5. "YAKAP"

2.9K 151 4
                                    

                  "YAKAP"

 

Mariin na tumitig si Mikee kay Reynaldo habang nakapangalumbaba ito sa mesa. Hindi pa nagsisimula ang klase at ang aga-aga eh... Mukhang malalim ang iniisip ng isang ito. Katabi niya ito sa upuan.

"Ano bang problema mo? Bakit mukhang malalim ang iniisip mo diyan?" puna niya.

Napatingin sa kanya si Reynaldo.

"Alam mo kasi.... Iniisip ko iyong nangyari noong nakaraang araw... Iyong nakasagupa kami ng manananggal. Grabe iyon, akala ko hindi na kami makakauwi ng buhay." pakli nito.

"Nabalitaan ko nga iyon... Baliw nga si Grimm, akalain mong iniuwi pa niya iyong pakpak ng aswang at ibinandera sa lahat?!" tumawa ng mahina si Mikee.

Nagtataka namang napatingin si Reynaldo dito, napansin ni Mikee iyon kaya napatigil ito sa pagtawa.

"Bakit?" maang niyang tanong.

"B-Bestfriend mo si Grimm at mas matagal mo na siyang kasama kaysa sa amin... Alam mo bang bukod sa itsura niya ay parang may kakaiba pa sa kanya? Parang sanay na sanay siyang humarap sa mga di pangkaraniwang nilalang..."

Matagal na tumitig sa Mikee dito pagkatapos ay ngumiti...

"Espesyal talaga si Grimm kaya siya kakaiba. Sanay na siya sa mga maligno dahil madalas siyang makakita ng mga ganoong nilalang... May six sense siya. Dahil ba doon, mag-iiba ang tingin mo sa kanya?" biglang tanong ni Mikee.

Umiling si Reynaldo.

"Siyempre hindi... Kahit ano pa siya, kaibigan ko siya eh... Nagulat lang ako na hindi siya natatakot sa mga ganoong nilalang... Iyon pala, sanay na siya..."

Hindi na nagsalita pa si Mikee. Ilang sandali lang nagsimula na ang klase...

Samantala... Masayang-masaya si Rusty ng araw na iyon dahil nalaman niyang pupunta sa bahay nila ang crush niyang si Kief... Magkakaroon ito ng espesyal na pagsasanay mula sa kanyang ama... Naisip niya na isa na iyong magandang pagkakataon... Balak na niyang magtapat! Kaya lang, kasama ng excitement niya ang matinding kaba na nararamdaman niya... Tapos, naalala niya si Grimm... Mukhang siya naman ngayon ang mangangailangan ng tulong nito...

Kampanteng naglalakad si Grimm papunta sa canteen ng oras na iyon ng biglang may humila sa kamay niya papunta sa garden... Gulat siyang napatingin sa may-ari ng kamay na iyon... Si Rusty.

"Teka, anong ibig sabihin nito?!"

"Basta, may kailangan ako sa'yo!"

"Uy, huwag kang ganyan... Kababae mong tao eh..."

Napahinto sa paglalakad si Rusty at hinarap si Grimm.

"Ano bang sinasabi mo diyan? Kailangan ko ng tulong mo... Kaya pakiusap, makinig ka sa akin.."

"Ah... Sige..."

Napasunod na lang si Grimm dito at tumuloy sila sa garden ng school.

"Okay, ano bang tulong ang sinasabi mo? May umaway ba sa'yo at ipapagulpi mo siya sa akin? Sige, sabihin mo kung sino at uupakan ko agad!"

Inilislis ni Grimm ang manggas ng kanyang uniform na polo. Napaismid na lang si Rusty.

"Naku naman, Grimm... Puro away naman iyang iniisip mo eh. Mali ka ng akala. Wala akong ipapabugbog sa'yo." wika niya.

ESCAPE FROM HELLDonde viven las historias. Descúbrelo ahora