PROLOUGE

47 10 0
                                    

"CALLING THE ATTENTION OF MS. GODIÑEZ. PLEASE PROCEED TO THE SCHOOL'S CASHIER NOW!" Rinig ko mula rito sa bagong room namin.

"Veh! Tinatawag ka! Hala ano kayang meron!" Di ko alam mukhang baliw itong si April.

"Baka hindi ako yun." Sabi ko at nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit sa room.

"CALLING THE ATTENTION OF MS. GODIÑEZ. PLEASE PROCEED TO THE SCHOOL'S CASHIER NOW! MS. ZINLORDRALLY LLAINE GODIÑEZ PLEASE GO TO THE SCHOOL'S CASHIER NOW! SOMEONE HAS A DELIVERY FOR YOU!" Tsk. Ako nga.

"Oh di ba ikaw nga!" Sigaw naman sa akin ng best friend ko. Ewan ko nga ba't naging kaibigan ko ito.

"Narinig ko ok? Samahan mo nga ako duon." Sabi ko at mas nauna pa sya sa akin lumabas ng room. Sya na lang kaya kumuha?

"Ms. Zinlordrally Llaine Godiñez?" Tanong sa akin ng delivery man at tumango naman ako.

"Here's your delivery Ma'am." At inabot nya sa akin ang malaking box. Inagaw naman sa akin ni April iyon at sya na ang nagdala pabalik sa room namin.

"Yiee! Ano kayang laman nito? I am so excited! Woooh!" Sabi nya at dahan-dahang binubuksan ang box. Mas excited pa sya sa akin.

"Veh!! Look! Bouquet of roses! So sweet!" Sabi nya at ipinakita sa akin ang bugkos ng mga mapupulang rosas. Kumunot naman ang noo ko duon.

"And look! Big chocolates! Herseys and Dairy Milk! Yiee yummy!" Sabi na naman nya at nanlalaki ang mata at nagtu-twinkle pa ito. Psh.

"At! Charan! Starbucks coffee and lunch! Dalawa pa! Ohmygastos!" Mas lalong nangunot ang nuo ko ng makita ang lahat ng laman ng delivery box.

"Veh may letter." Sabi nya at sya na rin ang nagbukas. Sya talaga ang pinadalhan ng delivery box.

"Basahin ko ah?" Sabi nya. Nagpa-alam pa.

"Geh. Hawak mo na eh." Sabi ko at umirap.

"Dear Zin,

Its been a long day or years shoul I say. These gifts are for you. I wish that you will appreciate all of this. You will know me not now but soon. Just wait!

I love you,
From Your ADMIRER. " Basa nya sa nilalaman ng letter at ginawan nya pa ito ng pang MMK na tono. Pinagpapalo naman ako nito pagkatapos tumingin at ngumiti sa akin.

"Aw! Sasapakin na kita dyan." Sabi ko sa kanya at pinakita ang kamao ko. Mabilis naman syang lumayo. Natakot!

"Pero veh! Pak na pak! Magkaka-boyfriend ka na ata eh! Yie!" Sabi nya at nagpapalakpak.

"You know veh mag-focus ka na lang sa lovelife mong sobrang SWEET wag mo akong pakielaman ha. Dun ka na nga sa boyfriend mo! Pag-untugin ko kayo eh. Psh. Akin na nga yang box na yan ilalagay ko na itong mga 'to." Sabi ko at inalagay ang chocolates at inamoy muna ang flowers bago inalagay sa box.

"Oh sa inyo na ito ng jowa mo tutal di naman ako nagugutom." Sabi ko at ibinigay sa kanya ang dalawang frappe galing sa starbucks at lunch from Mcdo. Well it's chicken with fries. My favorite but ibibigay ko na lang.

"Tsk. Grabe naman 'tong si veh! Oh eto na lang sayo oh." Abot nya sa akin sa frappe at tinanggap ko na lang.

"Geh punta ka na dun sa jowa mo ako na mag-aayos dito. Enjoy! Sana mabulunan ka." Sabi ko at sinamaan nya naman ako ng tingin. Psh. Isip bata. Ininom ko na rin yung frappe at sinali sa mga basura na nasa garbage bag.

Between My Four Ex-CrushesWhere stories live. Discover now