2. "Just Friends"

4.3K 179 7
                                    

          "Just Friends"

 

 

Pasipol-sipol si Grimm habang papasok sa eskuwelahan ng umagang iyon... Masaya siya dahil buong araw niyang inisip si Rusty... First time niya kasing magkaroon ng babaing kaibigan... Naalala niya iyong mga Cloud 9 na binigay nito sa kanya... Hindi niya magawang kainin ang mga iyon at panay lang ang titig niya.. Inaalala niya kasi ang tinuro nito tungkol sa temptation at seduction...

Napahinto siya ng mamataan niya ang kumpol ng mga tao sa may kalsada. May kung anong inuusisa ang mga tao, lalo na ang mga miron. May mga pulis din doon at nakita niya ang Ninong niyang si Lance. Isa itong pulis.

"Good morning Ninong! Ano pong nangyari?" tanong niya.

"May na-hit and run. Kawawa nga eh, grabe ang inabot niya." napailing ang Ninong niya at bahagyang namumutla.

"Oh talaga?! Patingin!"

Excited siyang lumapit sa kinaroroonan ng bangkay.

"Wow! What a view!" bulalas niya.

BAG! Binatukan siya ng mahina ng Ninong niya na sumunod sa kanya.

"Aray! Bakit po ba?!"

"Parang natuwa ka pa kasi sa nakita mo." sermon nito sa kanya.

"A he he he he! Awang-awa nga ako eh!!! Nadurog siya ay! Napisat, parang inapakang langgam kaya nakeret! Ha ha ha ha!"

"Naawa ka pa ng lagay na iyan ah?" sarkastiko nitong sagot.

Natigilan sila ng mag-ring ang cellphone ng biktima. Hawak iyon ng putol na kanang-kamay.

"Ninong, nagri-ring iyong cellphone niya oh. Bakit di niyo sagutin para malaman ng tumatawag o ng kahit ng kamag-anak niya na keret na siya?!" maang niyang tanong.

Napangiwi ang Ninong niya at napaatras. Tumingin din siya sa mga kasama nitong mga pulis at mga kagawad ng barangay... Lahat napangiwi...... Napabuntung-hininga si Grimm at napangiti ng matamis sa lahat. Di pala kaya ng mga sikmura ng mga ito.

"Huwag na kayong mag-alala! Ako na lang ang sasagot sa tawag! Ako na ang kukuha ng cellphone! Mabait kasi ako eh....."

Gulat na napatingin ang mga tao sa kanya. Pasipol-sipol si Grimm ng lumapit siya sa durog na katawan. Pinulot niya ang kamay at kinuha ang cellphone.

"Infairness, medyo mahirap na siyang kunin dahil tumigas na....."

Isa-isa niyang inalis ang mga daliri na nakahawak sa cellphone. Diring-diri naman ang mga nakakakita sa ginagawa niya.

"Ano bang klaseng bata itong si Grimm?!" bulalas ni Lance.

Sa wakas, nakuha na rin niya ang cellphone at agad na sinagot ang tawag. Iwinagayway pa niya sa lahat ang putol na kamay. May mga di nakapagpigil kaya biglang lumayo at napasuka sa may sulok.

"Hello?" casual niyang sagot.

"Hello! Sino ito? Bakit ikaw ang sumagot?! Pakisabi sa lalaking iyan na marami nang trabaho na naghihintay sa kanya dito sa opisina!" babae ang nasa kabilang linya.

"Isa-isa lang po ang ngatel, mahina ang kalaban. Sorry po, pero hindi na makakapasok ang may-ari ng cellphone na ito kasi-" hindi na siya pinatapos.

"Anong hindi makakapasok?! Naku naman! Kung kailan maraming trabaho na kailangang apurahin, hindi siya papasok?!"

"Huwag po ako ang pagalitan niyo, sandali.... Ilalapit ko ang cellphone sa kanya saka kayo tumalak!"

ESCAPE FROM HELLWhere stories live. Discover now