15. The Past

2.1K 121 2
                                    

 

 

              The Past 

Tahimik si Rusty habang naglalakad sila ni Gaunt patungo sa banig na nakalatag sa tabi ng lawa. Pakiramdam niya, matagal nang nangyari ang bagay na ito. At pakiramdam din niya, matagal na niyang kakilala ang kasama niya. Naguguluhan siya sa mga nakikita niya sa kanyang isip.

"May problema ba?" tanong ni Gaunt.

Wala sa sariling napatingin si Rusty dito. Matapos noon ay muli siyang napatingin sa paligid ng lawa. Huminga siya ng malalim.

"H-Hindi ko maintindihan... Pakiramdam ko, nangyari na ang eksenang ganito noon. Pero, ngayon lang naman ako napunta sa lugar na ito." naguguluhang wika ni Rusty.

Dahil sa sinabing iyon ng dalaga ay nakadama ng kakaibang saya si Gaunt. Wala ngang duda na si Rusty nga ang pangalawang buhay ni Kristine... Nang kanyang si Kristine Edenburg. Napakislot si Rusty ng hawakan ni Gaunt ang kaliwa niyang kamay. Masuyo nitong sinakop ang kanyang palad at marahan iyong pinisil. Naiilang siyang napatitig sa mukha nito pero isang matipid na ngiti ang isinukli nito sa kanya.

"Halika na, baka maunahan pa tayo ng mga langgam sa mga pagkaing inihanda ko." nakangiti nitong wika.

"S-Sige..." wika niya.

Kung ibang babae siguro ang nasa sitwasyon niya, tiyak na kikiligin... Napakaamo ng mukha ni Gaunt at mukhang ito ang tipo na sobra kung magmahal... Pero wala siyang nararamdamang kilig dito bagkus ay nawewerduhan siya. Kailan lang niya ito nakilala pero kung umasta ito ay parang ang tagal na nilang magkakilala. Nauna itong naupo sa banig na nakalatag at mataman naman siyang sumunod. Nanatili ang paningin niya dito habang marahan nitong inilalabas mula sa basket ang mga pagkain. Mga prutas ang dala nitong pagkain. Ubas at strawberries na may kasamang sawsawan na whip cream at chocolate. Ipinaghain siya nito.

"Wow... Inihanda mo ba talaga ang lahat ng ito para sa akin?" amuse niyang tanong.

Nagkibit-balikat si Gaunt sa kanya saka ngumiti.

"Oo. Sana lang, nagustuhan mo."

Napangiti siya ng matipid.

"Nasorpresa ako ng sobra at medyo nagustuhan ko siya. Salamat sa lahat kasi alam kong hindi biro ang effort na ginawa mo."

Seryosong tumingin sa kanya si Gaunt. Napakislot siya ng haplusin nito ang kanyang pisngi. Marahan pa nitong idinantay ang hintuturo nito sa kanyang labi.

"Ako ang dapat magpasalamat dahil hinayaan mo akong makasama ka ngayong gabi. Sana, samahan mo ako sa mga susunod pa..."

Umiling si Rusty.

"Hindi ko maipapangako iyan. Hindi na ako sasama sa'yo sa susunod kung ganito. Napasama lang ako kasi nagababayad ako ng utang na loob. Ganoon pa man, salamat talaga sa effort."

Nadismaya si Gaunt sa sinabi ni Rusty. Pero ganoon pa man ay pinagtakpan niya ang kanyang nararamdaman. Naglagay siya ng pekeng ngiti sa kanyang labi.

"Ang mabuti pa, kumain na tayo." yaya ni Gaunt.

"Sige."

Nagsimula nang kumain si Rusty at wala namang ginawa sa buong sandali si Gaunt kundi ang titigan ang mukha ng kanyang kasama. Habang tumatagal ang pagtitig niya sa mukha nito ay mas lalo niyang naaalala ang nakaraan. Muling nanariwa sa kanya ang lahat...

ESCAPE FROM HELLWhere stories live. Discover now