12. Gaunt Wintergreen

2.5K 134 8
                                    

 

       "GAUNT WINTERGREEN"

 

 

 

Halos isang Linggo na ang lumipas mula ng mangyari ang pakikipaglaban nina Grimm sa yungib... At sa loob ng panahong iyon, patuloy siyang kinukulit ng mga kaibigan niya na si Mikee ang mahiwagang nilalang na tumulong sa kanila. Pero, hindi siya naniniwala. At mariin din naman iyong itinatanggi ng bestfriend niya.

"Guys, tigilan niyo nga ako diyan sa sinasabi niyo. Nagsasawa na ako sa pagsasabi na hindi ako ang tumulong sa inyo. Ordinaryong tao lang ako, no. At nang mga panahong iyon, kasama ko ang Lola ko sa bahay." mariing wika ni Mikee.

"Tigilan niyo na nga si Mikee. Ilang beses na niyang sinasabi sa inyo na hindi nga siya iyon. Tsaka, ang sabi niyo... May mga pakpak ang nilalang na nakita niyo, eh tingnan niyo nga si Mikee, wala naman siya noon." segunda ni Grimm.

Biglang hinubad ni Mikee ang suot niyang uniform at ang sandong panloob. Tumalikod siya sa mga Kuwarog Boys ni Grimm.

"Ayan, tingnan niyo ngang maigi ang likod ko kung may mga pakpak ako?" tanong pa nito sa lahat.

Napailing si Grimm at napangiti. Samantala, dumating na sa tambayan si Rusty. Napabuntung-hininga siya ng malalim sa nadatnang eksena. Mukhang may trauma pa rin ang mga Kuwarog Boys doon sa nangyari. Kinukulit pa rin si Mikee sa isang bagay na napaka-imposible.

"Boys, tantanan niyo na nga si Mikee. Magmove-on na nga kayo." bati niya sa lahat.

Natigilan ang mga ito at nakangiting tumingin sa kanya. Naglakad siya palapit sa mga ito at inilapag ang dala niyang fruitsbasket.

"Pinapamigay ni Tita Alice ito sa inyo." wika niya.

"Ha? Bakit?" maang na tanong ni Mikee.

Isinuot na ulit nito ang mga damit.

"Salamat daw kasi hindi na gumagawa ng gulo ang grupo niyo. Hindi niyo pinasakit ang ulo niya sa loob ng halos dalawang Linggo. Sana nga raw, magtuluy-tuloy na. Isa pa, nalaman din niya ang mga nangyari sa inyo kaya nag-alala din siya."

Nagkibit-balikat ang lahat at tumawa.

"Pakisabi kay Ma'm Alice, salamat. Pero hindi namin maipapangako na hindi kami gagawa ng gulo. Alam mo kasi, gulo na ang lumalapit sa amin kahit pa umiiwas kami." nakangiting wika ni Grimm.

"Hay naku..." nasapo ni Rusty ang ulo at napailing.

Mababait naman sina Grimm kaya hindi niya maintindihan kung bakit maraming estudiyante sa school ang ilag sa mga ito... Siguro nga, dahil sa image nila. Pero kung kikilalanin lang nilang maigi ang mga ito... Napatigil siya sa pag-iisip ng bigla siyang may maalala.

"Oo nga pala, binilin sa akin ni Tito Clemen na daanan niyo siya sa simbahan mamaya. Titingnan niya kung okay na okay na daw talaga ang mga katawan niyo mula sa bugbog na inabot niyo. Lalo na ikaw, Salv. Kailangang matingnan niyang maigi ang iyong katawan para masigurong wala na talaga iyong lason na ibinigay sa'yo ng Succubus demon..." paliwanag niya.

Napakunot-noo si Mikee at tumingin sa kanya.

"Succubus Demon? Teka, ano ba iyon talaga? Palagi niyo na iyang nababanggit pero hindi niyo naman ipinapaliwanag sa akin." tanong nito.

ESCAPE FROM HELLHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin