20. EXORCISM

2.5K 124 6
                                    

"EXORCISM"

Napatingin si Clemen sa mukha nina Rusty at Grimm ng puntahan siya ng mga ito. Wala siyang ideya kung ano ang dahilan. Sumandal siya sa mesa na nasa likuran niya at humalukipkip.

"Ano bang itatanong niyo sa akin at magkasama pa kayong nagpunta dito?" casual niyang tanong.

Huminga ng malalim si Rusty at alanganing tumingin sa mukha ng kanyang uncle.

"Uncle... May alam ka ba tungkol sa babaing nagngangalang Kristine Edenburg?"

Nanlaki ang mga mata ni Clemen ng marinig niya ang katanungan ni Rusty. Napabuka ang labi niya sa sobrang pagkagulat.

"Paano mo nalaman ang tungkol sa kanya?"

Pasimpleng nagtaas ng kamay si Grimm.

"Nagkuwentuhan kasi kami kahapon at nabanggit ko sa kanya ang tungkol sa aking Kuya Gaunt. Nasabi ko rin sa kanya na nagkaroon ng ugnayan ang Kuya ko sa babaing si Kristine Edenburg..." wika ni Grimm.

Dahil sa narinig ni Clemen, nakaramdam tuloy siya ng kaba. Hindi niya nasabi kay Grimm na hindi dapat nito binanggit kay Rusty ang tungkol sa babaing minahal ng Kuya nito. Pero anong magagawa niya? Nandito na ito.

"Bakit bigla kang naging enteresado sa kanya, Rusty? Narinig mo naman na pala ang kuwento ni Grimm."

"Uncle... Kailan lang ay nakita ko sa panaginip ko ang pagkamatay ni Kristine... Sa panaginip ko, ako siya... Nakita ko na sinakal siya nang lalaking may pulang-buhok na kamukha ni Grimm... Tapos ay..."

Hindi na maituloy ni Rusty ang pagsasalita. Halata sa kanyang mukha ang matinding pagkalito.

"Ang aking amang si Belphegor ang sinasabi ni Rusty na kamukha ko..." dugtong naman ni Grimm.

Napakamot sa batok niya si Clemen. Wala na siyang magagawa kundi sabihin sa mga bata ang alam niya. Bahala na. Pinagbawalan siya ng kanyang Kuya Constantine na sabihin ang tungkol dito sa pamangkin niya... Pero kailangan nitong malaman ang totoo. Nag-umpisa na siyang magkuwento tungkol sa mga bagay na alam niya.

"Isang malagim na trahedya ang nangyari sa bayang ito noong 1920's... Isang puting-diyablo na lang ang biglang lumitaw at walang-awang sinunog ang lahat. Nilabanan siya ng mga exorcist pero hindi nila ito tinalo. Ayon sa kuwento ng mga nakaligtas... Umiiyak ang puting-diyablo habang karga niya ang isang babae na wala nang buhay... At ang babaing iyon ay si Kristine Edenburg. Doon nila napag-alaman na nagkaroon ang babaing iyon ng ugnayan doon sa diyablo at sa di malamang pangyayari ay namatay siya. Iyon ang rason kung bakit nagwala ang demon. Sa matagal na panahon ay maraming palaisipan ang naiwan ng pangyayaring iyon... Hanggang sa dumating si Grimm at nasagot ang lahat ng lihim ng trahedya. Nalaman ko mula sa kanya ang ugat..."

Tulirong napatingin si Rusty sa kanyang uncle.

"At ano namang kinalaman ko kay Kristine? Bakit ko siya napanaginipan?"

Huminga ng marahas si Clemen. Tumalikod siya sa mga ito at binuksan ang drawer ng mesa. Mula sa maliit na kahon ay kinuha niya ang isang lumang locket na kuwintas. Hugis-oblong ang locket at may kalakihan. Muli siyang humarap sa dalawa. Tiyak na mabibigla maging si Grimm. Muli siyang humarap sa mga ito.

"Sinabi sa akin ni Kuya Constantine na malayong kamag-anak ng iyong namayapang Ina si Kristine..."

Binuksan ni Clemen ang locket ng kuwintas at nalantad kina Grimm at Rusty ang larawan ng isang magandang babae. Lumang-luma na iyon pero malinaw pa rin. Gulat na napatingin si Grimm sa larawan at wala sa sariling napatingin kay Rusty. Napaatras siya ng bahagya...

ESCAPE FROM HELLWhere stories live. Discover now