINE GODIÑEZ 's POV

"Veh! Veh!" Grr. Ang ingay!

"Hoy gumising ka na dyan! May nalalaman pa kaseng pag-lock ng pinto!" Sigaw nya mula sa labas. Dati kase di ako naglo-lock ng pinto pero dahil ang ingay ng kaibigan ko at basta-basta na lang pumapasok sa kwarto ng walang paalam eh ayun.

"Ano bang problema mo?!" Sigaw ko para marinig nya. Nakasalampak pa rin ako dito sa malambot kong kama dahil di ako nakatulog ng maayos kagabi at ang ingay pa nitong kaibigan ko.

"Besh?! Kukunin natin yung mga books natin ngayon! Remember?! At bibili pa tayo ng gamit! Duh?!" Sigaw naman nya. Aish nakalimutan ko! Sh*t.

"Geh susunod ako. Maliligo lang!" Sigaw ko at dumiretso sa CR.

Umupo lang ako sa toilet bowl at di pa rin tinatanggal ang damit ko. Panay pa ang hikab ko. Urgh! Puyat feels. Di ko alam kung paano ako magsisimula. Duh? Zin? Tanggalin mo muna kaya yung damit mo noh?

After few minutes..

"Oh kala ko ba aalis tayo bakit ang ganda pa ng higa mo dyan sa sofa?" Tanong ko dito kay April.

"Tagal mo kaya Veh! Tsk. Yan ang hirap sa'yo pag walang pasok matagal mag-ayos ng sarili di katulad nung school days 5 minutes tapos ng maligo tapos 10 minutes ang pagbihihis! Hayst!" Sabi nya sa akin at sinapo pa ang ang sariling noo gamit ang palad at umiling-iling pa. Stressed lang?

"Tama na nga yan. Hali ka na." Sabi ko at naunang lumabas ng bahay. Sumunod na rin sa akin si veh dahil sinarado nya pa ang bahay namin. Pumara na ako ng tricycle at sumakay na kami ni veh papuntang jeep station.

"Saan po kayo Ma'am?" Tanong ng kondoktor.

"Sa TIUS po kuya." Sabi ni veh at inabot ang bayad.

Nang mapuno na ang jeep na sinasakyan namin ay umandar na ito.

"Para po kuya!" Sabi naman ni veh at bumaba na sa tapat ng school.

Pumasok na kami sa loob ng school at dumiretso sa registrar's office para bayaran ang mga books na dapat naming bilhin for our strand which is STEM. Pagkatapos mabayaran ay pinirmahan namin ang receipt at saka pumunta sa books station which is dun kinukuha ang mga books na binili.

"Veh kakain pa ba tayo o didiretso na sa Fairview?" Tanong sa akin ni April habang palabas na kami ng school.

"Diretso na tayo sa Mall pakalmahin mo muna yang tyan mo." Sabi ko at naghintay ng sa waiting shed ng bus.

"Hi Ma'am! San po kayo?" Masiglang bati sa amin ng gwapong kondoktor. Yeah gwapo sya kaya nga etong kaibigan ko eh sundot ng subdo sa tagiliran ko na parang ewan.

"Ahm eh keye se Fairview pe keme. Delewe pe." Untog ko na ba 'to? Sabihin nyo lang. Babasakin ko sa uli nito yung window ng bus. Ang arte!

"Nawala ba sa tamang ayos yang dila mo veh?" Tanong ko sa kanya.

"Heh?" Ay. Onti na lang talaga pigilan nyo ako.

"Eh kung sapakin kaya kita? Heh? Heh? Ayusin mo nga yang dila mo. Mukhang bumaluktot eh. Nakakatakot baka lumala." Sabi ko sa kanya.

"Eto na nga po suri na po." Sabi nya at buti naman umayos. Tsk. Basta gwapo talaga eh bumibigay. Iba talaga pag marupok. Ewan ko ba ang mga kabataan ngayon. Parang di ako teenager? Well. Nevermind.

Mabilis lang kaming nakarating sa Fairvew 30 minutes siguro.

"Veh. Can we eat na? Nagugutom na talaga ako eh kahit yung Turks lang pwede na." Sabi nya with puppy eyes and pouting lips. So cute!

Between My Four Ex-CrushesWhere stories live. Discover now